Lunes ng umaga. Alas sais y medya na nang bumangon na siya at nagsaing. Kaya naman hindi siya magkandatuto sa pagsasabay ng lahat ng kailangan niyang gawin para sa araw na ito.
Alas otso ang simula ng klase niya at ni hindi pa nga siya nakaligo. Kailangan pa niyang pakainin ang nag-iisa nilang biik na si Coly.
"Yda nasaan ka na?"
"Nandito ka na ba sa school."
"Natapos mo na ba 'yong assignment mo kagabi?"
Sunud-sunod na text ng bestfriend niyang si Charlie ang lalong nagpataranta sa kanya. Usapan pa man din nila na magkita sila sa school nang alas siyete em punto. Pero ngayon, anong oras na? Dapat sana nakapagbihis na siya at ready na para pumunta sa eskwelahan. Pero dahil nga sa kaadikan niya kagabi kaya't heto ngayon ang resulta.
Ngunit, kahit ganun hindi pa rin maiwasang sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Nakatulugan na kasi niya ang pagstalk sa kanyang dream guy! Halos lahat na yata ng fan page ni Gregor Marciano ay na-like niya na sa facebook. At bilang isang dakilang fangirl na nangangarap na balang araw ay masulyapan kahit dulo man lang ng mga daliri ng lalaki, isang karangalan na ang simpleng pag-like niya sa mga updates about sa lalaki.
"YDA!!!"
Agad siyang napapiksi at napangiwi.
'Naku naman Ma! Akala mo may sunog kung makasigaw.'
Pero hindi na niya inisatinig iyon. Hahaba nang hahaba lang ang usapan. At agad na rin siyang sumugod sa banyo para maligo.
"Naku bata ka paki dali-dalian mo naman ang kilos mo diyan! Alam mo namang may klase rin ang pinsan mo diba? Hindi lang ikaw ang male-late kaya dalian mong kilos. Huwag makupad!"
Kung may pa-contest pa sana sa pagsisigawan, panigurado ng winner ang nanay niya. Parang mababasag na nga ang eardrums niya sa bunganga ng nanay niya. Ganoon palagi ang senaryo sa araw-araw.
Matapos maligo, nakagawian na niya tuwing umaga na pakainin si Coly.
"O Coly kainin mo na 'yan," parang timang niyang kausap sa biik.
Nakagayak na siya ngayon. Cologne... check... face powder... check... lotion... isang malaking check at siyempre lip balm.
Napansin niyang parang nananamlay yata ngayon si Coly. Baka may lagnat ito. Natatarantang sinapo niya ang noo ng biik.
"Naku maiinit nga! Hindi ito pwede. Alam mo namang ikaw na lang ang pag-asa ko para makita si Greg! Diba? Diba alam mo naman 'yun?"
Pinag-iipunan niya kasi ang ticket para sa laro ni Greg sa Manila sa darating na Mayo plus pamasahe at iba pang mga expenses. December pa naman kaya mayroon pa siyang ilang buwan para palakihin si Coly.
Halos mamatay na sa kakatawa ang pinsan niyang ugok na si Dominique. Mabulunan sana ito sa kinakaing saging.
"Malamang mainit kasi buhay. Hanep ka talaga. Dinadamay mo pa talaga yang biik sa pantasya mo."
"Hoy! Huwag mong maliitin ang ultimate dream ko dahil oras na magkatotoo hindi ko talaga alam kung saan ka na pupulutin."
"As if naman kaya mong idespatsa itong pinsan mong ubod gwapo," mayabang na turan nito. "
"At iyon kung magkatotoo man ang 'ultimate dream' mo," dagdag pa nito habang ginagaya ang kanyang expression kanina patungkol sa ultimate dream niya.
Pinanlakihan niya ito nang mga mata. Wala itong paki kaya parang umuusok na ang ilong niya sa pagka-inis. Umagang-umaga pero heto't nasisira na yata ang araw niya.
Kusang kumilos ang mga paa niya at nagpapadyak. Nang umatras siya ay may parang isang madulas na bagay ang nadaanan ng kanyang mga paa. At sa kanyang pagkagimbal, agad-agarang kumilos siya para tumakbo ngunit di natuloy dahil agad na sumalubong ang kanyang puwet sa gabundok na tae ng baboy. Nakalimutan niyang nakatayo pala siya malapit sa tae ng inahing baboy!
Sira ang get-up niya. At higit sa lahat 7:30 na. Hindi pa niya natapos ang assignment sa English na first subject niya ngayong araw!
"Yda, tumawag si Charlie," sabi ng mama niya.
Napasapo na lamang siya sa kanyang noo. Nakalimutan niyang naghihintay pala si Charlie.
'I'm doomed!'
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
'Making Him Yours'
RandomPREVIEW Mula second year high school pa lamang si Yda pinapangarap na niya na makita sa personal ang sikat na football player na si Gregor Marciano. Ngunit katulad nang inaasahan malabo talagang mangyari iyon. Mabuti sana kung nakatira siya sa Mayn...