Halaga Ng Isang Ama

25 4 2
                                    

Sinong nagsabi na ang ama ang tumatayong padre de familia sa isang tahanan?

Tsk. Para sa akin ay walang kwenta ang sinasabi nila na yan...

Bakit? Saan kayo nakakita ng isang ama na iiwan ang pamilya niya para sumama sa ibang babae?

Saan kayo nakakita ng isang ama na kayang makita na umiiyak at nasasaktan ang anak?

Alam kong mali ang magalit lalong-lalo na sa ama.
Pero masisisi niyo ba ko kung bakit ako ganto?

Kung bakit kulang na lang ay isumpa ko siya.

Hindi dahil hindi niyo alam ang pakiramdam ng maiwan.
---------

"Papa 'wag mo po kami iiwan ni mama ha?"
Saad ng batang babae sa kaniyang ama.

Pero imbes na sumagot ay umupo ito sapat lang para makapantay ang anak.

Niyakap niya ito at saka bumulong sa anak.

"Patawarin mo ko anak, mahal na mahal ka ni papa, tandaan mo 'yan anak, ikaw ang nagiisang prinsesa ng papa."

Bago pa man tuluyan na umalis ay hinalikan niya ang anak sa noo.

"Papa 'wag mo kaming iwan!"
Sigaw ng batang babae at hinabol ang ama, pero di niya rin ito nahabol dahil nadapa ito

--------
Napaadilat ako dahil sa pangit na panaginip.
Bakit ba laging pinapaalala saakin yon?
Kailangan ba laging ipaalala sa akin ang pangiwan ng walang kwentang lalaking 'yon?

Napangiti na lamang ako ng mapait.
Bakit ba iniisip ko nanaman 'yon?

Bumangon na lang ako sa kama at lumabas ng kwarto.

Forever Do Exist(One shot compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon