Training

1 2 0
                                    

Pagdilat nang aking mga mata ay napansin ko na ako na lang ang tao sa loob. Bumangon ako at sumilip sa bintana, isang masinag na sikat nang araw ang aking namasdan habang nakikipaghabulan si Annari sa mga paru-paro at si leafeon Yurika naman ay pinagmamasdan ang mga halaman..

Leafeon Yurika: gising ka na pala Alforte..
At binato sa akin ang isang maliit ba kulay itim na buto..
Alforte:Ano naman ito??
Leafeon Yurika: isa yang buto nang bulaklak kailangan mo yan patubuin at pabukahin ang bulaklak nito..

Napatigil si Annari sa paglalaro at napatingin sa akin, samantalang ako naman ay napatitig sa buto..

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang uri nang aking pagsasanay..

Pumunta ako sa isang sulok at tumalikod na umupo sa lupa na dala ang bato at isang basong tubig..

Madali kong hinukay ang isang parte nang lupa at binaon dito ang buto at winisikan ko nang tubig..

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Annari..

Annari: alforte anong ginagawa mo? Hahah!!!

At biglang lumapit sa akin si leafeon Yurika at kinuha ang nakabaon na buto at nilagay sa aking nga palad at sa pagtaas nang kanyang mga kamay ay kasabay din nito ang pagtubo nang bulaklak..

Leafeon Yurika: ang mga leafeon ay kayang patubuin ang mga halaman nang mabilis kahit wala ito sa lupa , yan ang gusto kong gawin mo alforte..

At binigyan ako nang panibagong buto ni leafeon yurika at ibinaon ko naman sa lupa kong hinukay ang bulaklak..

At pumasok na si leafeon Yurika at napansin kong mapatago siyang tumatawa ..

Habang ako naman ay napakamot sa ulo
At si Annari naman ay pumunta sa aking harapan..

Annari: alforte ikaw ang gumising sa akin kaya tayo ngayon ay magkakonektado na , kung anong kapangyarihan ako ay magagamit mo ito..kaya pag nawala ako ay mawawala din ang kapangyarihan mo, ito rin ang dahilan kung bakit sinabi ko sayo na sabibihin mo ay alagad mo ako , para tayo lang ang nakakaalam na sa akin nang-gagaling ang kapangyarihan mo.. Kaya dapat pagbutihin mo alforte .. Wag kung anu-ano ginagawa mo dyan..

Alforte: sige subukan natin..

At nagmuni-muni ako at tinitigan ang buto at pilit itong patubuin..

At nang makalipas ang ilang oras ay inabot na kame nang tanghali at wala pa rin nangyayare sa buto at nakita kong nakatulog na si Annari.

Alforte: hoi tutubi wag ka ngang tutulog tulog dyan tulungan mo ko dito..

At napakinig ko ang isang mahinang tawa , si leafeon yurika pala ay nakatingin sa amin , at bigla na siyang pumasok na napansin ko siya..

Annari: ano ba yan alforte pinagtatawanan ka lang nang isang babae, haha at hangang ngaun buto pa rin yan..

Alforte: eh mahina naman ata kapangyarihan mo eh, bakit hangang ngaun hindi ko parin ito mapatubo..

Annari:at ako pa talaga ang sinisi mo sa pagiging wala mong alam sa paggamit nang kapangyarihan tandaan mo nasa akin lahat nang kapangyarihan alforte haha hindi ko na kasalanan na hindi ka maalam gunamit..

Alforte: hay naku!! Paano ba kasi ito??

At biglang sumilip si lefeon Yurika na may dala dalang tubig..

Leafeon Yurika: isipin mo kase na iisa kayo nang buto alforte..

At umiinom siya nang tubig..

Alforte: isipin na iisa kame??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon