Gosh im so sorry napakatagal ng update neto nakakatams na kasi hahaha wala na akong maisip pero dahil mahal ko yung mga nagbabasa neto i will do it in the name of love ay este para masubaybayan niyo na ang naudlot na pagmamahalan ni jk at ni dana grabehan lang pero eto na talaga
Sorry kung medyo magiging lame ang update huhubels andami ko kasing ginagawa eh .***
Hindi alam ni jk kung anong gagawin niya para maiayos ang lahat at maibalik ito sa dati pero hindi siya susuko hindi siya mawawalan ng pag asa dahil alam niyang may magagawa pa siya .Jk's POV
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pero alam kong may pag asa pa samen
hindi ako susuko napaka dami na naming pinagsamahan ni dana and i wil not give up like this .Dahil marami akong connections nalaman kong nasa DESP siya nagtratrabaho DESPC stands for Darren Espanto companis tama kayo dun siya nagtratrabaho.
Miss na miss ko na siya and im willing to do everything to make her come back again .***
Andito na ako sa first floor ng kompanya ni darren , agad kong tinanong sa iba kung asan si dana at agad naman nilang itinuro si dana na nakatayo sa harap ng lola na nakadapa sa sahig at mukhang hirap na hirap pang gumalaw wait si lola linda yun ah?anong ginagawa niya dito? lalapit na sana ako pero nanghina ako wag na andyan naman si dana kaya alam kong matutulungan niya si lol****
Dana's POV
Naglalakad ako sa 1st floor ng kompanya ni darren na bored kasi ako eh . Nagulat ako nung may nakita akong lola na sinisigawan ng isang naka business attire na lalaki at bigla itong tinulak yung matanda tapos umalis na kaya nagmamadali akong lumapit kay lolo na nahihirapan tumayo .
Agad ko itong tinulungan tumayo ."La ayos lang po ba kayo? jusko dadalhin ko na po kayo sa osp- "naputol yung sasabihin ko dahil biglang nagtubig ang mata niya meaning umiiyak siya hala nako mahanap ko lang talaga yung lalaki kanina na sumigaw sa kanya babayagan ko yun ,pinaiyak niya si lola grabe .
"La bat po kayo umiiyak may masak-"natigil na naman ako dahil bigla ako nitong niyakap pagtapos ay
"Ikaw yung asawa ng apo ko diba? Ikaw yun diba?" sabi ni lola kaya nagulat ako at hindi ko siya maintindihan.
Nagtataka akong tumingin sa kanya "Po wala po akong asawa jusko " natatawa kong sagot sa kanya
"Ha pero pero ikaw yun eh asawa mo si Jk diba ? Andun pa nga ako sa kasal niyo eh wag ka ng magbiro dana " nagulat ako sa pinagsasabi ni lola pero biglang sumakit ang ulo ko halos parang nabibiyak ito at nahati sa dalawa .
Unti unting nanlabo ang mata ko
hanggang sa nandilim na ang lahat***
Jk's POV
"SHIT!" napamura ako habang tumatakbo palapit kay dana na walang malay sa harap ni lola linda .
Anong nangyari sa kanya? Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Binuhat ko na siya at dinala sa kotse sumama na din saken si lola papunta sa ospital .
Namumutla si dana na lalong nakapag pakaba saken hindi pede toh .
***
Wala pang 30 minutes andito na kami sa ospital pinaharurot ko kasi ang sasakyan ko pinagalitan pa nga ako ni lola eh pero wala akong pakelam ang iniisip ko lang ay si dana at ang kalagayan niya .Nag iintay kami dito sa labas ng biglang lumabas ang doctor, lumapit ako sa kanya
"Doc kamusta na po siya? ayos po ba siya ano pong nangyari? bat siya nahimatay " sunod sunod na tanong ko .
"Chill lang jk ,ayos na siya at good news eto " napatanga ako kay doc "Bumalik na ang alaala niya hindi ko alam bat ganun kadali pero may isang nabanggit ang isang tao na siyang may nakapag paalala sa kanya ng lahat ,sige maiiwanan ko na kayo pwede niyo na siyang puntahan gising na siya" sabi ng doc kaya lalo akong natuwa
Huminga ako ng malalim at nakita si dana na na nakangiti saken god? Nginingitian niya ako grabe seryoso ba toh?
Lumapit ako sa kanya at inakap siya"Im sorry dana" saka ko siya hinalikan sa noo niya
"Sorry din jk ,grabe oks na oks na ako and napatawad na din kita sa nakita ko last 3 months naikwento na saken ni lola linda ang totoong nangyari ,sana pala pinakinggan ko nalang yung explanation mo im sorry kasi ang tanga ko jk ang tanga tanga ko" umiiyak na si dana shit i dont want to see her cry again.
Pinunasan ko ang luha niya bago magsalita "Shhh i dont want to see you cry ,ang importante maayos na ang lahat ,wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan , so stop crying nagmumukha kang asong nagpipigil ng ihi "
"HAHAHAHAHA bat naman asong nagpipigil ng ihi?" tawang tawa si dana with maching hawak pa sa tiyan niya napangiti nalang ako kasi nadinig ko ulit yung tawa niya ,nakipag sabayan nalang din ako tumawa ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa si darren na parang hingal na hingal lumapit kay dana
"Hey are you okay ,tinawagan ako ng isang trabahador sa kompanya anong nangyari sayo? may masaket ba ano ? sabihi-- " pinutol ko ang sasabihin niya
"Okay na siya darren ,naalala niya na ako " nanlaki ang mata ni darren sa gulat
"Ano ? Pero papaano?" gulat paring tugon ni darren .
Bigla ulit bumukas ang pintuan at iniluwa nito si lola linda, tumakbo ako sa kanya at inakap siya , dahil sa kanya kaya naayos ito hindi ko alam kung papaano niya yun ginawa pero nagpapasalamat talaga ako .
"Lola thank you thank you thank you talaga "inakap ko si lola at hinalikan ang pisngi niya sobra ko talagang saya.
"Okay na apo ,your welcome ang importante naka tulong ako sa inyo " sabi ni lola with matching beautiful eyes pa .
"Hindi niyo ba kami isasali sa hug na yan" singit ni dana kaya lumapit ako sa kanila
"Group hug" kaya ayun natapos ang araw na masaya at hindi ko aakalain na maayos na ang lahat.
***
Dana's POV
FLASHBACK
Sobrang sakit ng ulo ko , tumingin ako sa paligid puti? bat puro puti nakikita ko? patay na ba ako? jusko naman lord maaga pa , bat ganun kinuha niyo na agad ako huhuhu pero biglang lumiwanag ang paningin ko inilibot ko ang mata ko at nalaman kong nasa hospital ako , napatingin naman ako sa lola wait siya yung lola kanina ah?"Oh apo buti at gising ka na " masayang bati sakin nung lola.
"Uhm hello po ano po ulit yung sinasabi niyo kanina na about sa kasal? " nag aalanganin kong tanong
"Hindi mo ba talaga naalala ang lahat? sa bagay pero eto ang alam kong makakapag alala sayo ng lahat " tapos inabot saken ni lola yung white na sobre binuksan ko yun at nilabas ko ang laman , mga pictures? isa isa kong tiningnan at nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na kasama si jk at wait may bata ? para kaming pamilya dito ah ,Shit ang saket ng ulo ko .
Napahawak ako sa ulo ko sa sakit."Uy apo okay ka lang " dinig kong sabi ni lola pero di ko nalang ito pinansin pinikit ko ang mata ko at unti unting maalala ang lahat , simula kong paano ko siya nakilala hanggang dun sa nakita ko sila ni andrea ,iminulat ko ang mata ko , kasabay ng pagmulat ko naramdaman kong umiiyak na pala ako .
"Apo ,hindi kasalanan yun ni jk si andrea ang nagpumilit sa kanya , wala ng nagawa si jk dahil malakas si andrea nun kaya sana pls sana maging maayos na kayo " naiiyak din na sabi ni lola linda yes i know her ,naalala ko na ang lahat and oo handa na akong magpatawad .
END OF FLASHBACK
Nandito na ulit ako sa bahay namin ni jk at kasama ko na ulit ang anak ko , how i missed jackie grabe 3 months akong nawala pero parang isang taon ko di nakita anak ko .
Nagkakatuwaan kami ni jackie ng biglang tumabi samen tong tatay niya.
"Isali niyo naman si daddy , lonely ako oh" pacute pang sabi ni jk
"Heh mag isa ka ,panira ng moment toh eh "
"Ay ano ba yan ,baby oh ginaganyan ako ng mommy mo " magsasalita pa sana ako ng biglang tinakpan ni jk ang mata ni jackie ,magtatanong pa sana ako kung bakit niya tinakpan pero naramdaman ko nalang na lumapat ang malabot na labi niya saken .
"I love you dana ,always and forever"
***
THE END JOKE HAHAHAHAHA
ANO MUSTA COMMENT NA KUNG ANONG MASASABI NIYO HAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Loving Him Forever|| Completed Book 2 Of HCML
FanfictionAfter the wedding day , masaya naman ang naging buhay ni Dana At ni Juan Karlos Pero hindi forever na laging masaya lang ang buhay nila Susubukin sila ng tadhana Kung sila talaga ang para sa isat isa makakaya nila ang lahat At kung hindi naman ay w...