LIWANAG sa DILIM (SHORT NOVEL)

60 0 0
                                    

Ako si Might, isang babaeng ipinaganak noong Solar eclipse na naganap noong nakaraang taon.May kapatid akong nagngangalang Ley.Kakambal ko siya.At parang may nangyayaring kakaiba sa aming dalawa.

                    ***********TUNGHAYAN ANG AMING ISTORYA AT PAGLALAKBAY************

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 UNANG BAHAGI:

                                                                      "Magkapatid"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

Pagkadilat ng aking mata, kinapa ko ang gilid ng kama,wala akong na naramdaman.Hindi ko nakapa ang init ng aking kapatid na si Ley sapagkat ang init ng kobrekama ang aking naramdaman.Dali-dali ako tumayo at hinanap ang aking kapatid.Hinalubog ko ang sala, ang kusina, ang kubeta at pati ang mga ilalim ng lamesa.

                        "Nasaan na siya ? gusto ko siya makita".

Nagpapahinga ako sandali nang may narinig akong malakas na sigaw malapit sa silid ng aming ina.Dahan-dahang kong ibinukas ang pinto at nasilayan ko ang kapatid kong si Ley, maputla ang kanyang mukha at tila nanginginig sa takot.

"Anong nangyari sayo ?" malungkot kong itinanong."May nangugulo sa isipan ko tuwing ako'y matutulog ! Isang nakakatakot na mukha na tila demonyo ang itsura".kinakabahang sagot niya."Wag mo nalang isipin iyon, tara sabay tayong matutulog ngayong araw.

Habang kami ay natutulog, minamasdan ko ang kanyang mapula nitong mukha nang bigla siyang dumilat.Natawa ako dahil nagulat ako sa mukha niya nung dumilat siya."Oh bakit ka nagising ?"tanong ko sakanya."Ate, may naramdaman lang ako"sabi niya saakin."Ate, hindi ka ba binabangungot ?"."Hindi naman, sa totoo lang magaganda kasi napapanaginipan ko eh".Masaya kong sagot sakanya."Mukhang baliktad tayo ng nararamdaman ate"."Wag mo na ngang isipin iyon! tara matulog nalang tayo."        

                                                                 Natulog kami ng mahimbing....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 2

Pagkasing, magaalas siete na ng umaga.Mahaba-haba ang pagtulog namin.Saganitong oras, pumupunta na ako sa gubat para mangaso ng mga hayop upang makain mamayan hapunan.Ginagawa ko ito isang beses sa isang linggo.Gumagawa ako ng mga bitag upang madaling mahuli ang mga hayop.Nahuhuli ko ang mga usa, mga baboy, mga squirrel at iba pa.

Habang ako'y naglalakad papunta sa gubat, nakita ko ang kaibigan kong si Luke.Kasintahan siya ni Ley."Ms. Might Cricket....San ka pupunta ?"tanong niya saakin."Sa gawing doon papunta sa gubad"ani ko."Mukhang maganda ang araw mo ngayon ah."masayang pagtanong sa kanya."Di naman masyado"."San ka patungo ?"sabi ko."Doon sa bahay nyo Ms. Might."ani nya."oh sya, alis na ako."masaya kong pagpaalam sa kanya.

Mahigit isang oras ang aking paglalakad at doon ko na nakita ang harang na nagbubukod sa mga hayop at tao.Dali-dali akong lumusot sa butas at tumakbo para kuhain ang aking mga gamit sa pangangaso.Kinuha ko ang pana, kutsilyo, mga tali, at iba pang patalim.Tinali ko ang mga baging at pinausli ang patalim upang kung sino ang umapak dito ay tiyak na matutusok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIWANAG AT DILIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon