A/N
Sorry for the late update guys.. akala ko walang nagbabasa and I have been sick since Sunday , as of now medyo okay na ko kaya ito na nakapagsulat ulit..
Althea's POV
Yung makita mo ang taong minamahal mo na may kausap na guy at maririnig mo sa kanya na natutulog sa bahay nila at sa kwarto pa niya. Bakit sa harapan ko pa dapat nila pagusapan yan?' Pwede namang mamaya na lang diba?'
Ang sakit lang.... Jade nasobrahan kaba sa anesthesia at ganyan ka kamanhid?'
Gustong gusto ko nang umalis dahil hindi ko na kaya na makita silang naglalambingan sa harapan ko. Hanggang sa ipakilala niya kami sa isat isa. Tanggap ko na talaga na wala akong pag asa.
Sapat na yung mga narinig ko mula sa kanilang dalawa na may namamagitan sa kanila.
"Ah boo.. I mean Matt.. This is Althea.. friend ko". Tumingin siya sakin at nagpakawala naman ako ng pilit na ngiti kay Matt... "and Althea this is Matt my cou----"
Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya or sadyang nagbingibingihan lang ako sa last part sana na sasabihin niya. Hindi niya naituloy dahil may babaeng nagsalita.
"Mathew?" Narinig naming sinabi niya kaya napalingon kaming tatlo.
It's Kathleen... kilala niya tong mokong na to?' Sa isip isip ko
Nakita kong may ibinulong si Matt kay Jade na ikinangiti nito. It's over.. bastos na kung bastos pero di ko na kaya....
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng walang paalam sa kanila. Bahala na si Kathleen.
I want to get drunk! Baka sakaling mawala saglit ang sakit. At sana mabangga ako at magka amnesia para wala na akong maalala pa.
Di ko alam sinundan pala niya ako..
"Oh bakit ka nandito?' Bakit iniwan mo yung BOYFRIEND mo sa loob?" Sinadya kong diinan ang salitang boyfriend.
"Eh ikaw bakit umalis ka bigla at iniwan mo yung GIRLFRIEND mo sa loob?'' Panggagaya niya sa sinabi ko.
Huminga ako ng malalim para kumalma.
"Hindi ko girlfriend si Kathleen" mahina kong sabi
"Hindi mo girlfriend eh bakit ka niya hinalikan?" tanong nito
"Hindi ko alam na hahalikan niya ko pero hindi ko siya girlfriend Jade" pagtatangol ko sa sarili ko.
Di ko alam kung bakit nagpapaliwanag pa ako eh...
Nakita ko na lang na ngumiti siya at lumapit sakin.
"Pwede ba tayong mag-usap?'.. yung tayong dalawa lang... give me your key... I'll drive". Nagtataka man ako binigay ko na yung susi ng car ko. Gusto ko din siyang makausap.
Hinayaan ko siyang magdrive. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero gumaan ang pakiramdam ko knowing na kasama ko siya sa oras na to.
Saka ko na iisipin yung ibang bagay, ang mahalaga kasama ko siya ngayon. Di ko man alam kung ano ang paguusapan namin.
Tahimik lang kaming dalawa. Pero kanina ko pa napapansin na panay ang ngiti nito. Hindi naman tumitigin sakin. Naka focus lang siya sa kalsada.
Anyare...????
"Ah jade... care to share kung bakit panay ang ngiti mo jan?'' Hindi ko natiis na tanungin siya
Ay Althea malamang dahil jan sa binulong ni Matt sa kanya.. masukista ka talaga eh noh?' Tatanungin mo pa eh alam ng masasaktan ka sa sagot siya sa isip ko at kausap ko sa sarili ko.. Tanga lang diba?'

BINABASA MO ANG
Inlove with My Girl(friend)
FanfictionAlthea Galura- proud lipstick lesbian, daughter of businessman and deeply inlove with Jade Jade Howell Ramos- straight since birth until she met Althea, everything change. Adopted daughter of mr. and mrs Ramos (GirlxGirl)