Chapter 1
( RATED SPG 18+)
MINSAN sa kahirapan ng buhay,hindi maiwasan na kumakapit tayo sa patalim.Kung hindi man tayo.Mismo ang ating mga magulang.
Ako si Audrey Paulino.Isang probinsiynang dalaga,labinsiyam na taong gulang,simpleng babae.nagmula sa isang mahirap na pamilya,dalawa kaming magkapatid, lalaki ang panganay at ako ang bunso.
Maraming nagsasabi na maganda ako,sexy, perfect body,perfect woman siguradong malayo raw ang aking mararating.Pero paano ko ba marating ang aking mga pangarap.Gayung hamak na hampas lupa lang ang buhay kong kinagisnan.Na halos hindi ako mabigyan ng pamasahe sa aking mga magulang kung ako'y tutungo na sa paaralan.
PAANO ko ba mapatunayan ang sinabi nilang perfect woman,sexy,at maganda ni-isa wala akong magandang kasuotan.Minsan naiingit ako sa aking mga kaibigan dahil sila, tambak sa mga mamahaling damit,mamahaling pabango at mamahaling pampaganda.
May kapatid nga akong lalaki, pero nakapag-asawa naman nang maaga.Ang tatay ko katiwala lang ng isang mayamang angkan dito sa aming lugar.Ang pamilyang "BOSTAMANTE"at dito rin nagtatrabaho ang aking ina bilang isang bahay katulong at labandera.
Ang mag-asawang Bostamante ay may isang anak na lalaki na matagal nang naninirahan sa Canada,ne-minsan hindi ko pa ito nakita.Ang lagi ko lang nasisilip sa kanilang bahay pag sinama ako ng aking ina.ay si Don Miguel at ang kanyang asawang masakitin na si donya Berta.Nasa kuwarenta e seis sila pareho.
Sa panahon na isasama ako ng aking ina ay nagdadahilan ako na masakit ang ulo ko.Minsan nilalagyan ko nang bawang ang aking mga kilikili para tataas ang temperatura ko para hindi makakasama.Dahil napansin ko na ang kamanyakan ni don Miguel..
Pero minsan hindi ko matanggihan si nanay lalo na kung mapansin ko na masama ang kanyang pakiramdam.Minsan naitanong ko sa langit.kung bakit ganito ang buhay na ipinatamasa niya sa amin?Bakit hindi nalang masaganang buhay ang ibinigay niya sa amin...
NAISIP ko nalang na may dahilan ang Panginoon kung bakit ganito ang ibinigay niya sa amin.Magsikap ako para maranasan naman ng aking mga magulang ang masaganang buhay..
WALANG bayad ang mangarap.Pangarapin ko ang maginhawang buhay,alang-ala sa aking mga magulang at sa magiging mga anak ko.
"Audrey....!uhuu....uhuuh.....Anak..."
tawag ng aking ina.may ubo pala ito.Sigurado ako na naman ang ipapapunta sa bahay ng mga Bostamante."Bakit po nay?"sagot ko sa kanya habang naka dungaw ako sa may pintuan.
"Anak,baka pwede ikaw muna ang magpunta doon sa mansion,masama kasi ang pakiramdam ko."pakiusap ng aking ina,nang mapansin kong mapula ang kanyang mga pisngi nilapitan ko siya at kinapa ang kanyang noo.
"Naku!nay,may lagnat ka."sobra ang pag-alala ko sa kanya.
"Huwag mo itong intindihin anak,bukas mawawala rin ito.Sige na pumunta kana.para maka pag luto ka doon.Alam mo naman na may sakit si donya Berta."wika ng aking ina.
Wala akong magawa kung 'di ang sundin ang aking ina.At para makiusap ako kay donya Berta na e-advance ko ang sahod nitong linggo para ipapacheck-up ko si nanay.
Simple lang ang suot kong daster may kalumaan na ito at nakasuot ako ng maikling pang-ilalim para hindi klaro ang aking pante.
Dahil maykalayoan ang mansion kailangan ko pang bilisan ang aking paglalakad.Pagdating ko sa malaking bahay agad kong nakita ang aking tatay,nagdidilig ito sa mga halaman.Nilapitan ko siya at nagmano.
"Bakit ikaw ang nagpunta dito anak,nasaan ang nanay mo?"pagtatakang tanong ng aking ama.
"Nasa bahay tay,may ubo at lagnat."sagot ko sa kanya na may dalang awa.dahil basang basa ang likod ni tatay sa pawis.Agad kong kinuha ang kanyang towel at pinunasan ko ang kanyang likod.
"Salamat anak."masayang sabi niya sa akin.
"Tay,huwag n'yo po sanang hayaan na lagi kayong natutuyoan nang pawis,baka ikaw naman ang magkasakit niyan..."paalala ko sa aking tatay.tumango naman ito sabay yakap niya sa akin.
HANGGANG sa nakapasok na ako sa malaking bahay.sobrang tahimik sa paligid at agad akong nag tuloy sa kusina para makapag luto nang agahan ng mag-asawa...
Nang patapos kung ihanda ang lamesa umakyat na ako sa itaas para katukin ang mag-asawa.Ang nagbukas sa akin ay si don Miguel.
"Magandang araw don Miguel,nakahanda na po ang almusal."nakayuko kong sabi sa kanya.
"Salamat.Nasaan pala ang nanay mo,bakit ikaw ang pinapapunta?"tanong niya sa akin na pinagmasdan ang buo kong katawan.
"May sakit kasi."inis kong sagot sa kanya.Dahil pakiramdam ko'y hinubaran ako sa kanyang mga mata.
"Audrey,ikaw ba'yan?"sambit ni donya Berta sa aking pangalan.Mabait ang donya sa akin at wala akong masabi sa kanyang kabaitan.
"Opo!donya Berta ako po ito.."
"Miguel,papasokin mo nga si Audrey." utos niya sa kanyang asawa,pinadaan naman ako ni don Miguel.
"Bakit po donya?"tanong ko agad.
"Ahh...Baka pwede mo akong dalhan nang pagkain dito Audrey,masyadong masakit ang mga katawan ko kaya nahirapan ako sa pagbaba."anang donya,wala naman akong magawa kun'di ang sundin ang kanyang utos.
Hanggang sa nakabalik ako sa itaas na dala ang kanyang pagkain.Saka ko naman siningit ang tungkol sa pag advance ko sa sahod.Sinagot niya ako na sa kang don ko sasabihin..
Pagbalik ko sa ibaba naabutan ko si don Miguel na kumakain sa lamesa.Sinabi ko naman sa kanya ang kailangan ko.
"Don Miguel.sinabi ko po kay donya na e advance ko ang sahod ngayong linggo para ipapacheck-up ko si nanay bukas.Sabi niya sayo ko raw sasabihin."wika ko sa don.
"Okay walang problema mamayang hapon ibibigay ko sayo."tugon niya sa akin na nakangiti, na panay pa rin ang tinging niya sa buo kong katawan..
Bago magtanghali nagpaalam si tatay na maghalf-day para masilip niya ang aking nanay.Kaya naiwan akong mag isa.
BINABASA MO ANG
The Middle Of The Night
RomanceGenre:Erotica Author:Jhyne Juntilla Maraming nagsasabi na maganda ako,sexy, perfect body,perfect woman siguradong malayo ang mararating.Pero paano ko ba marating ang aking mga pangarap.Gayung hamak na hampas lupa lang ang buhay kong kinagisnan.Na ha...