Nandito Ako

103 3 0
                                    

PROLOUGE

Paano kung umibig ka sa best friend mo ng hindi sinasadya??

Karaniwan na sa atin ang makabasa ng isang istorya tungkol sa magkaibigan na nainlove sa isa't isa. Unang maiinlove si girl kay boy kaso si boy may girlfriend at mahal nila ang isa't isa. Masasaktan si girl at ililihim nya ang kanyang nararamdaman kay boy. Magprepretend si girl na masaya sya para sa kaibigan nya dahil nakita nya na ang dream girl nito kahit deep inside ay durog na durog na sya. Tapos darating ang isang araw na masasaktan si boy at kanyang lalapitan si girl. Si girl naman nakikinig sa mga kwento ni boy kahit alam ni girl sa sarili nya na nasasaktan sya ng sobra-sobra, hindi parin nya maiwasan na damayan ang kaibigan nya. Hanggang isang araw mararamdaman ni boy na inlove na sya kay girl pero huli na ang lahat dahil si girl nakapagdesisyon na lumayo at humanap ng iba para hindi na sya masaktan. Ipaglalaban ni boy ang kanyang nararamdaman para girl. Sinusundan nya ito san man ito magpunta. Hindi sumuko si boy hanggang sa dumating yung araw na naisip ni girl na hindi pa naman huli ang lahat para sa kanila ni boy. At ang ending ay magkakatuluyan sila.

Hindi naiiba ang story na ito sa mga nababasa nyo. Ako si Ericka Javier. Nainlove ako sa best friend ko nang hindi ko sinasadya. Umasa at nasaktan. At nangarap na balang araw mapansin nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Ito ang istorya ko at istorya ng best friend ko.

Nandito Ako 2013.

jerojero:*

Nandito AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon