"Mam, 11:30 pm na po. Tama na po yan. Lasing na Lasing na po kayo!"
Nagpapakalango ako sa alak. Gusto kong kalimutan lahat ng nangyari sa araw na ito. Gusto kong isipin na parte lamang ito ng isang napakasamang panaginip. Pero ang sakit pa rin. Sa bawat inom ko ng alak, naluluha ako at napapahikbi. Nagbabalik lahat ng nakaraan sa akin. Pagkamatay ni Mama. Pagpapabaya sa akin ng sarili kong Ama. At ngayon,ang pagpapakasal sa ibang babae ni Dilean, ang taong minahal ko.
"Bitawan mo ako! Babae ka! Wala kang karapatang utusan ako ha. Binabayaran ka lang dito", sabi ko sa Waitress na nagpapatigil sa aking uminom. Nakapalumbaba ako sa lamesa.
"Mam, pero pang pitong bote niyo na po ito"
"Pabayaan mo nga ako sabi!". Nag-init ang ulo ko sa narinig at di ko na napigilan kaya naihagis ko sa lapag ang baso na hawak ko. Narinig ko naman ang bulungan sa paligid ko! Mga Tsismosa!
Akmang iikot na sana ako para harapin at sigawan ang mga tsismosa nang naramdaman ko nalang na dumilim ang paningin ko at bumagsak ng malakas sa lapag.
Nang dumilat na ang aking mga mata, nasa kama na ako.
Malamang inakyat na naman ako ng mga staff dito sa Hotel.
Nasa baba lang kasi ang Bar na iniinuman ko. Huli nilang ginawa to noong naglasing rin ako pagkamatay ni Mama.Agad ko namang hinanap ang Phone ko para tingnan kung anong oras na. 12 am.
Lasing na Lasing ako at walang ibang nasa isip ko kundi Sakit, Inis at Inggit! Naluluha na naman ako dahil naalala ko na naman siya, si Dilean. Ang sakit! Sobrang sakit!
Akala ko kasi, mahal niya ako. Hindi pala!Tama nga yung kasabihan.
Ang raming namamatay sa maling akala.
Pero bakit?
Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon!
Bakit pumayag si Dilean sa Fixed Marriage na inarrange ng nanay ni Liliane?
Bakit siya magpapakasal sa taong di naman niya mahal?!
Bakit di siya tumanggi?!
Natanong ko na lahat yan kanina sa kaniya, pero ito lang ang sagot niya-- "Di ko rin alam Best. Basta!"
Pagkatapos non, iniwan niya na ako.
Ang sakit kasi, bestfriend niya ako diba? Dapat shini-share niya rin sa akin yung buhay niya.
Bakit parang ang rami niyang tinatago sa akin?Pero siguro tabla lang kami parehas, kasi kahit ako, may tinatago sa kaniya.
Hindi ko sinasabi sa kaniyang mahal ko siya.
Pero naguguluhan talaga ako.
Mas matagal kaming naging magbestfriend ni Dilean kaysa sa Liliane na yon!
Pero bakit siya ang pinili?
Gusto ko ng mamatay!
Kung para sa iba, napakababaw ng problema na 'to, pwes hindi!
Si Dilean ....
siya ang naging kasama ko, simula ng namatay si Mama.
Siya ang sandalan ko simula nong tinakwil na ako ni Papa.
Palagi kaming magkasama simula noon pa, kaya hindi puwedeng wala siyang maramdaman sa akin! Dahil alam ko, meron!
Di ko alam kung anong pinainom ng Liliane na yun at nahikayat niya si Dilean na sumama sa kaniya.
Galit.
Paghihiganti.
Yan ang nararamdaman at gusto kong gawin ngayon.
BINABASA MO ANG
Prisoned
RomanceSimula namatay ang Ina ni Shulamin Monreal, di na siya nakaramdam ng pagmamahal. Kasabay nito, pinabayaan na rin siya ng kaniyang Ama.Nag-iisa siya.Walang komunikasyon sa kaniyang kamag-anak. Sa loob ng dalawang taon na pangungulila sa kaniyang mga...