〰️
Pagkababa ko sa sala ay hindi na ako nagulat nang makita ko si Tristan doon. Madalas kasi nitong mga nakaraang araw ay siya na talaga itong sumusundo sa akin. I don't know if it's still about his parents telling him to do so but he didn't have to be so consistent. Hindi rin naman malalaman nina mommy kung sinusundo nga niya ako o hindi dahil mas maaga na silang umaalis sa bahay papunta sa office.
"Why don't we just tell our parents we don't like each other? I mean, romantically that is. Let's just tell them we're content with being friends," pagbubukas ko sa topic habang papunta na kami sa school.
Mukhang nagtataka siya bakit bigla ko itong nasabi kaso wala naman siyang imik. Hindi pa kasi namin ulit napag-uusapan ang tungkol sa set up namin.
"Para hindi ka na mautus utusan. Hassle din para sa 'yo na kailangan mo pa akong sunduin kahit ayaw mo naman," paliwanag ko.
Kasi nga sa aming dalawa, mas kailangang siya 'yong nag-eeffort. Ako talaga iyong nagi-guilty para kay Tristan. Hindi nga namin gusto ang isa't isa. Alam naman namin na mas maganda kapag mag-kaibigan na lang kami. Kaso nga lang ay iba nga ang gustong mangyari ng mga magulang namin.
"No, it's fine. It's not hassle and I don't have a problem with it."
"Are you sure? Pwede ko namang kausapin si mommy na tigilan na nila iyong panunulak nila sa atin. Nakikinig naman sila sa akin minsan," sabi ko. Kasi naisip ko rin, paano pala kung mayroon siyang ibang gusto?
Itong si Kael din kasi, nalaman kong may pinopormahan pala sa kabilang school kaya hindi na ako naisasabay pauwi minsan. Para makalandi siya, pinapasuyo tuloy niya ako kay Tristan. E, paano naman kung may gusto rin palang pormahan itong si Tristan?
"What are you gonna tell her then?"
"Na hindi naman natin gusto ang isa't isa pero magkaibigan naman tayo. Our relationship won't even affect the collaboration of our companies, so they don't have to worry about anything," I told him honestly because that's also what I've been thinking the past days.
Madalas akong hingian ni mommy ng updates tungkol kay Tristan. Sinasabi ko na lang na maayos naman kami at nagkakasama minsan sa school. Tinanong ko rin naman kung kamusta na iyong project kasama ang mga Tómas at sabi naman niya ay maayos din naman at walang problema. So I really think Tristan and I don't have to establish a tight relationship just to assure that the two companies' project will proceed.
Ang hirap talaga intindihin minsan kung paano ba gumagana ang mga bagay sa corporate world. It's all about the connections, my parents would often tell me. I get that. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila kami tinutulak ni Tristan sa isa't isa.
"Well..." I turned my eyes from the view outside onto him and waited for his input. His fingers were softly tapping on the steering wheel. "What if that's not the case anymore?"
My brows furrowed in confusion. Hindi ko agad naintindihan kung alin sa mga sinabi ko ang tinutukoy niya.
"What do you mean?" pagtataka ko. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin bago napunta ang isang kamay sa gear shift at liniko ang sasakyan papasok ng gate ng school.
Hindi niya ako sinagot kaagad kaya hinintay ko iyong sasabihin niya. Tsaka lang niya ulit ako nilingon nang mai-park na niya ang sasakyan. He remained staring at me for seconds that I started squirming on my seat. Hindi ko alam kung bakit gano'n 'yong tingin niya.
"Ano nga 'yon?" tanong ko ulit at umiwas na sa tingin niya. I gathered my stuff and preapred to go out of the car. Hindi ko alam kung may balak ba siyang sabihin o wala.
"Never mind," he said a little after with a sigh. Nang tingnan ko ulit siya ay kinuha na lang niya iyong bag niya at mabilis na lumabas.
Confused as hell, I exited the car. I looked at him on the other side of the car, trying to figure him out. We've already established a different kind of friendship—one that let us be open to one another. Madalas naman ay sinasabi namin sa isa't isa kung anong gusto naming mangyari. Pero bakit hindi niya itinuloy kung ano man 'yong sa kanina?
BINABASA MO ANG
Beyond Loving You
RomanceFormer 'UNSPOKEN PROMISES' Wattys 2016 Winner- No matter how hard we try to make things happen the way we want them to, destiny has its own way of screwing our plans, not letting us get to the happy ending we very much are waiting for easily. But re...