Chapter 4

10 2 0
                                    

Naging mabilis ang byahe namen papunta sa aming bahay.
Dahil sa masyado akong nahihiya kase nga bahay NAMIN to, naunang pumasok ang aking mga kaibigan. Kase nga NAHIHIYA ako. Oo ako ako yung nahihiya. Mga walang hiya hahahah,

Pagkarating na pagkarating nila sa Living room. Naupo sila doon si Bea naman ay nahiga habang nagtetext. Sabi ko nga BAHAY NILA to, psh.
"Text nyo nga sila Justin at Aivan. Sabihin nyo pumunta dito." Utos ni Krysha. Habang siya ay nanonood ng Tv.

"Wala ka bang cellphone ha? Makautos ka ah." At inirapan siya ni Bea.
"SINGLE nga, may cellphone hindi naman nagloload. Kase SINGLE hahahahahahha." Asar sa kaniya ni Francesca.

"Tumigil nga kayo. Iingay niyo." Sabi ko nga Pikon ang krysha heheh.
"Bitter. Walamboypren! Bleh!" Dugtong na pangasar ni Francesca. Napatawa na lang ako sa kanila.

"guys, papalit lang ako ah? Nakakahiya kase sa Bahay KO!" Hindi ko na sila inantay pang magsalita umakyat na agad ako at nagpalit. Pagkatapos kong magpalit ng Short at ng Tshirt na malaki sakin okay na ko. Nahiga muna ako at napatingin ako sa Kisame.

Single? Oo nga noh. Hindi ko pa nararanasan mahalin, maraming nagkakagusto sakin pero wala sa kanila ang balak ligawan ako. Bakit kaya? Hindi ko naman sinasabing desperada ako sa pagkakaroon ng boyfie. Inip na ako magantay. Sa mga paguusap ng mga kaibigan ko kapag may boyfiee sila wala bigla na lang akong naOOp.
Oo nga si krysha Single pero alam kong may nagmamahal sa kaniya. Mahal nila ni kuya ang isat isa kaya lang hindi nila mailabas yung nararamdaman nila kase natatakot sila..

Kung sila natatakot bakit ako parang gusto kong mafeel yung magmahal at mahalin? Mahirap ba yon? Sa araw araw na ginawa ng diyos wala pa rin akong nakikilalang para sakin.

Yung tipong alam kong may Concern sakin, hindi ako papabayaan , hindi ako iiwan. Alam ko namang meron akong mga kaibigan, kapatid. Hindi ko na isasama magulang ko kase para saan pa? Eh hindi ko nga alam kung may pakelam sila saamin.

May kapatid akong alam kong hindi ako papabayaan, pero dadating ang panahon makakahanap sila ng kani kanilang pamilya at paniguradong mawawalan na sila ng oras para sakin. Ayokong mag isa. Ayoko, natatakot akong baka paggising ko wala ng nagmamalasakit o nagmamahal sakin.

Hays. Tama na ang pag eemote, gustuhin ko man matulog hindi ko magawa kase andiyan yung mga kaibigan ko, alangan tulugan ko sila diba? Psh. Buti na lang walang Homework..

Nagbun muna ako ng buhok chaka bumaba. Nakita ko naman silang nagtatawanan don. At nagulat ako nung nandoon na agad si Aivan at Justine.
"Ang bilis niyo?" Tanong ko sa dalwang lalake. "Masama ba?" Pagtataray ni yvan, may mood swings nanaman ang loko.

"Baka nakakalimutan mo pamamahay ko to? Sasagutin mo ako ng maaayos o sasagutin mo ako ng maayos?" Pagtataray ko habang naka crossed arms, with matching taas kilay,
"Hehe. Wala ang bilis niyong magtext eh. Sakto naman nakila Justine ako kaya ayon." Sasagot din pala eh hahaha. Pero joke lang yun paaalisin ko sila. Sa tingin niyo ba mapapaalis ko yang mga yan? Eh para ngang MAS bahay nila to eh.

Umupo ako sa tabi ni yvan. Habang si Francesca, Bea, justine nasa sahig. May carpet naman kaya okay lang silang magugulong don. Tas si Krysha naman nasa isang Upuan.
"NAKAKAGUTOM! Ano diba guys?" Pagpaparinig ni Krysha. "Oo nga. Di manlang tayo inaalok noh dib?" Dagdag ni Francesca.

"Nagparinig pa eh. Kalay cute. Hahahahah. Ano bang gusto niyo? Pa deliver ako or papaluto na lang?" Tanong ko. Masyado kaseng nakakhiya sa kanila eh.

"Tayo na lang magluto?" Naeexcite na sabi ni Bea.
"Teka, may balak ba kayong maghapunan dito ha??!!" Sigaw ko. Nagkatinginan naman sila chaka sabay sabay na pumunta sa kusina. Kahit kailan talaga oo!

Sumunod naman agad ako sa kanila. Baka mamaya kung anong iluto eh.
"GoodEve Afternoon po." Bati ni Bea sa mga kasambahay namin. Binatukan naman siya ni Krysha, "Anong GoodEve afternoon pinagsasabi mo ha?!" Sigaw niya,

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon