Chapter 3

5 1 0
                                    

CHAPTER 3

Pag uwi namin sa bahay at nang maghapunan na kami katahimikan at kalungkutan yan ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Bukas baba ang labi ni papa, alam kung gusto nya nang sabihin sakin pero hinawakan sya ni mama at nag lingo-lingo pa na parang huwag na munang sabihin sakin dahil baka hindi ko pa kaya. Si Ethan tuloy-tuloy lang sa pagkain na hindi manlang kami tinitignan , tahimik lang sila , hanggang kusa ko nang itinigil ito.

Ma...

Pa...

Pag nawala napo ako gusto ko po sanang ibigay nyo po ang mga mata ko sa ngangailangan,matagal ko napo yun pinag iisipan

Habang sinasabi ko yun walang luhang pumatak sa mga mata ko baka naubos na sa kakaiyak ko kahapun..

Pero dahil doon nakita ko na namang umiiyak si mama, ang sama ko namang anak para gawin ang mga bagay na ito.

Niyakap siya ni papa gamit ang isang kamay para bigyan ng suporta habang ang isa naman ay hinawakan ni papa ang kamay ko,

Hawak, na para bang kapag binitiwan ay mababasag nalang bigla habang si Ethan tumayo nalang bigla at umalis, baka busog na o nawalan na siya ng gana, ewan , di ko alam.

Dumating ang sabado at dahan-dahan akung umalis sa higaan ko. Gusto ko lang alalahanin ang mga nangyari ng nagdaang araw kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon pero pagtingin ko sa braso na dismaya lang ako, nandun parin kasi ang band aid na nilagay ng nurse pagkatapos nya akung kunan ng kunting blood sample. Talagang hindi panaginip ang lahat.

At yun ay hindi na ako magtatagal ...


Saying GoobdbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon