Leafaria

1 1 0
                                    

Leagion Arvin: alforte isuot mo itong baluti ..
Alforte: bakit ko naman isusuot yan?
Leagion Arvin: dahil kakaiba ang iyong kasuotan.. Ito'y para na din sa iyong proteksyon para hindi agad ikaw makilala nang mga hazeon hanggat hindi ka pa handa..

Sinuot ko ang kulang brown na baluti at nag mistulang wizzard ako ..

Leageon Arvin: dadalhin ka ngayon ni leageon carl sa leafaria at doon magaganap ang una mong pagsasanay , tuturuan ka nang leafeon kung paano gumamit nang kapangyarihan nang leafaria

Alforte:paano ako matututo eh wala naman akong taglay na kapangyarihan.
Annari: ano ba alforte? May isip ka ba syempre sa akin mang gagaling kapangyarihan mo .,

Alforte: wag ka dyang sumabat tutubi hindi kita kinakausap..!!

Leageon Arvin; doon mo na malalaman kung paano mangyayari yun alforte..

At nag anyong pusa si leageon Carl at bigla  ulit siyang nag iba nang anyong naging isang tigre na may pakpak...

At sumakay ako kay leageon Carl at lumipad sa ere at nakita ko sa aking ibaba na nakatingin lahat nang leageon sa akin.. At lumipad nang mabilis si Carl patungong Leafaria...
............

Hindi kalauanan sa pinakamababang bahagi nang mga burol at kabundukan at natanaw ko ang isang kagubatan na nag liliwanag, at napansin ko na  si leageon carl ay patungo dito marahil yun na ang leafaria....

Bumaba kami ni leageon Carl kung saan ko unang nakita ang leafaria sa may harap nang mataas na batong upuan at nakaupo dito ang babaeng nakita ko, marahil siya ang pinuno nang mga leafeons.. At naroon sa paligid ang mga ibang leafeons
At biglang nang anyong tao si leageon Carl..

Leageon Carl: leafeon Yanari pinuno nang mga leafeon marahil nabalitaan niyo na ang tungkol sa itinakda, nagpasya kameng dito sa leafaria sya unang dalhin para sa pagsasanay nang apat na kapangyarihan..

Leafeon Yanari: totoong sya na nga ang itinakda, wag kayong magalala leageons kami na ang bahala sa kanya.. Sisiguraduhin namin na pagbuhutihin niya ang pagsasanay...,

Leageon Carl: kailangan ko nang bumalik sa leagaria..
At nag anyong pusa si leageon Carl at lumipad paalis nang leafaria

Leafeon Yanari: maligayang pagdating itinakda sa leafaria ano nga pala ang iyong ngalan?
Alforte: ako si alforte delavin..

Nagsasalita siyang parang walang nangyari dati ..

Annari: at ako naman si Annari ..
Biglang may nagsalita sa aking isipan, wag mong babanggitin alforte na ako ay galing sa dyamante nang Anians para sa ikabubuti..sabihin mo na ako ay iyong alagad..

Napatingin ako kay Annari..
Alforte: si Annari ay isa sa aking mga alagad..
Leafeon Yanari: kung ganun ..maligayang pagdating sa inyong dalawa alforte at Annari....leafeon Yurika...

At may pumuntang leafeon na babae sa harapan nang pinuno at nagbigay pugay..

Leafeon Yanaria: ikaw ang naka-atas na magsanay kay alforte pagbutihin mo ang pagtuturo sa kanya.

Tumayo si leafeon Yurika at humarap sa amin..

Leafeon Yurika: maasahan niyo mahal na pinuno..

Leafeon Yanari: alforte siya si leafeon Yurika ang pinuno nang mga kawal dito sa leafaria tuturuan ka niya sa iba't ibang paraan nang paggamit nang kapangyarihan nang leafaria..

At nagkatinginan kami ni leafeon Yurika sa mga sandaling iyon at biglang hinarangan ni Annari ang aking mga mata at pinagmasdan din si leafeon yurika habang mabilis na gumagalaw ang pakpak ni Annari..

Nagtungo kami leafeon yurika sa isang parang baryo kung saan makikita mo dito ang mga bahay na mistulang kabote na yari sa ma kahoy at dahon at sa bawat mga bahay ay pinalilibutan nang mga bulaklak na kulay violet at pink..samahan pa nang napakaraming paru-parong nagliliparan sa paligid na may dala dalang kislap sa kanilang ma pakpak,lahat nang mga tao ay nakangiti at masayang nag uusapan habang ang iba ay napapatingin sa akin..

Leafeon crowd: marahil siya na ang sinasabing itinakda.. (Bulungan)

Leafeon Yurika: dito ang lugar kung saan mo makikita ang mga pangkaraniwang leafeon dito sila namamahay at dito ka rin titigil pansamantala..

Isang bata ang aking nakita..

Leafeon child: inay !! Handa na ko ..
Leafeon mother: sige nga aking anak tingnan natin kung natuto ka na?

At biglang namula ang mga mata nang bata at itinapat ang ma kamay niya sa lupa na nasa harapan nang kanilang tahanan , nang biglang unti-unting may tumubo na berdeng mga halaman..

Leafeon mother: ang galin naman nang akin anak.. Pero wag mong kalimutan ang mga bulaklak..

At biglang namula ang mata nang Ina at tinapik ang halaman at biglang nagsibukahan ang mga bulaklak..

At pumasok na ang mag-ina sa loob..

Annari: nakakamangha talaga ang kapangyarihan nang mga taa leafaria

Samantalang kami ay nakarating na sa pinaroroonan..
Leafeon Yurika: ito ang magiging tahanan mo alforte ..

Isang bahay na kagaya lang din sa iba, pumasok kami sa loob isang malaking kwarto ang nakita ko sa loob at wala nang iba lahat nang materyales ay gawa sa kahoy maliban sa dalawang kama na magkalayo na gawa sa mistulang napakalambot na mga damo..

Leafeon Yurika: dito tayo mamalagi habang ikaw ay nagsasanay alforte..
Alforte: ano tayo!???!!

Leafeon Yurika: oo tayo dahil ito ay aking tirahan wag kang magalala walang hahamak na pasukin at saktan ka dito dahil obligasyon ko din n protektahan ka..
Alforte: hindi ba pwedene ako lang mag-isa??!!

Leafeon Yurika: wala kang magagawa miski man ito ay labag sa ating kalooban ay kailangan natin sundin ang mga nakakataas..

Lumipad nang mabilis si Annari sa palibot nang bahay..

Annari: ang galing ramdam ko dito ang pagkagalak sa mga halaman hahah .. Masaya ako kung dito tayo mananatili..

Leafeon Yurika: sige na magpahinga na kayo maaga pa tayo bukas sa pagsasanay..

At humiga na si leafeon yurika sa kabilang higaan at nang paglingon ko sa aking higaan ay nakahiga na si Annari sa gitna nang aking higaan..

Napaisip ako sa sandaling iyon kung no ang mangayare bukas... At paano ako magkakaroon nang kapangyarihan..

Inipod ko si Annari sa higaan at nakita kong mahimbing ang pagkakatulog niya at sa wakas may oras din pala siya paa tumahimik at hindi manggulo at ako ay humiga na rin , ramdam ko an parang akong nakalutang a sobrang lambot nang higaan at pinagmasdan ko ang  bubong na gawa sa kahoy sa aking itaas.........

AnariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon