Chapter 1

37 7 3
                                    

Eto na! Chappy 1 na! Suporta ha! Kailangan ko ng inspirasyon! Yala! Hahahaha! Enjoy Reading!

-------

Charmaine Maxine Lee's POV

*Kriiiiiing *Kriiiiiiiiing (pasensya na sa sound effects!)

Ay! Leche! Alarm ng alarm tong clock ko! Sino ba kasi nagset nyan?! Ay! Ako pala. Hehe.. Nalimutan ko First Day nga pala namin ngayo-- WHAT?! FIRST DAY NAMIN?! Anong oras na ba?!

0___0

7:30 na?!?!?! Pucha! Late na ko!

"Waaaaaah!! Lagot ako nito eh! First day pa man din!" Tumayo na ko at tumakbo papunta sa banyo.. Ginawa ko na ang morning rituals ko..

Ligo..

Tooth brush..

Bihis..

Suklay..

Ayos ng gamit..

Yan! I'm done! Tumakbo na ko pababa.. Nakita ko si Manang.. Si Manang mula bata pa ko.. Sya na nagaalaga sakin.. Kaya pinapahalagahan ko sya..

"Good Morning Manang!"

"Oh! Aba'y malalate ka na sa pasok mo ah! Sya sige. Kumain ka na"

Kung mapapansin niyo wala ang parents ko.. Well they are always on a business trip.. Once in a blue moon lang yan umuuwi.. And I have a brother.. College na sya while I'm a graduating student.. His name is John Vincent Lee.. Oh! And before I forgot.. my Parents name is Carmina and Vince Lee..

Oh! Sa kakakwento ko tapos na kong kumain.. Kung mapapansin niyo rin walang imik kuya ko.. Well... For sure maaga pasok nun..

"Bye Manang! I'll use my own car!"
Yep! I have my own car. Well, we're rich.. Actually.. yung school na pinapasukan ko.. pagmamay-ari nami--Takte! Pagmamay ari nga pala namin yon! Bat pa ba ko nagmadali... Well.. Di ko itatanggi na Bully ako sa school.. Hahaha.. tinagurian nga nila akong QUEEN OF BAD GIRLS eh..

Oh! At sa kakakwento ko ulit nandito na ko sa school... Pinark ko na ang kotse ko.. Then lumabas na ko..

Haays.. Eto na naman sila sa mga bulungan nila.. Wait.. bulong pa ba yon kung rinig na rinig ko.. Tss.. di na sila nagsawa.. They were saying na..

OMG! Make way! Nandyan na si Maxine!

Ang pretty nya talaga, bes noh?

Grabe pre! Ang angas talaga ni Maxine

Tss.. Hay. Teka lang... Bakit nasa labas pa yang mga yan.. di bale na.. Tatanongin ko na lang yung girl sa gilid..

Nilapitan ko sya.. Teka.. bat yan nanginginig? Parang takot na takot sakin.. Haays.

"Uhhmm.. Miss.. bakit andami pang nasa labas? Diba class hours na?" Tanong ko dun sa girl..

"A-ahh.. H-hindi pa p-po C-class H-hours.. Hinahanap p-pa lang p-po nung i-iba y-yung section n-nila.." sabi ni girl

See? Halatang takot sya sakin.. parang umuurong dila nito eh.. Utal utal.. Tss.. Ikaw ba naman ang lapitan ng Queen bee? Ikaw ba naman lapitan ng Isa sa pinakasikat na tao sa school? Tss.. Yup! Isa! Actually apat kami.. ako yung namumuno since ako may ari ng school.. Well.. Not totally.. Pamilya namin.. They are my best friends... Tinatawag kami na... THE FOUR.. We're different from them.. iba uniform namin.. May mga reserved seats para samin sa classroom at Cafeteria.. Basta! Yun na yon!

"Ah okay." Sabi ko naman dun sa girl..

Teka.. Kanina pa ko kwento ng kwento. Di pa pala ako nagpapakilala.. Well.. I'm Charmaine Maxine Lee... My Best friends call me Max.. pag di tayo close.. Maxine tawag nila.. I'm the popular chic in town! Well.. As well as my 2 bestfriends. Yep! Two! Kasi boy yung isa.. I'm just 15 years of age.. And I'm half Korean, Half Filipino.. Yun lang.

Hinanap ko na yung room ko.. May nakapost kasi na papers bawat door ng room dun nakalagay name mo kung san ka kabilang na section..

Yun! Nakita ko na name ko! Waaah! Di ko kaklase yung dalawa kong bestfriend! Yung isa lang! Hmp! T_T

O diba! May childish side din ako! Yun nga lang tinagurian ako ng Candy Girl dahil sa pagkahilig ko ng Candies.. sa good side ko yun... While Phoenix Queen naman sa Queen ng Bad Girl.

Pag pasok ko sa room ko..

"Waaaaaaah! Max! Di natin kaklase sila Kian at Karylle! Huhu!" Yan! Yan agad ang salubong sakin ng best friend ko na si.. Christine Shane Scott.. Sya ang fake sister ko. Well fake twin.. Ganito kasi yun.. Yung sinasabi niya na Karylle.. Ako at sya.. Were pretending na sisters kami! And Inampon namin sya! Hahahaha! Sa The FOUR sya laging kawawa.. Well.. Masarap syang pagtripan.. pero wag kayo! Besty ko yan! And.. Wahahaha! May crush sya sa Bestfriend namin na si Kian... Well.. Cousin ko si Kian..

"Sus! Sabihin mo! Di mo lang kasi naging kaklase si Kian!" Sabi ko.. Hahaha..

"Iiihhh!!! Wag ka naman maingay! Baka may makarinig sayo eh!" Arte arte naman nito oh! Hahaha! Joke!

-

"Goodmorning Class!" Ow.. Nandito na pala adviser namin.. Mukhang terror ah!

"Okay! I'm Ms. Guerra! And I'm going to be your adviser this school year!"

Tss.. Taray ng mukha ha.. Guerrahin ko sya dyan eh!

"Okay! Now Introduce yourselves!"

Since alam nila na ayaw ko sa unahan dito ako sa dulo.. pag nakita nila na dun ako umupo.. Wala ng dapat uupo pa dun.. Maliban sakin.. And Katabi ko si Shane..

Yan na.. si Shane na magpapakilala.. Pumunta sya sa unahan..

"Goodmorning Everyone! I'm Christine Shane Scott! 15 years old! Please be nice to me!"

Haaayss.. Kahit kelan talaga ang bait nitong bestfriend ko na to..

"Okay class! Any questions about Ms. Scott?"

"Ms.! Ako po!"

"Okay.. Ask Ms. Scott, already."

"Ate! Ano pong lahi niyo?"

Naku. Panigurado newbie to. Di ata kami kilala.. Tss. Di bale na.. maririnig naman niya kung sino kami.. Sa dami ba namang chismosa sa school na to eh..

"I'm half American and half Filipino"

"Ah okay po!"

"Okay please sitdown Ms. Scott.. Okay! Next!"

Tss.. Papakabadgirl muna ako.. Haha.. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at pumunta sa gitna..

"Charmaine Maxine Lee. 15 years old." Pokerface kong sinabi yan..

"Any questions, Class?"sabi ni Ms. Guerra

May nagtaas ng kamay..

"Kayo po ba may ari nito.." newbie rin to.. Haha.. May mapagtitripan ata ako ah..

"Di ba obvious.. Tss.. Tignan mo nga yang mga kaklase mo.. Mukhang takot diba? Ofcourse.. Kasi si Phoenix Queen kaharap mo ngayon.."

Tss.. Halata naman eh..

--------

*Riiiing!

"Okay class! You may now take your break!"

---------

Whoo! Mahaba ba? O maikli? Sorry na! First story ko to eh!

VOTE

COMMENT

SHARE

Thank you!

-buenavetina

Unexpected..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon