Chapter 3

14.4K 162 5
                                    

Chapter 3

PAGKATAPOS niyang makaraos iniwan niya agad ako sa kusina na ang tanging bilin sa akin walang ibang makakaalam tungkol sa amin.at lahat ibibigay niya sa akin magsabi lang ako.

Hindi ako kumibo at hindi ko pinansin ang kanyang mga sinasabi,nanatili lang akong nakaupo sa lamesa at tulala sa pangyayari.Hanggang sa bumalik ang aking ulirat.at ang una kong nakita ay ang aking pante at ang short kong maiksi,akma ko itong pinulot pero sa aking paggalaw ay napangiwi ako sa sobrang kirot..

Hindi ko namawalay pumatak na pala ang aking mga luha at napatitig ako sa kakarampot na pera sa aking mga palad.

"Kung mayaman lang sana akong isinilang ay hindi ito mangyayari sa akin."bulong ko sa aking sarili.Nang maalala ko ang lahat na ginagawa ni don Miguel sa aking katawan.

Nakaramdam ako nang pandidiri sabay takbo ko sa labas ng bahay na walang paalalam.Hindi ko na iniisip ang paghahanda ko sa kanilang hapunan.

NAGPATULOY ako sa aking pagtatakbo,hanggang dinala ako ng aking mga paa sa ilog.Agad kung tinanggal ang aking bistida at patakbong lumusong sa tubig ilog.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad sa tubig.Nagbakasakali na matanggal ang dungis na kumakapit sa aking katawan.

Hanggang sa naisipan ko nang umuwi sa maliit naming kubo.Nagtaka si nanay at tatay kung bakit basa ang aking damit

"Anong nangyari sayo Audrey,bakit ang basa iyang suot mo?tanong ni nanay sa akin na medyo nanginginig ang boses.

"A-ahhh....Dumaan ako sa ilog nay,at naisipan kong maligo."tugon ko sa kanya sabay kapa ko sa kanyang noo.

"Nay,bukas magpacheck-up ka ha,baka lumalala 'yang sakit mo."sabi ko sa kanya na pilit kong pinigilan ang mapaluha dahil awang-awa ako sa kanya at idagdag pa ang nangyayari sa akin sa kamay ni don.

"Nak,gustohin ko man,pero wala tayong pera."

"Meron nay,kinausap ko si donya berta na e-advance ko ang sahod ngayong linggo."

"Nagbigay ba anak?"sabat naman ni tatay.na abala sa pag-ihip niya sa apoy ,nagsaing kasi si tatay gamit ang lutuang kahoy.

"Oo,'tay.Binigay ni don ang sahod ninyong dalawa.At nag bigay rin siya nang limang libo,baka daw kailanganin ni nanay ang gamot."nagawa kong magsinungaling sa kanila dahil nag-alala ako na baka maraming tanong si tatay at masabi ko ang katutuhanan.

AT baka ano pa ang gagawin nito pagmalaman niya ang nangyari,baka lalo lang kaming maghirap pagnawalan sila ng trabaho ni nanay.

"Ang bait talaga ni don,"wika ng aking ama na nakangiti pa.

'Kung alam lang ninyo ang katutuhanan"usal ko sa aking sarili.

Ibinigay ko sa aking nanay ang lahat nang pera,saka nagpaalam na ako para makapagbihis at gusto ko rin na makapagpahinga. Dahil naramdaman ko pa rin ang pagod at sakit ng aking katawan.

Pagdating ko sa loob nang kuwarto agad akong nagpalit ng damit,pagkatapos ay humiga na ako.Hindi ko namalayan na,nakatulog na pala ako at kinabukasan nang nagising.

AGAD akong bumangon at nagmadaling nagluto,dahil kailangan naming makaalis ng maaga ni nanay para hindi kami mahuli sa pilahan sa hospital.Sa mga sandaling ito'y isinasantabi ko muna ang aking pag-iisip sa mga masasakit na nakaraan.Dahil importante sa akin ang kalagayan at kalusugan ng aking ina.

Pagkatapos kong makapagluto sabay ku'ng ginising ang aking mga magulang.

"Toktoktokkkk....!Nay,Tay,gising na po kayo nakahanda na ang agahan."sambit ko sa kanila.

"Audrey...uhooh...uhooh..!Bakit ang aga mong nagising?"tanong ni nanay sa akin.

"Nay,kailangan nating agahan ang pagpunta sa hospital.Halina kayo ni tatay,lalamig na itong sabaw."

"Sige anak papunta na."

Paglabas ni nanay sa kanilang kuwarta,akay siya ng aking tatay,dahil halos hindi ito makalakad nang matuwid.Agad ko silang sinalubong at inalalayan ko ang aking ina.

"Nay,ano ba ang masakit sayo?"mangiyak-ngiyak kong tanong,dahil awang-awa ako sa aking ina nang mga sandaling iyon.

"Iwan ko anak,halos lahat kong kalamnan ay masasakit."munting tugon ni nanay.

_______

PAGDATING namin ni nanay ay hindi pa-masyadong maraming pasyente,kaya hindi kami gaanong nagtagal sa paghihintay.Hanggang pangalan na ni nanay ang binanggit ng nurse.

Agad kaming pumasok sa loob at umupo sa harap ng doctor sabay suri sa kanya..

Ayon sa mga sagot ni nanay sa katanongan ng doctor,may doda siya na "PULMONYA"ang sakit ni nanay.Para daw makasiguro kailangan na i-laboratory ang kanyang dugo..

Pagkatapos makunan ng dugo si nanay pinahintay kami nang sandali.At pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na ang nurse dala ang resulta.

"Nay,positive na may pulmonya ka.Kailangan mo na i-confine.Dahil ito ay delikado,at kailangan ng matinding gamutan ito."paliwanag ng doctor sa amin.at sa pagkarinig ko na i-confine si nanay,biglang nanikip ang aking dibdib.Dahil iniisip ko kaagad ang gastusin.

"A-kuwan- -dok!Hindi ba pupwedeng bibilhin nalang namin ang gamot at sa bahay nalang magpagaling si nanay?kanda-utal kong tanong sa doktor.

"Kailangan nang medical attention ang iyong ina.Kailangan nating maobserbahan ang kanyang kalagayan."prangkahang sagot ng doktor sa akin.

Wala kaming magawa,dahil buhay ni nanay ang nakasalalay.Kaya napilitan kaming manatili sa hospital.

"Anak,wala tayong pera."mapaklang sabi ni nanay at nakita ko sa kanyang mga mata ang mga luhang pilit niyang pinigilan.Kaya lalo akong naawa sa kanya.

"Huwag kang mag-alala nay,hahanap ako nang paraan.Ang importante nay gagaling po kayo."tugon ko sa kanya na pilit kong ngumiti para palakasin ang loob ni nanay.

"Anong paraan ang gagawin mo anak?"

"Hihingi ako ng tulong sa mansion nay,dagdagan ko nalang ang advance. Pagtatrabahoan ko nalang ito."

HINAWAKAN ni nanay ang aking mga kamay,at doon na pumatak ang kanyang mga luha.

"Anak,napakabait mong bata,napakaunawain mo patawarin mo kami ni tatay.Ang laki nang pagkukulang namin sa'yo hindi kana nga namin dapatapos sa pag-aaral.Tapos ngayon hito ikaw pa ang magtatrabaho."wika ni nanay na hindi pa rin tumigil sa pag-iyak.

"Nay,okay lang 'yon!importante napatapos ninyo ako ng high school.Tahan na nay,hindi naman ako nagreklamo,naintindihan ko naman kayo ni tatay at nakita ko naman na hindi kayo nagkulang sa pagpangaral at pag-aruga sa akin."tugon ko sabay yakap sa kanya para kahit papaano ay maibsan ang kanyang dinadala.....ITUTULOY.....

The Middle Of The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon