Chapter 5

12.1K 148 6
                                    

Chapter 5

UMABOT ng isang buwan si nanay sa hospital,at pwede na siyang makauwi sa bahay.Ito na ang ikinabahala ko,dahil hindi ko pa alam kung magkano ang aming babayaran.Tinungo ko ang belling section na may kaba sa aking puso at panay ang aking dasal na sana hindi gaanong kalakihan ang aming babayara.Dahil ang perang natira sa amin ,kasama ang kunting mga tulong galing sa aming mga kapit-bahay ay mga sampung libo (PHP10,000) lang.

Agad akong nagtanong sa in-charge,pinahintay niya ako saglit at hinanap ang record ng aking nanay.Maya-maya ay inabot na niya sa akin ang papel.Kinabahan ako habang binubuklat ko ang belling na papel.

Napalunok ako na wala sa oras."Diyos ko!beynte otso mil (PHP28,000)"sabay bilang ko sa aking mga daliri.Kulang kami ng disiotso mil (PHP18,00).Agad naninikip ang aking dibdib,dahil hindi ko na alam kung saan ako mangungutang.Dahil halos kapit-bahay ay nalapitan ko na.

Naglakad ako na wala sa sarili,hanggang dinala ako ng aking mga paa sa maliit na kapilya.

"Diyos ko,saan ako hahanap ng pera?Tulongan mo po ako,hindi ko na alam ang aking gagawin."munti kong dasal.Hanggang sa bumalik na ako sa kwarto ni nanay.At agad naman niyang napansin na may problema ako dahil sa mukha kong 'di maipinta.

"Drey,may problema ba nak?"tanong ni nanay sa akin.

"Kaonting problema lang nay,"mahina kong tugon sa aking nanay.

"Ano iyan Drey?"

"'Yong- - iyong babayaran natin nay.Kulang po ang pera natin."

"Magkano ba ang kulang anak?"

"Disiotso mil nay."

"Diyos ko,malaki pala anak."tugon ni nanay na nagsimula ng lumungkot ang kanyang mukha

"Huwag kang mag-alala nay,hahanap ako ng paraan."

"Anak,isanla nalang muna natin ang ating maliit na lote"

"Naku!'wag nay."ang tinutukoy ni nanay na lote ay ang tinayuan ng aming maliit na kubo.

"Eh-saan naman tayo hahanap ng ganyang halaga anak?"

"Nay,paano kung naka sanla ang lote natin,tapos hindi natin mabayaran.Saan na tayo titira?"tumahimik si nanay sa aking sagot.

NAGPAALAM ako ni nanay na uuwi muna para makahanap kami ni tatay nang paraan para mabayaran namin ang hospital.

Pagdating ko sa bahay pasalampak akong umupo sa aming maliit na lamesa sabay buhos ko ng tubig sa baso,habang iniisip ko kung saan kami lalapit para maka hiram nang pandagdag sa ibabayad namin.

"Si don Miguel nalang ang inaasahan ko,wala na akong ibang malapitan."wika ko sa aking sarili.

Nagmadali akong nagpalit ng damit at agad kong tinungo ang mansion.Pagdating ko sa bakuran,humugot ako nang napakalim na hininga para palakasin ang aking loob.

Bago ako pumasok sa loob sinubukan kong hinanap si tatay,para siya sana ang pakiusapan ko na magsabi kay don Miguel.Naikot ko na ang buong mansion pero hindi ko nahagilap si tatay.Kaya ingat akong pumasok sa loob.Dahil walang tao sa baba ng bahay pumanhik ako sa itaas at nagtungo sa kuwarto nila donya Berta.Agad akong kumatok at sinambit ang pangalan ng donya.

"Audrey halika pusok."sagot ni donya berta sa akin.

Ingat kong binuksan ang pinto ng kuwarto nila,at naglakad patungo sa higaan ni donya Berta."Magandang umaga donya Berta."bati ko naman sa kanya habang nakatayo ako sa kanyang harapan.

"Oh!kumusta na ang nanay mo Drey?Parang nangayayat ka iha."pansin niya sa akin.

"Paano naman kasi donya Berta,daming-daming iniisip at ako kasi lage ang nagbabantay ni nanay sa hospital."tugon ko sa kanya.

"Kumusta na pala ang nanay mo?"

"Sa awa ng Diyos magaling na si nanay."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Donya Berta,may sadya sana ako sa inyo."

"Ano 'yan Drey?"

"Baka po pupwedeng dagdagan namin ang inutang naming pera.Kasi po lalabas na si nanay.Eh,kulang po kasi ang pambayad namin."nahihiya kong sabi kay donya.

"Magkano ba ang kailangan ninyo Drey"kalma niya tanong sa akin.

"E- ei...eighteen thousand po ang kulang ng pera namin donya,kung pupwede po gawing ko nalang beynte mil kasi po donya wala po kaming bigas at ulam sa bahay."habang nagsasalita ako ay hindi ko makuhang tumingin sa mga mata ni donya,dahil naninikip ang aking dibdib at gustong pumatak ang aking mga luha.

"Sige iha,kausapin ko muna ang asawa ko.para siya na ang magbigay sayo.Hintayin lang natin kasi nasa loob pa nang banyo."pagkarinig ko sa sinabi nang donya ay agad akong nakaramdam ng kaba at takot.

HANGGANG sa lumabas na si don Miguel galing sa banyo,bagong ligo ito at pagkakita niya sa akin ay ngumiti ito na animoy nakakita ng angel.Yumuko nalang ako para maiwasan na mapang abot ang aming mga mata

"Miguel,kailangan nila Lucy ang pera para pambayad"ang tinutukoy ni donya ay ang pangalan ng aking ina.

"Kailan ba gagamitin?"tanong ni don.

"A- - ahhh..Bukas sana don Miguel."sagot ko sa kanya na nanatili akong nakayuko.

"Ahh......Wala akong pera dito ngayon.Pero papunta naman ako sa siyudad ngayon sumabay kanalang sa akin para idaan nalang kita sa hospital."anang don na nakatingin sa kanyang asawa.

"Sige Audrey sumama kana kana kay don Miguel mo para makuha muna ang pera."tugon naman ni donya Berta.

"Sige po donya,maraming salamat po."

PAGKATAPOS kong magpaalam magkasabay na kaming lumabas ni don sa kuwarto na walang kibuan.Hanggang sa binuksan ni don ang harap nang pintuan ng kanyang sasakyan at doon niya ako pinaupo.Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay ako nang mamahaling sasakyan......ITUTULOY........

The Middle Of The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon