LHF 19~♥️

152 15 12
                                    

***
Dana's POV
Nasa libing kami ngayon ni jacob.
Halos lahat ng fans niya andito at umiiyak ,syempre kasama na kami dun
Hindi parin ako makapaniwala na wala na yung lalaking nagpasaya samen ni jackie nung mga panahong kailangan namin ng tulong .
Siya yung lalaking tinanggap kung sino kami.

Nakita kong lumapit samin si Mrs and Mr. Satorius.

"Thank you for making my son happy, i always remember everytime he goes home ,he's smiling without tommorow" kwento sakin nung mommy niya habang umiiyak tapos lumapit din samin yung asawa niya.

"He always talk about you and your daughter everyday, that you are so strong" dagdag ni Mr.Satorious kaya napaiyak na naman ako .

"Im always thankful that ive met your son, Jacob is so thoughtful and he always encourage us to fight our problems , he is always at our side.
He never leaves us but now" napahagulgol ako "He's gone"
inakap ako ni Mrs.Satorious

"Shhh sweetie dont cry im sure jacob will be sad to see you crying like that" pagkasabi na pagkasabi niya nun nagflash back sakin yung mga araw na pinapatahan ako ni jacob ,at oo ayaw niya kaming umiiyak ,kaya pinunasan ko ang mga luha ko at humarap ng maayos sa nanay niya

"Yeah ,your right po"

"Im sure that wherever he is , i know he's happy " sana nga po sana masaya na siya kahit papaano .

****
Pagkauwi na pagkauwi namin ni jackie,
pinatulog ko na siya sa kwarto kasi kanina pa siya tulog sa biyahe.

Dumiretso ako sa kusina at nagulat sa nakita ko.
May caldereta tapos napatingin ako sa dining table ,may letter na nakalagay.

Kinuha ko yun at binasa

Dear Dana,
Thank you for everything ,for entering my life.
Alam kong hindi ko mapapalitan si jk sa puso mo pero sana hayaan mo akong mapasaya ka.
Alam ko pag nabasa mo toh wala na ako .
Hindi ko sinabi sainyo ang sakit ko kasi baka masayang pa ang oras niyo kakaalaga saken.
Gusto ko ibuhos lahat ng lakas ko para lang mapasaya kayo.
Kahit sa konting oras lang makita ko kayong nakangiti at hindi umiiyak.
Thank you sa lahat dana ha? Sana wag
mo akong kakalimutan ,tsaka wag mong
papabayaan sarili mo ah ? Pati si baby jackie pakainin mo ng healthy foods baka kasi magaya sayo na malnourish hahaha joke.
Basta ayun na yun , masarap yang caldereta na yan ,sinamahan ko kasi yan ng special ingredient ko na "Jacob's love" Sana kainin mo yan ha ,wag mong ipreserve sayang energy ko hahahaha.
Wag kang iiyak ha ,pumapanget ka kasi haha joke.
Mahal na mahal kita dana ,mahal na mahal ko kayo ni jackie.

-Poging Jacob

Tumulo na naman ang luha ko, at sa pagkakataon na toh hindi ko na napigilan ang mga luhang toh.

"Mommy" tawag sakin ni jackie at inakap ako ,nakita niya ang letter pati yung caldereta.
Akala ko iiyak siya pero hindi.

"Mommy tama na po yan,sabi po ni tito jacob kainin natin yung luto niya, baka mapanis po yan sige ka ,magagalit po siya" sabi niya sakin kaya napatawa ako ,pinunasan ko yung luha ko at kumuha na ng plato .

Sumandok kami ng kaldereta at kinain yun,bawat subo namin ay damang dama namin ang presensya ni jacob .

Pumikit ako at huminga ng malalim

"Thank you jacob, mahirap man tanggapin na wala ka na pero eto ang gusto mo ,ang maging masaya kami.
Salamat sa lahat "

****
Jk's POV
Nasa ospital kami ni andrea ng makita ko ang mag ina ko na umiiyak
Nalaman ko din na wala na si jacob.
Di ko maiwasang malungkot dahil alam kong pinasaya niya ang mag ina ko .

Sa ngayon hinihintay kong lumabas yung doctor na tumingin kay andrea.
Sana hindi nalaglag ang baby .

Lumabas na yung doctor kaya agad agad akong lumapit

"Doc kamusta na po si andrea at si baby?" nag aalalang tanong ko.

"Im sorry hindi namin nailigtas ang mag ina, masyadong kritikal ang kondisyon nila kanina ,ginawa namin ang lahat pero wala na talaga , im sorry" napaupo ako sa gulat, hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako ,matutuwa dahil wala na si andrea at makakabalik na ako sa mag ina ko o malulungkot kasi wala na ang baby.

Sumugod sa ospital ang parents ni andrea

"What happened? Anong lagay ni andrea at ni baby ?" kabadong kabadong tanong nila saken kaya kinabahan ako lalo.

"Sorry po ,wala na po sila" automatic na malakas na sampal ang natanggap ko mula sa nanay niya.

"This is your fault,ipapakulong kita ,ipapakulong kita!!!" bago pa na may magawa ulit sila sakin umalis na ako sa harapan nila.

Iisa lang ang alam kong dapat kong gawin

Ang balikan ang mag ina ko.

****
Malapit na po ang epilogue so kung gusto niyo pa po na ituloy ko ito, feedbacks lang po niyo ayos na saken.
So pag wala idedelete ko na lang po kasi parang nakakawala na ng gana kasi wala ng mga feedbacks eh.
Comment nalang po kung gusto niyo ituloy ko toh o hindi .

Loving Him Forever|| Completed Book 2 Of HCMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon