Chapter 2

3 0 0
                                    

"Gosh! Napaka wild ng imagination ni Joyce. Patayin ba naman lahat ng character sa story niya." parang timang talaga to si Erie nangialam na naman sa notebook ko.

"Alam mo na! Ganoon talaga epekto kapag bitter. Palibhasa PSB." Humahagalpak sa pagtawa si Dina habang nilalait ako.

"PSB what? Ano yun?" Takang tanong ni Erie.

"Disgusting. Di mo alam yun? PSB for Pangit Since Birth." Lalong lumakas ang tawanan ng dalawa yung tipong parang wala ako sa harapan nila kung pagtawanan nila ako.

"Hoy! Akin na nga yang libro ko! Akin yan e! Napaka pakielamera niyo." Sigaw ko sa dalawang gaga.

Hay... sa wakas, pagkatapos ng mahaba haba pang asaran ay iniwan din ako ng dalawang babaeng yun. Di ko naman talaga sila kaaway actually kaibigan ko pa nga sila kaso malakas lang mang-demonyo.

"Hoy! Panderegla! Ano na namang tumatakbo sa isip mo?" si Gelo, ultra stalker ko.

"Shit ka Gelo! Ano na namang kailangan mo? Talaga bang di mo ko titigilan?" Bwisit na sigaw ko sa kanya na talagang umagaw ng atensyon sa mga kaklase naming nasa loob na ng room.

"Sagutin mo na kasi ako." Tumatawang biro nito. Putcha feeling pogi amputs kala mo gwapo. Mas cute pa yung kalyo ko e.

"Lasing ka ba? Wala ka namang tanong a? At sa tingin mo may plano pa akong makipag usap sayo ng matagal? Wala no? Mas mabuti pang si Mickey Mouse ang makipag usap sakin. Kahit papaano siya may utak. Ikaw wala." Sigaw ko ulit sa kanya sabay sampal na agad namang nailagan ng mokong.

"Si Mickey Mouse pala ah! Edi eto!" Nilaglag ni Gelo sa ulo ko yung alaga niyang dagang costa na siyang dahilan ng pagtili ko. Tiling halos babasag ng baso sa sobrang tinis. Habang si Gelo ay halos hindi na makahinga sa katatawa. Bad trip talaga siya. Buti na lang at maaga pa kaya wala pang gaanong teacher na nag iikot.

"Shit ka Gelo! Wag kang magpapakita sakin ng ganyan ka pa rin ka immature. Balikan mo ako at saka tayo mag usap kapag matino ka na!" Halos mangiyak- ngiyak na sigaw ko na.

Sa katunayan, hindi naman talaga nanliligaw si Gelo sakin dahil kaka break ko lang at ni Josh. Apat na taon ang tinagal naming dalawa pero dahil lang sa hindi ko pagpunta sa family gathering ni Josh ay nagbreak na kami. Balik kay Gelo, kaibigan ko rin talaga siya kaso sobrang immature pero pwedeng hingian ng payo kapag in need.

"May lalaki pa kayang seseryoso sakin?" Yun lang at nakatulog na ko sa classroom.

Medyo madilim na ng magising ako. Shit. All this time tulog ako? Sa bagay, okay lang. Tatlong subject lang naman kami ngayong araw. Wala nang tao sa buong building kundi ako. Mabilis kong niligpit ang mga gamit at libro kong nakakalat. At nagmamadali akong lumabas sa kwarto. Halos takbuhin ko na ang mahaba-habang pasilyo papunta sa hagdan pababa ng 3-storey building dito.

Pero natigilan ako ng marinig ang mga yabag na tila sumusunod sa akin. Noong una mahina pero di naglaon ay palakas ng palakas. Hanggang sa maramdaman kong nasa likod ko na ang misteryosong tao. Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko pero naglakas loob pa rin akong silipin kong sino yun. Dahan-dahan akong lumingon nang biglang...

*blag*

May nabagsak na notebook na siyang dahilan ng halos paglaglag nang puso ko. Medyo may katangkarang lalaki na under cut ang gupit. Maputi siya infairness. Medyo makapal naman yung parte ng kilay niya tapos mapula pula yung nguso. Sa madaling salita... GWAPO.

"Putlang putla ka yata?" Takang tanong nito sa akin. Obvious ba? Eh halos patayin niya ako sa kaba.

"Paanong hindi ako mamumutla? E tinakot mo ako!" Medyo naiinis ang tono ko para kahit papaano suplada effect.

Better BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon