Chapter 1

167 3 0
                                    

Padabog kong sinara ang kwarto ko. Diretso ang paglakad ko sa kama at saka ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Ugh!" Impit na sigaw ko.

Nakakainis. Nakakainis talaga!

Hindi pa ko nakuntento at ginusot ko pa ang kumot ng kama ko. Wala akong pakealam kung kakaayos lang nito. Wala akong pakielam sa kanila!

I hate them! I hate them all.

I hate my mother. I hate my freaking lola. And I freakingly hate my stupid father.

"Areum, buksan mo ang pinto." May awtoridad na tonong tawag sa akin ni Mama.

"No! Just leave me alone!"

"Areum, isa." Pagbabanta niya.

Pero imbis na matakot ako ay mas lalo pang umigting ang galit ko para sa kanya.

Anong karapatan niyang ipatapon ako sa Daegu? At doon niya pa ako balak pag-aralin? Pambihira!

Ang ganda ganda ng pamumuhay ko dito sa Seoul. Andito ang mga kaibigan ko. Dito ako lumaki, dito na ko nagka-isip. Pero bigla niya na lang sasabihin na kailangan kong pumunta ng Daegu at doon nalang mag-aral.

Ang malupit pa, sa bahay ako ng lola ko tutuloy!

Anong kwenta ng mga pera nila? Nasaan na ang mga pinagmamalaki nilang mga kompanya? Nasaan na ang pinakamagaling at pinakamagaling na si Kang Min Sun? Nasaan na ba ang tatay ko?!

Maulan na hapon kinabukasan nang makarating kami sa Daegu. Walang gana akong lumabas sa kotse at pinagmasdan ang bago kong titirahan.

Hindi ko alam kung sanay lang ba talaga ako sa malaking bahay namin sa Seoul o sadyang maliit ang bahay to.

Dyan? Dyan ako titira? Eh mukhang mas malaki pa ang kwarto ko kaysa dito eh.

"Areum, andyan na ang mga gamit mo sa loob ng bahay ni Mama." Paalala sa akin ni Mama pagkababa niya ng kotse.

Naglakad siya sa pwesto ko at tumabi sa gilid ko, nakikimasid sa bahay.

"I'm sorry but you really have to do this. Alam kong... hindi ka sanay sa ganyan. Unting adjustments lang, Areum.

Hindi ko siya pinapansin. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang kamay ko.

Onting adjustments? Ha! Eh bakit ako lang? What about her, my father? Sila magco-continue mabuhay sa marangya nilang buhay sa Seoul, samantalang ako, dito lang? It's just so unfair! Bakit ako lang ang kailangan mag-suffer kahit di ko naman alam kung anong nangyayari?

"Areum, are you still mad?"

Obviously! How do you expect me to live in a place like this?!

I wanted to answer. Pero ayokong magsalita dahil paghahantungan na naman to ng away. Kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at marahas na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Just... please understand." she begged.

That triggered me at binasag ko na ang sarili kong pananahimik.

"Understand?" sarkastiko akong tumawa. "Paano ko maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi sa akin?"

"Areum..." naririnig ko ang pagbasag ng boses niya.

"No, Ma. Ipaintindi mo sa akin."

Hinawakan niyang ulit ang kamay ko.

"Ipapaintindi ko sayo someday-"

Hinawi ko ang kamay niya.

"Ipaintindi mo na sa akin ngayon!"

Ayokong sumigaw. Pero punong puno na ko ng frustrations. Pagod na ako makipag-away, makipagsigawan at magtanong pero gusto kong maintindihan!

"Bakit ba ako nandito? Ano ba talagang nangyayari? Asan ba si Papa?!"

"Please Areum! Keep your voice down!" nagsimula na siyang humagulgol.

I love her. I truly do, kaya masakit ang makitang naluluha siya sa harapan ko. Pero hindi naman ata tamang baguhin ang buhay ko nang biglaan nang hindi ko alam ang dahilan.

Pero at the end, wala akong nakuhang kasagutan.

Sumakay lang siya sa kotse niya matapos niyang punasan ang mga luha niya.

"Good bye, Areum. I'm so sorry."

Yan ang mga sinabi niya bago humarurot paalis ang kotse. Iniwan niya na talaga akong mag-isa dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taehyung's First Love (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon