Daine's P.O.V
Andito kami ngayon ni Kyle sa park at nagmamakaawa sya sakin na pumayag ako sa gusto nya.
Aba!Gusto ba naman na ako ang kumanta sa panliligaw kay Julia? Luh?. Ang manhid nya talaga.Gusto ko sya e, dati pa nga, di nya lang ma-feel.
Pero pumayag pa rin ako.Ano bang magagaw ko?Mahal ko e. Kaya yun, nasa huli nga ang pagsisisi.Nasasaktan na ko ngayon as in ngayon.
Pano ba naman. Tutulungan ko yung mahal ko na manligaw at para sagutin sya ng taong minamahal nya? Okay talo na ko.Dun palang talong talo na.
Di ko alam pero ang manhid nya talaga. Nakakainis na. Di nya ba maramdaman na mahal ko sya dati pa? Di nya ba maramdaman na na-fall na ko pero sahig lang pala ang sasalo?.
"YES! Thank you talaga Kyraa! Whoo!" Ang saya-saya nya. Ang saya nya dahil sa iba. Nagulat naman ako ng bigla nya kong yakapin.
Ayan. Yakap na yan.Mas lalo tuloy akong naiinlove. Masaqqutte ;-;
"Oh sige okay na." Saad ko kaya napa-bitaw sya.
"Kyra,may problema ba?"
Wala.Walang problema. Hindi naman kase problema yung pagpa-patulong mo sakin na manligaw diba? Hindi rin naman yun masakit.Hindi. Masakit naman talaga.
"Ah.Wala noh!" Sinungaling ka Kyra.
"Ah oh sige! Bukas ah.Sa rooftop ng school dun tayo manliligaw" saad nya pa at may pagtaas-taas pa ng kilay.
Sana di ka sagutin ni Julia...Sana
