Daine's P.O.V
Monday.Yah.Good Morning!!!! Thank you Lord for waking me up today--- Gwiyomi...Gwi-Gwi-Gwiyomi...
Ay! May nag-text!
From: Manhid Kong Bespar
-Hoy! Pumunta ka sa bahay ah. Now na!-Aba! Parang boss ah? Pero dahil mahal este...bespar kita oh sige!.. Nag-reply nalang ako sa kanya at inaayos ang kama...
To: Manhid Kong Bespar
-Hoy ka rin! Aga aga mong nagha-hasik ng kapangitan! Ayoko! Di ako pupunta :p-Oh ha! Kala mo! Pero guys pupunta talaga ko.Haha! Char lang yun!
From: Manhid Kong Bespar
-Ewang ko sa'yo! Kala mo lilibre kita ng french fries? No. Hahaha!-Luh?
To: Manhid Kong Bespar
-Eto na nga po diba? Maliligo na!-French fries na yun e! Angal pa ba ko? Hehe... Patay gutom ako! Oh ano? Ikaw rin naman ah?.
To: Manhid Kong Bespar
-Joke! Syempre pupunta na ko dyan! Ligo na ko ah? Babuuuh!-Reply ko at tuluyan ng naligo. Nag-jeans nalang ako at sweat shirt at rubber na black. Nag-para na ko ng jeep at pumunta sa bahay nila Kyle...
*Tok Tok*
Whutda? Laki laki ng bahay kailangan talaga kinakatok? Nagulat naman ako ng biglang mag bumukas nito at nakita ko si Tita Dess,mama ni Kyle.
"Oh hija,pasok ka dito" sabi sa akin ng mama nya habang naka-ngiti. "Ay hindi po, mangangaroling po ako! Hehe" sagot ko at natawa naman sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?.
Nag-simula na akong kumanta.
"May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas, ang kaligayahan nati'y walang kupas.Di alintana kung walang pera,basta't tayo'y magkaka-sama.Ibang iba talaga..ang Pasko sa Pinas~~" damang-dama ko yung kanta mga tsong.
"Woah! Ang ganda pala ng boses mo hija." Nagulat ako ng sumingit si Tito Ken, tatay ni Kyle at pinuri ako. Ahe. Thanks po tito!
"Thank you po.Haha" sabi ko pa tapos nakita ko na yung boyfri-- este yung bestfriend ko na pababa ng hagdan tapos kinakalkal yung wallet nya. Dun lang sya sa wallet naka-focus. Tignan mo ko Kyle. Huehuehue
"Oh! Galing mong mangaroling ah!" Saad ni Kyle at nagbigay ng..BENTE??. Pero di sya nakatingin sakin kase nagc-cellphone sya.
"Kuya...bente lang?" Entrada ko kaya napatingin sya bigla.Kay pogi naman neto!.
"Luh?Kyra??Weh?Ikaw yung kumanta?" Sunod-sunod nyang tanong.
"Ay hindi si Tito Ken yun." Pamba-bara ko sa kanya..
"Oh sige na mga bata,umalis na kayo at may pupuntahan pa ata kayo" tumango nalang si Kyle kay Tita at pumunta sa harap ko.
"Tara?" Seryoso nyang tanong.
"Owemji naman! San ba? Simbahan? Huhu" sabi ko--JOKE! Syempre hindi.
"Tara!" Sabi ko at sinundan sya sa sasakyan.Pinapasok nya ko at nag-simula na syang mag-maneho.
"Ikaw talaga yung kumanta?" Di sya makapaniwala mga bh3!.
"Oo haha! Ang pangit diba?"
"Ganda kaya kaso yung kumakanta hindi e. Sayang tuloy.Tsk." naiiling-iling pa nyang komento. Sarap sapakin.
"Tse.Kala mo naman pogi ka?" Tanong ko sa kanya pero di nya sinagot.Snobber amps.
"Kanta ka nga ulit.Iba naman ah." Request nya so I did. I wanted to sing din naman.
"Hold me close by your side, baby never let me go throught the night--Oh! Yun na yun!" Saad ko at tumingin sa kanya na naka-ngiti.
"May request ako sa'yo ah?Ganda e." Sabi nya pa at patuloy na nagmaneho.
Ano kayang request yun? Asus. Kapag about sa nililigawan nya yun talaga. Ewan ko nalang.
*****
BASAHIN NYO NAMAN TO! HAHAHAH.
Songs:
1.Pasko sa Pinas-Yeng Constantino
2.Kiss(Never Let Me Go)-Thyro and Yumi.Vote and Comment! Lablats. <3