04

1.1K 14 0
                                    

〰️

"Are you avoiding me?"

Halos mapahakbang ako pabalik sa loob ng classroom namin nang madatnan ko sa labas si Tristan. Papunta na dapat ako sa canteen para bumili ng makakain dahil hindi na ako nakapag-breakfast sa bahay.

"Of course...not!" Mabilis akong nag-iwas ng tingin at bumalik ulit sa loob dahil naiwan ko iyong wallet ko. Of course, a lie.

Kung alam ko nga lang na pupuntahan niya ako rito, dapat pala sa canteen na agad ako dumiretso. Naging matagumpay naman iyong pag-iwas ko sa kanya kahapon. Nagi-guilty nga lang dahil sinabi ni Layla na pumunta nga siya sa bahay para sunduin ako. Kaya lang ay inagahan ko talaga ang pumasok at nagpahatid na lang sa driver namin.

"Is this about what I said last Friday?"

Mabuti na lang at iilan pa lang iyong tao sa classroom. Hindi ko naman kasi inasahang kahit sa loob ay susundan ako ni Tristan. Tinginan tuloy sa amin iyong ilang classmates ko na halatang mga gulat at nagtataka sa nangyayari.

"No, Tristan," I firmly denied. Muling sinara ang bag at binalik sa upuan bago siya harapin. There's no use in pretending. Did I really think I could run away from him for so long?

"Really?" He looked like not buying my words. Seryoso lang iyong tingin niya na parang alam naman talaga niya iyong totoo.

Napatingin ako sa paligid namin at mabilis na nag-iwas ng tingin iyong ilang classmates kong nanonood sa amin. Parang hindi naman sila obvious na nakikinig.

"I'm gonna go buy myself something to eat. Gusto mong sumama?" Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko naman diretsahang maamin na iniiwasan ko nga talaga siya. At oo, dahil nga iyon sa sinabi niya noong Friday.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin. Mabuti na nga lang at biglang sumulpot noon si Kael kasama iyong ilang ka-section nila kaya naputol na iyong usapan namin ni Tristan.

Paano naman kasi nangyari 'yon? Wala naman kaming ginagawa. Minsan nga nagsusungitan lang kami. Paanong gusto na lang niya ako bigla?

"You didn't have breakfast at home?" His expression became that with suspicion. Alam naman naming dalawa na iniwasan ko nga siya. He didn't have to ask me more questions just to probe the word from me. Mas lalo lang akong iiwas.

"Gutom lang talaga ako," sabi ko na lang at naglakad na palabas ng classroom. Tahimik lang naman siyang sumunod sa akin. I didn't even think of anything to say to him and just remained silent too. I just didn't really know how to deal with what he said. Baka bigla ay sabihin niya ulit. Hindi ko pa naman alam hanggang ngayon paano sasagot doon.

"What do you want to eat?" tanong niya noong nasa harap na kami ng mga pagkain. There were rice meals displayed and I wanted to have one. Kaso ay hindi ko naman gusto ang kahit na ano roon.

"I'll just take a sandwich," sabi ko at inulit niya 'yon sa staff. Nilalabas ko pa lang iyong pera mula sa wallet ko pero may inabot na siya. Sinubukan kong ibigay iyong bayad ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

"I don't need that," masungit na sabi niya at nagpadagdag pa ng tubig. Gusto ko pa sanang ipilit na bayaran iyong mga binili niya. Ako naman ang kakain ng mga 'yon. Ayaw ko pa naman talaga kapag iba iyong nagbabayad para sa mga bagay na ako rin naman ang makikinabang. Pero ewan ko ba at natakot ako bigla sa pagkasimangot ni Tristan.

Beyond Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon