Family Is Our Forever

132 6 2
                                    


Eh ano kung wala kaming Boyfriend ?

Eh Ano kung mapag iwanan kami ng panahon?

Bakit ang FOREVER ba sa mag boyfriend at girlfriend lang mararamdaman!?

hindi naman diba?
bitter lang ang nag sasabing walang forever!
ilusyon at pantasya lang daw ang forever!

Para sakin at ng kapatid ko!
totoo ang forever!

alat man kami sa pagibig.
pero sa pamilya hindi!
Sa tingin ko alam nyo na kung ano ang forever na sinasabe ko.
kung pamilya ang iniisip nyo.
may tama kayo jan!
Confetti's bigyan ng jacket!

Nagtataka kayo kung bakit pamilya?
bakit nga ba?
actually hindi ko din alam.
pero siyempre joke lang yun.
okay okay last ko na yun pero ito seryoso na ko.

Ang pamilya ang totoong forever para samin.
Sila kasi ang huling taong mang iiwan sa inyo, sila yung kahit na namomreblema ka sa ipang gagastos at ipang babayad niyo sa mga bayarin buwan-buwan mahal mo pa rin at hindi matiis.
Ang taong kahit na anong pagkakamali ang nagawa mo ay mahal ka pa din.
hindi sila naglalaho , pagkaylangan mo sila nanjan lang sila.
Isang mapag mahal at walang sawa at wagas kung maalaga kong nanay at mga pamangking mag bibigay sayo ng lakas ng loob sa oras na nang hihina at tingin mo ay susuko kana.
ang pamilya ko.
ang pamilya namin.
Ay ang FOREVER namen Forever na pag mamahal at pagaalaga sa kanila hindi hindi kami magsasawang ipadama sa kanila yan.

"Ang lalim ng iniisip natin ah. naubusan na tayo ng boyfriend naging bading na lahat"

sabe ng kapatid ko na si jelly .

"Alam ko naman yon, iniisip ko lang kung gaano tayo kaswerte sa pamilya, kahit na malas tayo sa lovelife eh maswerte tayo kila nanay at sa pamangkin natin kay kuya."sabe ko sa kanya.

Matanda ako sa kanya pero mas maganda ako sa kanya hahaha!

"Ay nako ate, talagang swerte tayo sa pamilya. Sinong magaakala na yung broken family ay sasaya kahit na walsng tatay"sabe niya.

Hindi man niya sabihin ay alam kong may galit pa den sya sa pag iwan samin ng tatay namin dati.

"Alam mo pasko na bukas kaya dapat mapatawad mo na si tatay. Ang tagal na panahon na yun eh.."
sabe ko sa kanya.
"Nasa tamang edad ka na kaya matuto ka ng mag patawad. Diba nga ang sabe ko. Hanggat nanjan ang mga magulang dapat pinaparamdam na mahal sila. Iisa lang sila jelly pag nawala sila hindi mo na sila mapapalitan. Kaya sana mapatawad mo na si tatay pasko naman na, pamasko mo na lang ba sa kanya"

Nakangiti kong sabe sa kanya.
"Oh mukang seryoso ata kayong mag kapatid? himala jelly jayce hindi kayo nag kukulitan"

"ulitin mo nga nay yung sabe mo sa pangalan namin?"
Sabay naming sabe ni jelly.
Nag katinginan kami ni jelly at tumawa .

"Sabi ko jelly at jayce."sabe ni nanay.
Lalo kami tumawa.
"Nanay talaga bang pinag isipan nyu ni tatay yung pangalan namin hahaha"
tTanong ko kay nanay.
"Oo hirap na hirap nga ko mag isip ng pangalan niyo eh!"
Sabe ni nanay.
"Talaga nay kaya pala tunog jelly ace yung pangalan namin hahaha"
Tawa ng tawang sabe ni jelly
"Oo nga nay hahaha! Muka ka siguro nay na jelly ace nun no nay?"

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan .
"Kayo talaga, tara pumasok tayo tulungan nyo kong mag handa ng pang noche buena." sabe ni nanay samin.

Ako ang nakamana ng pagiging talentado sa pag lkuluto kaya naman ako na ang tumulong sa kanya.

at bilang si jelly ay talentado sa pag oorganized eh sya na sa pag aayos ng mesa para mamaya.


Forever Do Exist(One shot compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon