Naalala 1
Naalala ko pa noong una palang tayo nagkita.
5 years ago. .
Namamadali ako pumunta ng school dahil malelate na ako sa unang klase ko. Haist! Kasi naman bakit nalate pa ako nang gising. Ah yan kasi nanuod pa ako ng One Punch Man kagabi. Tsk!
Sa sobrang pagmamadali ko, hindi na naman ako mag aalmusal nito. Bahala na nga.
“Ma! Alis na po ako!” kinuha ko na gamit ko at humalik sa pisngi ni Mama.
“Pia, mag almusal ka nga muna bago ka umalis.”
“Ma, wag na malelate na ako eh.” Tatakbo na sana ako nang biglang hawakan ni Mama kamay ko.
“Oh teka lang! dalhin mo nalang itong sandwich para doon ka nalang kumain pagdating mo sa school”
Ngumiti naman ako at kinuha yung tinapay. Hay, si Mama talaga oh.
“Thanks Ma! Ge po alis na ako. Labyu!”
“Mag-iingat ka ha Pia.” Kahit medyo malayo na ako, narinig ko pa rin sinabi niya.
“Opo Mama!” pasigaw ko naman.
Pakalabas ko sa kalsada, nagpara kaagad ako ng tricy.
“Kuya, sa. .sa SHS po.” Hingal na sabi ko sa driver.
Mabuti nalang at hindi masyadong traffic kaya nakarating kaagad ako sa school. Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa room namin. Shit, anlayo pa naman ng building namin at second floor pa. Ugh!
Sa kakatakbo ko, may nabangga pa akong tao.
“Aray!” Ugh. Ansakit sa pwet! Tsk! Tao ba talaga to?!
YOU ARE READING
Naalala Ko Pa
Teen FictionNaalala ko pa yung una nating pagkikita at huli nating pagsasama. Bakit? -Sophia Gomez