Chapter 4

12.4K 152 1
                                    


Chapter 4

PANSAMANTALA kong iniwan si nanay na mag-isa sa kanyang higaan sa loob ng publikong kuwarto sa hospital.Para makauwi ako saglit at ipaalam kay tatay ang tungkol sa sakit ni nanay.Nakiusap nalang ako sa mga nurse na silip-silipin nila ito.

Paglabas ko sa hospital,agad akong naghanap ng botika,para mabili ang mga gamot na nireseta ng doktor.Hanggang sa makatagpo ako ng isang botika at inabot ko agad ang papel.Pagbigay sa akin ng resibo lumaki ang aking mga mata at napalunok ako sa aking laway dahil sa laki nang halaga.Umabot ito ng anim na libo...

NAGDADALAWANG isip ako kung bilhin ko ba ang lahat o hindi.Pero agad kong iniisip na kailangan ito ng nanay ko.Pagkatapos kung binayaran ang gamot.napatingin ako sa perang natira.

"Isang libo nalang pala ito,mahabaging langit.saan ako makahanap ng malaking halaga para sa gamotan ni nanay?"hindi ko mapigilan ang aking mga luha kusa itong tumulo at agad ko naman itong pinunasan sa aking mga kamay.Saka nagtuloy na ako sa pag-uwi..

Pagdating ko sa amin bandang hapon,naabutan ko si tatay na nakaupo sa silyang kawayan na halatang hinihintay kami ni nanay.

"Anak,si nanay mo nasaan?"pag-alalang tanong ni tatay sa akin.Nagmano ako at umupo sa kanyang tabi.

"Tay,kailangan ni nanay na i-confine sa hospital kasi may pulmonya po si nanay."malungkot kong sabi sa kanya.At lumongkot rin ang mukha ng aking ama.

"Kumusta naman ang nanay mo?"tanong ni tatay na nagsimula nang mamula-mula ang kanyang mga bata at ilong.

"Okay lang naman po siya tay.Pero ang daming gamot na pinapabili ng doktor tay,hito ang lahat."sabay ko pakita sa mga gamot na nasa loob ng plastik.

"M- - may pera pa ba tayong natira Audrey?"pagdadalawang isip niyang tanong sa akin.

"Ito nalang po tay,"sabay kong abot sa kanya.At nang tiningnan niya ito agad siyang napatingin sa langit.at sinambit ang pangalan ni Hesus.Sabay punas naman niya sa kanyang mga luha.

HALOS durugin ang aking puso nang makita ko ang reaksiyon ng aking ama.Wala akong magawa kun'di ang yakapin si tatay.

"Hayaan mo tay,bukas na bukas hahanap ako ng mahiraman natin at subukan ko rin si kuya.Baka may maitulong siya."

"Pupunta ako ng maaga sa mansion anak,makiusap ako kay don Miguel."

Sa pagkarinig ko sa pangalan ng don ay agad akong nakaramdam ng takot,at naalala ko ang kanyang ginagawa sa akin.

"Sige tay,magpahinga muna ako.Bukas pupunta ako kina kuya."

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para puntahan ang aking kapatid sa kabilang setyo,alas kuwatro palang ay bumangon na ako.At hindi ko na ginising si tatay dahil masyado pang maaga.Dahil wala pang masakyan sa ganitong oras,kailangan ko pang lalakarin papunta doon.Mga isang oras rin ang aking nilakad bago ako nakarating sa tirahan ng aking kuya.Hingal,pawis,gutom,lamig, ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Tok-tok-tokkk.....Kuya Tony....."sambit ko sa pangalang ng aking kapatid.

"Audrey.ikaw ba 'yan?"tugon ni ate Hilda ang asawa ni kuya.

"Oo,'Ate Hilda."Agad naman siyang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Audrey,bakit ang aga mo?"pagtatakang tanong ni kuya na kakalabas lang sa kanilang kuwarto.

"Kuya,si nanay kasi nasa hospital naka-confine."

"Bakit!Ano'ng nangyayari kay nanay?"pag-alalang tanong ni kuya sa akin.Hindi na ako magtataka sa kanyang reaksyon, dahil mahal na mahal niya ang aming nanay.

"May sakit siyang pulmonya kuya at nangangailangan ng pera para sa gastusin ng gamot at pambayad natin sa hospital."

"Ganoon ba!"usal ni kuya sabay kamot sa kanyang ulo at alam ko na ang ibig sabihin niya"wala siyang pera."

"Sige Drey,hahanap ako nang paraan para makahanap ng pera.Hahanapan ko nang buyer itong treynta kilos naming baboy,para may pangdagdag tayo."

Sa sinabi ni kuya ay para akong nabuhayan ng kunting lakas,dahil kahit papaano ay may pangdagdag na kami.Bago ako bumalik sa aming bahay pinapakain muna nila ako.Kahit papaano'y nagkalaman rin ang aking tiyan.

Pagdating ko sa bahay ay hindi ko na naabutan si tatay,alam ko na kung saan ang kanyang punta sa mansion ni don Miguel.Sa pag-alala ko sa pangalan ni don Miguel 'di ko maiwasan ang makaramdam ng kalabog sa aking puso.

SAMANTALA ay sa pagdating ni tatay sa mansion agad niyang kinausap si don Miguel.

"Magandang umaga don Miguel"sa pagpagbati niya sa don.ay biglang sumeryoso ang ang mukha niya at matagal siyang nakasagot kay tatay.

"M-magandang umaga naman Narsing,bakit ang aga mo?"tungon ni don sa aking ama.

"Ahhhh...Salamat pala sa ibinigay mong, limang libo kahapon don Miguel"sa pagkasabi ni tatay ng ganoon nakahinga siya ng malalim.

"A- -walang anuman Narsing kunting halaga lang iyon."kasinungalingang tugon ni don Miguel.

"Don Miguel,may malaking problema kami ngayon.Nasa hospital kasi ang aking asawa may pulmonya siya,nangangailangan kami ng pera.Baka pupwedeng maka-utang muna ako.pagtatrabahoan ko nalang ng maigi."wika ng aking ama ni don Miguel.

"Sige walang problema Narsing magkano ba ang kailang mo?"

"Beynte mil ( PHP20,000 )sana don."pagdadalawang sabi ni tatay dahil baka hindi ito bibigay.

"Sige Narsing,halika sa loob kukuha lang ako ng pera."

Nakahinga nang maluwang si tatay dahil hindi siya tinanggihan ni don.Pagbaba ni don Miguel.bitbit na niya ang pera na may kasamang malaking notebook.Bago niya inabot ang pera ay pinapaperma muna niya si tatay.Bilang utang.

NAKABALIK si tatay sa bahay na masigla,at agad kong nahulaan ang kahulugan nang sayang iyon,nabigyan siya ni don ng pera.

"Drey.......Audrey...."masaya niyang tawag sa aking pangalan.

"Bakit po tay?"

"Nak,pinapa-utang ako ni don Miguel."

"Mabuti naman tay kung ganoon.Magkano naman po tay?"

"Beynte mil (PHP20,000 ) anak."

Sa pagkasabi ni tatay sa akin agad akong kinabahan.Dahil sa isip ko,paghindi makabayad ang aking tatay.Baka ako ang sisingilin ni don... ITUTULOY!

The Middle Of The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon