Chapter 3: In Another Life

169 9 14
                                    

Chapter 3

Last Chapter

*Flashback*

Liam: “Siguro nga kaya hanggang ngayon nandito pa din ako dahil yun ang huli kong mission ang maiparating kay Mama ang diary na naiwan ko. Kapag natapos ko na ang misyon ko, pwede na akong mamahinga ng maayos”.

Nag panic ako ng maalala ko yun. Si Liam ! kaya pala may mali sa mga ngiti niya na parang di sya Masaya. Huling araw nya na ditto sa lupa. Ngayong natupad na ang huli niyang misyon, aalis na siya, di ko na ulit siya makikita.

“Tita, mauna nap o ako”! Hindi ko na hinintay ang isasagot niya. Kinuha ko na kaagad ang bag ko saka tumakbo pabalik ng school. Hinihingal akong pumasok sa room 304. May tumakas na luha sa mata ko ng Makita ko ang katawan ni Liam na nakalutang ang nababalutan ang napakaliwanag at nakakasilaw na ilaw.

“Ano mang iiwan ka na”?!?!?!? Sigaw ko sa kaniya. Nangangatog ang buo kong katawan. Ayoko siyang umalis pero di pwede, kelangan niya nang umalis dahil tapos na ang misyon nya ditto.

“I’m sorry, hindi ako pwedeng manatili sa tabi mo”. Sagot niya habang napapalubutan pa din ng liwanag. Natutunugan ko ang lungkot sa kaniyang tinig.

“Bakit ngayon pa ?  I’m not ready to see you go, I have still have lots of things I want to say to you”.

“Kelangan kong umalis dahil hindi na ako nababagay ditto sa mundo niyo”.

“ Di ka pwedeng umalis !! Please lang ! Di ko pa nasasabi sayong mahal kita. Mahal na mahal ! Sige pagtawanan mo ako, wala na akong pakealam sa sasabihin mo, oo tanga akong mainlove sayo pero eto nay un e”. Tinuro ko ang dibdib ko. “Nandito ko na e”. Matagal ko ng kinikimkim to sa dibdib ko. Mahal kita at mamahalin kita.

I saw him smirked and did a half smile, and before I knew it nabalutan na ng tuluyan ng liwanag ang buo niyang katawan. Pero this time, unti unting bumabalik ang katawang tao niya at lumapag sa lupa ang kaninang nasa ere niyang pangangatawan.

Tumakbo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Di ako makapaniwalang nahahawakan ko na siya. Totoo ba to ? Kung panaginip man to please lang wag niyo na akong gisingin. Mainit ang katawan niya at buhay na buhay. Niyakap niya din ako at naramadaman kong tulo na naman ang luha ko. Totoo nga siya, nandito siya sa harap ko ngayon. Mas mahigpit ang yakap niya.

“Mahal din kita”. Bulong niya sa tenga ko, mga salitang parang bumuo ng pagkatao ko. Mga salitang gusting gusto kong marinig galing sa kaniya. Napapaiyak ako lalo, Mahal nya din ako !

Humiwalay siya sa pagkayakap, pinunasan niya ang luha ko sa aking mga mata. Hinawakan ko ang likod ng palad niya habang pinupunansan ang luha ko. Pinapakiramdaman ko ang init ng katawan niya.  Masaya pala kapag nahahawakan mo ang taong mahal mo.

Tahimik ang buong paligid, hikbi ko lang ang nariring sa buong kwarto. Nilapit niya ang mukha niya saken. Tinitigan ko siya. Ang gwapo niya pala talaga lalo na kung ganito kalapit. Yung mga mata niya parang papatayin ko sa kakatitig niya. Pinikit ko ang mga mata ko. Unti unti, hinalikan niya ang aking mga labi. I feel butterflies in my stomach. Iba ang feeling ko ngayon, Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko, yung mga tuhod kong OA na kung manging sa kilig. Pakiramdam ko tumigil ang oras sa mga sandaling yun.

“Paalam mahal ko”. “Magkikita pa tayong muli”. Bulong niya saken. Pagdilat ko ng mga mata ko, wala na siya. Wala na si Liam. Wala na ang mahal ko. Puting usok na lang ang naabutan ng mga mata ko ng dinilat ko.

Napaluhod ako at umiyak sa lungkot. Buwan na lang ang liwanag na bumabalot sa buong kwarto. Once again, ang iyak ko lang ang maingay. Di ko mapigilan. Parang walang sawa ang mata ko sa kakaiyak. Sa idea pa lang na di ko na ulit siya makikita, nasasaktan ako. Ngayon lang akon nagmahal. Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan. Pero yung pag iwan niya saken yung wala ng balikan. Pero maghihintay ako, kahit na walang kasiguraduhan na may babalik. Kahit na magmukha akong tanga kakahintay ng milagro.

Malungkot ? Oo, pero naiintindihan ko ang sitwasyon naming, tama lang na maging Masaya ako para sa kaniya dahil nagawa niya na ang huli niyang misyon at ngayon, makakapag pahinga na siya ng maayos. Mananahimik na siya ngayon. Mananahimik na sa Liam. Kahit sa sandaling panahon lang kitang nakasama, hindi ako nagkamali na na inlove ako sayo. Swerte ako dahil nakilala kita. Swerte ako dahil ako ang nakita mo nung araw na naiwan ako sa Library para manghingi ng tulong. Isang buwan na ang nakakalipas ng makilala kita. Isang buwan din tayong nagging magkasama. I have it here in my memory.

Kung nasan ka man ngayon, sana okay ka na. Hintayin mo ako ha ? Matagal tagal pa siguro pero makakasama din kita ulit.

After 1 year

Hay bagong school year na naman ! Di ko pa din nakakalimutan si Liam, pero masaya ako ngayon. Araw araw akong dumadaan sa 304, kahit na wala naman akong makikita dun, kahit na wala naman akong aabutan dun, dumadaan pa din ako dun bago umuwi. Nakagawian ko na din bisitahin yun, naalala ko kase siya kapag nandun ako tsaka feel ko at peace ako kapag nasa 304. Wala na din amg mga kwento kwento ng multo ditto sa school. Pero ang alam ko binabantayan niya ako.

Nasanay na din akong bisitahin ang Mama niya. Nagkkwento siya tungkol kay Liam, Masaya siyang kasama at alam niya na mahal ko ang anak niya. Nanghihinayang nga siya dahil wala na ito, dahil kung buhay pa daw si Liam ay ipapakasal nya daw talaga saken ! Natuwa lang siya ng sabihin kong mahal ko si Liam saka niyakap ako ng mahigpit.

Sa isang taong lumipas ang daming nagbago pero ang nararamdaman ko para kay Liam nandito buong buo, yun yung isang bagay na kahit kelan di magbabago.

Nandito ako ngayon sa classroom, 1st day of school e. Buti nga classmate ko na naman si Cass. Nakaupo ako sa pinakadulo, malapit sa bintana, gusto ko palagi sa pwesto na yun tsaka mas gusto kong wala akong katabi. Sa harap ko naman nakaupo si Cass.

Maya maya pa dumating na ang teacher naming para sa first subject si Mr. Briton. Umupo siya saka nag ayos ng mga papeles niya. May kinuha siyan papel.

“May nadagdag sa inyo. Class, may bago kayong kaklase”. Nagdaldalan kaagad ang buong klase ng I announce yun ni Sir.

“Transfer student sya, sige pumasok ka na”. At sumenyas sa may pintuan.

Nabitawan ko ang ballpen na kagat kagat ko ng Makita ko ang lalaking pumasok sa classroom. Kamukhang kamukha niya si Liam. Parehas ng mata, ilong, yung kulay pati yung buhok. Parang zerox copy siya ni Liam. Tinitigan ko siya habang naglalakad papasok ng kwarto. Nahuli niya ang mga mata ko at nginitian ako. Pero iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya at tumungin sa labas ng bintana. Narinig ko ang bulong bulong ng mga kaklase kong babae yun iba kinikilig pa dahil sa kagwapuhan niya.

“Introduce yourself”, utos ni Sir.

“I’m Ian Wesley ! Nice to meet you”. Pagpapakilala niya.

“Take your seat”. Sabi sa kaniya ni Sir habang sinusuri ng mga mata niya ang silyang bakante sabay tingin sa tabi ko. “Ms. Percy right”? Sabay tingin saken

“Yes sir”. Agad kong sago

Binalik niya ang tingin niya sa transfer student “Sit beside Ms. Percy at the back” .

Hala ! tatabi siya saken !! Naglakad na siya papunta sa likod. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nilalapag yun bag nya at naupo sa tabi ko. Dahil nakita ko ang mukha niya ng mas malapitan, mas nakita ko si Liam sa kanya. Hawig nga sila ay hindi ! Kamukhang kamukha niya talaga !

Tumingin siya saken sabay ngiti at sabi “Nagkita ulit tayo mahal ko”.

Napatakip ako ng bibig ng marinig ang mga sinabi niya. Naramdaman kong lumingid bigla ang luha sa aking mga mata.   Ramdam ko ang puso kong nakakabingi ang pagtibok. Maingat ito at malakas katulad ng pagtibok nito kay Liam.

“Liam”? yan lang ang nabanggit ko between my shaky voice.

Tumango lang siya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. “Yes, Mi Lady”.

-FIN- 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

And that's a wrap ! At last natapos ko din to :)) Did you guys enjoy reading my 2nd work ? Hope so ! 

Now onto my 3rd piece :)) Sana nagustuhan nyo to ha ! Thank you sa lahat ng bumasa ! Sana po suportahan nyo pa yung iba kong works ! Salamt po ulet ng marami !!!  :D 

The Ghost in 304Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon