Chapter 5

16 1 2
                                    

Ang bilis ng oras, umaga na kaagad at kasalukuyang kaming nakain ng breakfast buti tulog pa si cassy maaga pa kase eh.

"Bilisan mo, may flag ceremony tayo ngayon." Nagmamadaling sabi ni kuya, nagmadali na nga rin ako eh baka mamaya malate ako eh patatalunin kami ni Mam Porcio ng 300x
Stupid right? Para kaming tanga non. Chaka anong kinalaman ng pagtalon sa pagka late? Hahaha. Kung anong maisipan ni mam eh.

Madali akong nakatapos sa pagkain namin pumasok naman na agad kame ni kuya, nagpahatid kame sa driver , gusto ni kuya eh para daw paguwi di siya yung magdrive.
On our way to our school when krysha text me,  Inopen ko naman yon agad.

From: Kryshanget :3
Oy! Baka di ako makapasok ngayon ah?sumasakit ulo ko eh, halfday lang naman yung pasok right? So kapag may homeworks sabihin mo sakin ah? And pakisabi kay mam porcio na di ako makakapasok. Thankyou loveyou :*

Abat makautos to ah oh! Bakit namang kaya nalula. Sukat ang tigas ng ulo. Nagreplh naman agad ako.

To: Kryshanget :3
Una sa lahat, CAMILLE ang pangalan ko hindi hoy, pangalawa at ano sumakit ulo mo ha? Napaka tigas kase ng ulo mo. Oh baka naman magdamag mong iniisip si kuya? Hahaha. Pangatlo OO HALFDAY LANG! Yehey! Pangapat makapagutos ka ah! Pinapakain mo ko ha? Pakyu! Hahaha oo na sasabihin ko na. Feeling masipag naman to! Okay! Pagaling ka panget mo. Ge Bye! :*
Message Sent!

Oh diba? Palong palo mala MMK ang text ko. Napangiti naman ako doon at napansin kong kanina pa pala nakatingin si kuya saken.
"Tinitingin tingin mo ha?" Taas kilay na sabi ko sa kaniya. "Bakit ka nangiti ha? May boyfriend ka na siguro ha? Nako! Pepektusan kita tamo!" Pagbabanta ng kuya ko,

"Boyfriend ka dyan? Nangiti lang may boyfriend na? Hindi lahat ng boyfriend nakakapagpangiti ng girlfriend tandaan mo yan! Hahaha. Si krysha katext ko, ano masaya ka na? Oh gusto mo text ko siya sabihin ko yung feelings mo for her?" Pananakot ko. Tumahimik naman agad siya. Hahaha That's my Brotha!

Nakarating naman kame ng matiwasay sa school. Saktong bell naman na, buti naman! Patakbo akong pumunta sa Line namen. Ang kuya ko? Ayon iniwan ko na. Bagal bagal eh.

Eto na naman ang boring na excersise at ang speech ng principal! Nakakainis napakainit na eh. Napakatagal pang magsalita palaging nakasaway eh. Ugh! Bla bla bla.
May kumuhit naman sakin sa likod ko, paglingon ko andun si francesca at bea.
"Late ba kayo?" Tanong ko,
"Nope, kanina pa kame dito nagCR lang kame. Nga pala si Krysha ata late," tamo tong si krysha masyadong tamad magtype kaya sakin lang nagtext!

"Di daw papasok masakit ulo!"
"Ih? Bat di kame tinext? Kelan niya sinabi sayo," tanong ni Bea. Lumingon naman yung nasa harap ko samin at nakita kong nakabusangot ang Muka ni Nicole. "Oy ano ba ang ingay nyo! Mamaya na kayo magchismisan!" Sigaw ni Nicole samin.

"Alam mo naman si krysha diba? Tamad magtext yon, Kaya sakin lang nagtext," paliwanag ko sa kanila. Di ko naman pinansin ang sinabi ni Nicole at sinadya ko talagang lakasan ang boses ko sa harap niya.

Mukang nagets naman ako nila Bea kaya nilakasan din nila boses nila na parang nangaasar, "Mam Porcio!" Sigaw ni nicole the plastik.

"Yes?" Sagot ni mam. "Ang iingay po nung nasa likod ko mam! Chismisan ng chismisan." Pagsusumbong ni Nicole. Magsasalita pa nga lang si mam nung tawagin si mam nung principal. Lumapit naman agad don si mam at di na napansin si Nicole.

"Hahahahahahahaha! Napakasakit non! Walang napansin sa kaniya! Hahahaha." Pangaasar ni Francesca. Napatawa na rin ako sa sinabi niya.
"Ughhh!! Ang iingay niyo! Mga plastik!" Sigaw ni nicole samin. Lumapit naman ako sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Hahahaha. At saan ka humugot ng lakas ng loob na sabihin samin yung ganong term na dapat ay saiyo? At anong connect ng pagtawa namin sa Pagiging plastik? Hahahaha. Poor Nicole, siguro kase wala kang kaibigan? Kase kame totoo kame. Kapal ng muka mo ha! Kasing kapal ng Noo mo! Ang cute mong magalit para kang garapata sa sobrang cute, di ka astig wag kang trying hard." Chaka ko siya kinindatan. Sakto namang sabi nung principal na pumasok na raw sa kani kanyang room kaya nauna na kame nila bea.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon