part 1

4.1K 93 0
                                    

Althea's POV

Nagising siya sa katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Umaga na siya nakatulog dahil inumaga sila ng uwi kasama ang bestfriend niyang si Batchi. Kinapa niya ang cellphone niya para tignan kung anong oras na. Alas 6 palang ng umaga, ibig sabihin 2 oras palang ang tulog niya.

Sino ba tong istorbo sa pagtulog ko?' Hindi ba nila alam na illegal ang paggising sakin pag ganitong may hang over ako lalo na at wala pa akong tulog?' Hindi siya umimik at pumikit ulit at babalik sana sa pagtulog nang may magsalita

"Ma'am Althea pinapatawag na po kayo ng papa niyo sa baba. Sabay sabay na daw po kayong mag breakfast kasi ngayon daw po ang alis nila papuntang Singapore" Narinig niyang sabi ni Patty.

Bigla siyang nagising ng tuluyan oh shoot! Ngayon pala ang alis nila mama at papa. Bigla siyang bumangon kahit medyo masakit pa ang ulo niya. "Sige susunod na ko" sagot niya.

Maiiwan nanaman siyang mag isa sa bahay nila kasama ang mga katulong nila. Ang kuya Gab niya ay may sarili ng pamilya. Bumibisita lang sila sa bahay nila minsan.

Mula pagkabata alam na ng mga magulang niya na iba ang sexual preference niya dahil lahat ng laruan ng kuya Gab niya ay yun din ang nilalaro niya. Hindi niya ginagalaw yung mga laruan niyang pang babae. Hindi naman tutol ang mga magulang niya anoman siya ngayon. Bagkus supportado pa sila sa kanya. Dahil mahal daw siya ng mga ito. Hindi yun dahilan upang mamuhi at itakwil siya ng kanyang pamilya. Naalala niya ang sinabi ng kanyang papa noong sinabi niya na may girlfriend siya. Dahil sinumbong siya nung isang kapitbahay nilang may gusto sa kanya. Napilitan siyang umamin sa papa niya "anak ano man ang gusto mong gawin sa buhay nandito lang kami ng mama mo laging susuporta sayo. Hindi importante samin ang sasabihin ng mga tao. Mas importante samin ang kaligayan mo. Ang payo ko lang sayo pag nagmahal ka wag mong ibibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Dahil sa ganyang mga klaseng relasyon mahirap. Ayoko na makita kang nasasaktan". Napaiyak siya noon sa tuwa ng marinig niya mismo yun sa papa niya. Kaya naman mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.

Pagkatapos niyang maligo lumabas na siya s kanyang kwarto. Nadatnan niya ang kanyang mga magulang sa dining table.

"Goodmorning po ma, pa," sabay halik sa mga pisngi nila.

"Goodmorning din anak, maupo kana. Pinagtimpla kita ng kape at alam kong masakit nanaman yang ulo mo dahil inumaga nanaman kayo ni Batchi sa labas. Inumin mo na habang mainit pa". Ang mama niya.

"Saan ba kayo galing na dalawa Althea?' Sabi ni Patty alas singko ka na daw nakauwi?'' Tanong nga papa niya

"Dun lang po sa bahay ng kaibigan namin malapit din dito sa subdivision natin. Nagkatuwaan lang po" sagot niya.

"Ngayon ang alis namin kaya mag ingat ka. Wag sanang dalasan ang paglabas labas sa gabi lalo nat napapainom kayo. Ayokong may masamang mangyayari sayo Althea. Kahit wala ako dito alam ko ang mga ginagawa mo" bilin ng papa niya

"Humanda ka sakin mamaya Patty" bulong niya habang humihigop ng kape na mainit init pa.

"May sinasabi ka ba hija?" tanong ng mama niya.

"Ah wala po ma. Sabi ko po mag iingat po ako lagi at hindi maglalabas ng gabi lagi. Mamimiss ko po kayo"

"We will miss you also anak. Alis na kami ng papa mo at baka mahuli kami sa flight namin" ang mama niya sabay tayo at yakap sa kanya

Hinatid muna niya sa labas ang mga magulang niya. Pumasok lang siya sa bahay nila nang makaalis na ang sasakyan nila.

Umupo siya sa sofa at nakita niya si Patty na papasok sa loob ng bahay na may dalang timba. Si Patty ay kasambahay nila na may crush sa kanya. Natutuwa naman siya dito kasi may pagkakalog at parang kapatid na ang turing nito sa kanya. 24 years old na ito 27 naman siya. Ang ikinaiinis lang niya minsan ay ang pagka sumubungera nito sa papa niya.

Inlove with My Girl(friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon