Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. At expected na ako nanaman ang apple of the eye ng karamihan.
Hindi ko naman ginusto to e. Nanggugulo lang sila ng buhay ko.
Naiiyak na ako.
"Cara? Are you alright?" asked Anna.
First kiss ko yun e.
Yun na lang ang naisip ko at naramdaman ko na lang na may mainit na bagay na tumulo mula sa mga mata ko.
"How pathetic! Siya na nga tong hinalikan, siya pa tong umiiyak! What a bitch!" Narinig kong sabi nila.
Hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa. Hindi rin naman nila ako titigilang husgahan at tignan ng masama.
"Cara?"
"Hayaan niyo na yang kaibigan niyo! Siya na nga tong hinalikan siya pa tong paiyak-iyak diyan!"
"Shut up you slut!" narinig kong sigaw ni Racquel.
"Rocky, kalma! Don't get things more complicated as they are now."
"Eh namumuro na tong pokpok na to e!"
"How dare you call me pokpok! Eh yang kaibigan niyo nga ang mas pokpok pa ang datingan samin e!"
"Hindi nakuntento kay Kent, ngayon pati si Kenneth inaahas!"
TAMA NA! AYOKO NANG MARINIG PA TO!
Kumalas ako sa mga nakakaawang hawak at haplos sa akin ng mga kaibigan ko at tumakbo papalabas. Wala akong pakielam kung may mabangga ako. Wala akong pakielam kung mas lalo akong pag-usapan. Ganon rin naman e, kahit anong gawin ko ngayon, may masasabi at masasabi pa rin sila. Siguro ikaw rin na nagbabasa nito sinasabi mo na ngayon na ang drama ko at ang corny ko. Bakit? Masisisi mo ba ako? Hindi ko naman ginusto lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Ang gusto ko lang magkaron ng normal na college na buhay. Magkaron ng masayang lovelife. O kahit nga hindi muna e. Pero simula nang tarantaduhin nung dalawang yun ang buhay ko, wala na. Wala na akong pag-asang bumalik pa sa dati. Wala nang pag-asang bumalik pa sa normal ang buhay ko.
Dirediretso akong pumasok sa comfort room ng mga babae. Takip takip ko ang mukha ko. Wala akong pakielam kung magulo na itsura ko. Wala akong pakielam kung may makarinig sa akin na humagulgol. Gusto ko lang ilabas lahat ng galit ko ngayon sa mundo.
Pumasok ako sa isang cubicle at bara-barang sinarado ito ng malakas. Alam kong may mga estudyanteng nakakita sa nangyari at sa ginawa ko. Malamang pinakikinggan nila ako ngayon.
Kapag nailabas ko na tong lahat, kailangan ko nanamang bumalik sa impyernong mata ng mga tao. Kailangan ko nanamang pagpasensyahan ang dalawang demonyo. Kailangan ko nanamang magtiis. Kailangan ko nanamang magpakatatag.
Naririnig ko na may mga nagbubulungan sa labas ng cubicle ko. Tinatanong nila sa isa't-isa kung ayos lang kaya ako. At kung bakit daw kaya ako umiiyak. Tinatanong nila kung sino ako at naaawa daw sila sa akin. May mga nagsabi pa na hayaan na lang daw ako for privacy.
Ilang minuto na rin ako dito sa loob. Kumalma at tumigil na ako sa pag-iyak. Namumugto na ang mga mata ko. Masakit na siya. Nakatitig lang ako sa kawalan. Pwede bang dito na lang ako hanggang sa makalimutan at mapagsawaan na akong mapag-tripan nung dalawa?
Wala nang tao sa labas ng cubicle pero parang ayoko pa rin lumabas. I'm comfortable like this. I'm comfortable this way. Mag-isa lang ako. For a short while nakalimutan kong may kakampi pala ako. Sarili ko lang ang kakampi ko. At kakayanin ko to.
May narinig nanaman akong pumasok sa loob ng cr. Naglalakad siya dahan dahan papalapit sa akin. Naglalakad siya.. naglalakad.. naglala- - huminto na siya.
*tok tok*
Bakit siya kumatok sa cubicle ko?
Inaabutan niya ako ng panyo. Kukuhain ko ba?
Napansin kong pang-lalaki ang suot niyang sapatos at naka-black pants siya. Iyon lamang ang nakikita ko mula sa maliit na pagitan sa pintuan ng cubicle at ng sahig.
Bakit may lalaki dito sa loob ng Girl's CR?
Kilala ko kaya siya?
Tinitigan ko lang ang panyo.
Hindi pa rin niya inaalis yung kamay niya sa pagkakaabot ng panyo.
I slowly reached for it.
"Salamat." Sabi ko ng mahina. At narinig ko lang na naglakad siya palabas ng cubicle.
Hawak hawak ko lang ang panyo habang nakaupo sa sahig.
May mga gaya pa pala niyang may malasakit. Sino kaya siya?
Gusto kong malaman kung sino siya, kaso natatakot ako.
***
"Ito yung bag mo atsaka yung regalo na binigay ni Kenneth," sabi ni Recca pagkaabot niya ng mga gamit ko sa akin. "Are you sure na kaya mo by yourself? I could talk to our prof na iexcuse tayong dalawa para masamahan kita."
"Wag na." Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Kaya nga ako pupunta dun kasi gusto kong mapag-isa. Gusto ko munang mapag-isip."
"Sigurado ka ha?"
"Oo naman. Bukas nang gabi rin uuwi na ako."
"Sige. O mag-iingat ka ha."
"Ikaw nang bahala mag-sabi kay Prof."
"Uuwi ka ba muna para kumuha ng damit?"
"Oo, tapos aalis na ako agad."
"Sige. Mag-iingat ka, Cara. Mag-text ka lang sa amin kung may kailangan ka."
"Halos isang araw lang akong mawawala. Pero oo naman."
She hugged me tight and then waved goodbye at me.
Sumakay na ako ng taxi pauwi ng dorm.
Kailangang kailangan ko to, sabi ko sa sarilii ko.
***
Sorry for almost 1 month of not updating. I got bombarded with school and work. Anyway, thankies to those who kept on waiting for the update. Please be patient with me. I'm trying to manage my time. Thankies guise!
BINABASA MO ANG
Ang sex addict kong boyfriend
RomancePaano kung isang araw sabihan ka ng isang Gwapo, kilala at crush ng bayan na lalaki nang, "It's so nice to meet you. Wanna have sex with me?" Anong gagawin mo? Kung matino ka, malamang kakabahan at matatakot ka. Pero kung bitch ka, papayag ka. Pero...