LHF 15~♥️

144 13 6
                                    

Dana's POV
Sumakit ang tyan ko kaya napabangon ako ,nakita ko si jackie na may hawak na box at papel tapos umiiyak siya anong meron?

"Mommy si daddy" tapos umiyak siya ng umiyak kaya dali dali ko siyang nilapitan .

Binigay niya saken yung isang papel ,
kaya tiningnan ko ang naka sulat.

Dear Dana,
Im sorry kasi wala akong alam gawin kundi saktan kayo ni baby jackie.
Alam kong malayong mapatawad mo ako, hindi ako naging mabuting asawa at tatay sainyo kaya talagang dapat lang toh mangyari .
Dahil hindi ako deserving sa pagmamahal niyo.
Pero tandaan niyo sana to mahal ko parin kayo

-JK

Imbis na umiyak ako tinawanan ko lang ang sulat niya.

"Hahaha ang kapal ng mukha ng daddy mo baby jackie oh mahal niya daw tayo? Hahahahaha mahal pero sumama sa iba? Naka drugs ba siya Hahahahahaha?" hanggang sa di ko na napigilan ko yung luha ko.

"Dont cry na mommy , im here for you " pagpapatahan saken ng anak ko kaya pinunasan ko na yung luha ko .
Nakakahiya anak ko pa magpapatahan saken .

*Tok* Tok* Tok*

Sunod na sunod na katok samen ,leche may kumakatok pa pala sa panahon ngayon pede namang mag doorbell eh .

Binuksan ko at nakita si jacob na nakangiti pero agad na nawala yung ngiti niya nung makita niya ako na umiiyak .

"Uy bat kayo umiiyak?" gulat na gulat niya kaming tiningnan ng anak ko .

"Sinungaling siya eh " napaakap ako kay jacob sa sobrang sakit.

"Its okay ,kaya niyo yan. Strong kayo diba?" sabi niya kaya mas lalo akong naiyak oo strong kami at kakayanin namen toh .

***
"Ahhhhhh kawawa naman siya" sigaw ko kasi kinain ng zombie yung bata na nasa store.

Pinapanood kasi naming tatlo nina jacob yung walking dead season 6 kaya ayun panay sigaw at tili lang naming tatlo yung dinig na dinig.

Napatingin ako sa dalawang tao na kung maka akap sakin wagas
Sa right side ko si jacob at sa left side naman eh si baby jackie.

Tinulak ko silang pareho para maalis ang pagkakapit nila saken .
Ang init init kaya tapos kung makaakap wagas.

"Bat mo naman kami tinulak" reklamo sakin ng dalawa kaya natawa ako .
Pano sabay pa sila.

"Ang init init kaya " tapos nagpaypay ako gamit kamay ko

"Sorry na ,sorry na ,hot kasi ako masyado eh" pacool pa tong si jacob kaya binatukan ko .

"Alam mo bigla akong nilamig eh,baby jackie anlakas nung hangin noh? " tapos binigyan ko si jackie ng look na "Makisakay ka kung hindi wala kang pagkain mamaya" nagets niya naman yun kaya tumango siya

"Oo nga po ang lamig mommy" tapos umarte pa siyang ginaw na ginaw.
Good job baby jackie manang mana ka talaga saken umarte.

"Oh sorry na sorry na ,masyado kasi akong cool" pagkasabi na pagkasabi ni jacob nun binigyan ko ng look si baby jackie na "Batukan mo si tito jacob mo at sabay tayo " nagets niya ulit yun kaya nakatanggap siya ng double batok .

"Aray ko naman ,at sabay pa talaga kayo ha?" reklamo niya tapos kiniliti niya si jackie .
Nakakatuwa lang isipin na ang close niya samin agad samantalang kailan lang namen siya nakilala.

Tumayo siya tapos may binulong siya kay baby jackie tapos nagulat ako ng lumapit silang dalawa saken

"Mommy gusto mo?" inosenteng tanong sakin ni baby jackie

"Gusto ko ng?" hindi ko rin kasi alam kung anong tinutukoy niya eh .

"Neto" nagulat nalang ako ng kiniliti nila akong dalawa. Halos mapahiga na ako sa sobrang kiliti.

"HAHAHAHAHAHA tama na--" napatigil ako sa pagtawa kahit nakikiliti ako ng may naalala ako .

FLASHBACK

"Or else gusto mong?" tanong sakin ni jk kaya sumagot ako

"Gusto kong?" tapos kiniliti niya ako

Dahan dahan kong pinikit ang mata ko,
naramdaman kong umaagos na naman yung luha ko.

"Hey,dana okay ka lang?" worried na worried na tanong ni jacob sakin kaya tumayo ako

"Oo okay lang ako ,may naalala lang" blanko kong sabi sakanya bago ako pumasok sa kwarto ko .

Sinarado ko ang pinto at humiga sa kama

"Akala ko ba forever tayo jk?Akala ko hindi mo na gagawin sakin yung dati?
Bakit mo ako iniwan? No bakit mo kami iniwan ng anak mo? Ganun mo na ba kamahal si andrea? Ganun ba ako kadaling mapalitan sa puso mo" tuloy tuloy na agos ng luha ko ,mukhang hindi na to titigil kaka agos eh .

"Hindi mo man lang ba naisip yung mga pinagdaanan natin jk?Tinapon mo agad? Basura na ba kami para sayo ngayon?" ganun parin yung luha ko mas lumakas lang ang agos nito .

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata kong maga hanggang sa makatulog ako .

Jacob's POV
Bad Move.
Mukhang may naalala si dana sa ginawa namen sa kanya.
Umiiyak siya eh, malamang si jk yun .
Halatang mahal na mahal niya paren yun eh
Pero hindi niya ba nahahalata na gusto ko siya?
Basta gagawa ako ng paraan para mawala yung pagmamahal niya sa jk na yun .
Ako ang papalit sa pwesto niya.
Ang tanga niya para iwan si dana .
At dahil sa katangahang yun ako na ang bagong magmamahal sa kanya
At hindi ko siya sasaktan katulad ng ginawa niya sakanya.
Hintayin niyo lang .

***

Loving Him Forever|| Completed Book 2 Of HCMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon