Chapter 2

21 2 0
                                    

"Mahilig ka din pala sa pagkain?" Tanong niya habang nagdadrive siya.
"Baka Hinde, kaya nga gusto kong pagkain eh." Sarkastikong sabi ko. Pero syempre joke lang yon hahaha. Ako na nga lang ang sasabay sa pagbili sa Mcdo eh.
"Pilosopa! Hindi ko na nga lang idadaan sa Mcdo. Hahatid na kita ah?" Naganun pa hahaha. Pero dahil sa Gusto ko talaga mag Mcdo pinilit ko siya,

"Dejoke lang! Ano ka ba? Sorry na! Bili na tayo Pleaseeee!"
"Appology Accepted. Ngayon alam ko na kung anong panakot ko hahaha."
"Che!" Inirapan ko na lang siya. Alam nyo yung feeling na kahit ngayon mo lang siya nakasama o nakilala parang close na close na agad kayo? Ang galing lang kase Hindi siya mahirap kaibiganin. Medyo Bipolar nga lang ang Isang to.

"Anyway. Saan ka dati nagaaral? Bakit kayo lumipat dito?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kase may malaman naman sa kanya,
"Ah. Sa Tondo Manila ako dati nagaaral. Lumipat kame dito kase namatay yung papa ko, eh nandto lang naman yung ibang kamaganak namen kaya dito na lang kame tumira. Tutal naman may bahay kame dito" biglang lumungkot yung tono ng pagsasalita niya,

"Sh*t sorry! Di ko naman alam Sorry! Sorry!" Nabanggit ko pa kase yung mga ganong bagay eh! Nakakainis. Ang daldal ko.
"Hinde okay lang." Ngumiti siya ng Tipid. Okay! Great Camille. Just Great! Ughhhh!

Nakarating na kame sa Moa. Hinanap muna namin yung Mcdo, buti na lang mabilis namin nahanap. Ng makapasok na kame tinanong niya ako kung Take out ba daw or Dine in. Sabi ko Dine in na lang kakainin na lang namin. Gutom na ko eh.
Nung nakahanap na kami ng table, tinanong niya ako kung ano daw order ko.
"Ako na. Oorder rin naman ako eh." Pagsusumapilit ko.
"Treat kita, so ano ngang Order mo?" Wow ha.

"Ako na, nakakahiya naman. Baka isipin mo kakakilala lang natin papalibre agad ako." Pero dahil nagpupumilit talaga siyang siya na daw ang oorder, pinagbigyan ko lang,
"Sige na nga! Pero next time ako naman Manlilibre ah?" Masayang sabi ko. "Order mo na lang ako ng BFF Fries, Sundae Ice cream, Burger, sphagetti , coke. And oh chicken. Yun lang!" Dagdag ko pa. Hahahaha. Kokonti lang yon para sakin. Nahihiya pa nga ako niyan eh. Oo hiyang hiya ako sa lagay na yan.

Pagkatapos ko magantay ng 10 minutes. Dumating naman agad yung inorder namen.
Umupo siya sa Harap ko at hinayaang iserve nung waiter yung order namen.
"Yummy!" Sambit ko.
"Takaw mo pala ano? Akala ko nung una tahimik ka lang at mahiyain eh." Puna ni Andrei habang Nag slice ng chicken,
"Ahm, hahah, sorry ha? Naging feeling close ako. Nakakhiya tuloy." Oo may hiya ako kahit hindi halata.
"Wala yon ano ka ba. So I hope friends na tayo?" Nakangiting sabi niya.

"Sure!" Sagot ko habang sinasawsaw yung fries sa Sundae icecream. Nanlaki naman yung mata niya nung ginawa ko yon.
"What the?! Anong lasa niyan?" Nasusukang sabi niya. Sarap sarap kaya hayst.
"Masarap! Gusto mo? Oh. Tikman mo" sumawsaw ako ng FrenchFries sa sundae at ibinibigay ko ito sa kaniya pero lumalayo siya. Arte naman neto.
"Dali na! Say Ahhh! Sarap neto try mo dali" sa pagpupumilit ko. Nagderecho yung fries na may sundae sa Gilid ng labi niya.

"Ayy!sorry sorry!" Pinunasan ko naman kaagad yon ng tissue.
"No. Its okay," sagot niya habang nakatingin sakin.
"Tikman mo na kase please??" Pagpupuppy Eyes ko hahaha.
"Ahh.. Eh.. A-no ka-se ah." Nagaalangan sagot niya.
"Akala ko pa naman FoodBuddy na kita. Maarte ka pala sa pagkain hays." Pakunwaring tampo ako. Nakakainis kase kapag si ka sinasabayan sa trip eh.

"Sige na nga! Ahhh!" Binuka niya yung bibig niya, umaliwalas naman yung muka ko at dali dali sumawsaw ng Fries sa sundae.
Habang nginunguya niya to para siyang judge na akala moy may inoobserve sa pagkain.
"Ano? Sarap diba?" Tanong ko sa kanya,
"Oo nga," kumuha naman siya ng fries at sinawsaw sa sundae niya. Mukang magkakasundo agad kame neto.

"Sabi sayo eh," at kumain na kame.
-
Natapos na kaming kumain. Tawa pa nga ako ng tawa sa mga kinukwento niya eh. Kesyo dati daw paupo siya umihi. Akala nga daw nung mama niya bakla siya eh. Pero nung bata pa daw yon hahaha.
At ngayon nagiikot lang kame sa Moa. Naghahanap kase akong Dress na parehas kame ni Cassy eh. Nagcocollect kase kami nung magkatulad kaming damit.
"Uy. Okay lang ba sayo? Papasama ako sa Forever 21? Bibili lang akong dress namin ni Cassy?"

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon