The Portal

7 1 0
                                    

Sa gitna nang napakaraming tao na ngalilibanan,sa napakalamig nang simoy nang hangin at madilim na kalangitan ay tinatahak ko ang daan pauwi nang aking tahanan.

Isang babae ang tumatakbo patungo sa akin na waring may humahabol sa kanya at sa hindi sinasadya ay nagkabanggaan kami.

Babae:ingatan mo ang susi nang aming tahanan wag mong hayaan na kuhanin ito nang mga masasamang loob.

Mabilis na nilagay sa aking bulsa nang babae ang isang bagay at tumakbo palayo. At biglang bumuhos ang malakas na ulan at mga kulog at kidlat.
Dali-dali akong sumilong at kinuha ang na sa aking bulsa na may pagkagulo sa isip.
Isang spherical na hugis na gawa sa dyamante na may maliit na kulay itim na bato sa loob ang aking nakita,,
At biglang may mga pulis na dumating sa bayan at dala-dala ang babaeng nagbigay sakin ang dyamante..

Sumisigaw ang babae na waring walang tao sa paligid niya.

Babae: ang susi ay hawak na nang itinakda , ito na ang simula nang propesiya!!!!

Hindi ko na pinansin ang babae at dali-dali na kong umuwi

Pagkabukas nang pintuan ay hinubad ko ang akin jacket,umupo sa sofa at nagpahinga...

Biglang namatay ang ilaw at lumabas ang babae kanina sa bayan..

Babae: kailangan mo nang maghanda sa pagpasok itinakda!!!!

At bigla akong nagising sa aking pagkakatulog, at nakita ko ang dyamante na nasa lamesa na nasa harapan ko..

Pinagmasdan ko ito nang mabuti,nang biglang kumidlat at kumulog, at isang sandali ay lumindol..
Isang minuto din at natapos ang lindol at tumigil ang bagyo sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari..

Pinulot ko sa aking may paanan ang dyamante na nahulog sa lamesa at lumukad ako papunta sa bintana para tingnan ang nangyare sa labas, nang bigla kong naramdaman na umiiniy ang dyamanteng hawak ko at sa sobrang init ay nabitawan ko ito.at nang nakita ko ang dyamante unti-unti itong nawawasak , at lumutang ang itim na bato na nasa loob nito at biglang nagliwanag nang napakalakas halos hindi ko makita ang kapaligiran sa sobrang liwanag...

At pagdilat nang aking mga mata ay isang matatangkad na puno ang nakita ko sa aking harapan, at biglang nagdilim ang aking paningin at may humawak sa aking mga kamay..

Unknown: Sino ka ? Magpakilala ka!!!

Gulong gulong ako hindi ko makagawang sumagot , bigla akong nagpumiglas, nang biglang meron pumulupot sa akin na waring mga baging, hindi ko makita ang paligid dahil sa nakapulupot sa aking mga mata...

Unknown: siya ay nagpupumiglas, marahil isa siyang hazeon , dahil na natin siya sa leafaria..,

Hindi ko mawari kung anong nangyayare hindi na rin ako nakapagsalita dahil nabalutan na din ito nang baging.. Wating akong lumulutang sa ere habang may tinatahak kaming daan, nang mga hindi ko kilalang tao..,

Unknown:mahal na pinuno nang leafaria may nahuli po kaming hazeon sa ating kagubatan , marahil ay gusto niyang magispiya sa ating kaharian..

Leafaria leader:nais kong makita ang sinasabi niyong hazeon

Unknown:ilabas ang bihag..,

Isang bilog na na baging na namumulupot ang lumabas  ba nakalutang sa ere..

Unti-unti kong naramdaman ang pag alis nang nakapulupot sa akin, at bigla akong pumatak sa lupa,at biglang inalia ang nakapulupot sa aking mukha..

Unti-unting bumalik ang aking paningin at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa mataas na bahagi, kulay asul ang mga mata may kakaiba suot na gawa sa dahon at may nakakabit sa kanyang dibdib na kulay berde, at pinaliligiran siya nang ma lobo na nakatingin sa akin , at sa aking likudan ay mga lalake na may kulay asul ding mga mata at berde na dyamante sa mga dibdib..

Unti-unting lumapit sa akin ang babae at pinagmasdan ako ..

Leafaria leader: sabihin mo sa akin ang iyong ngalan dayuhan.

Alforte: ako si alforte, sino kayo at nasan ako ??

Leafaria leader: maaring nagkamali kayo mga kawal hindi siya isang hazeon..

Kawal:ngunit mahal na pinuno...

Leafaria leader:tingnan niyo ang kanyang kasuotan at wala din siyang kapangyarihan nang buhay ,marahil hindi siya Leafeons o Anianes..

Kawal: mahal na pinuno kung ganoon sino siya at paano siya nakapunta sa Anaria ..

Leafaria leader: dahil niyo agad ang dayuhan sa leagaria, kailangan itong malaman agad nang mga leageons ..

Kawal: masusunod mahal na pinuno..

At biglang pumulupot muli ang baging sakin at unti-unti akong lumutang , at ang mga lobo kanina ay biglang naging mga nilalang na kagaya nila....

-leagaria-

Leafeon knight: Mga punong mambabatas kami po ay dumating para sa isang pagsusuri.

Leageon Ana: mga kawal nang mga leafeon at ano naman ang inyong ipapasuri?

Leafeon knight: Isang dayuhan..

Biglang nawala ang pagkakapulupotsa akin at bumagsak ako sa lupa, isang higanteng pusang bato ang aking nakita na may pakpak at ang paligid ay napapaligiran nang madilim na ulap na may mga lumalabas na kidlat..

Leageon Ana: isang dayuhan!!

May biglang lumabas sa pusang bato isang babae na kulay asul ang mga mata at may kasuotan na mabalahibong kulay itim at may itim na dyamante sa dibdib, at biglang naglabasan narin ang kasamahan nang babae sa iba't ibang parte nang higanteng pusang bato..

Leageon crowd: isang dayuhan ..

Alforte: sino ba kayo!! Maari niyo ba kong bigyan nang paliwanag!!! Nasan ako !! Ibalik niyo ko sa amin..

Mabilis na tinutok sa akin ang isang punyal na hugis dahon nang usang kawal na nagdala sa akin..

Leafeon knight: wala kang karapatan magsalita dayuhan kaharap mo ang mga leageon..

Biglang nang bago nang anyo ang babaeng nakaitim at ang mga kasamahan nito naging isang puting pusa na may asul na mata at may pakpak na may dyamanteng itim sa dibdib..
Unti-unting lumapit sa akin ang babaeng pusa at umiikot sa akin at biglang nagbalik sa dating anyo sa aking likudan at hinawakan ang aking pisngi...

Alforte: hoi babae anong ginagawa mo!!!
Leageon Ana: shhhhhhh !! Hahanapin lang namin ang kasagutan..
Alforte: anong kasagutan!!

At biglang dumilim ang aking paningin bumalik tanaw ako sa pangyayare nung  nakuha ko ang dyamante sa babae

AnariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon