Online Friend: tunay na kaibigan

14 2 0
                                    

Paano ko ba maipapakita sa kanila na mahalaga sila sa akin kung ako mismo ang nag tulak sa kanila palayo?

Paano ko masaabing namimiss ko na sila sa at gusto Kong ibalik ang dati, kahit na alam kong sirang-sira na kami.

Gusto ko silang makita muli, gusto Kong makasama sila sa masasayang araw nila at bumuo ng mga masasayang memorya na kaming tatlo ang magkakasama.

Gusto kong magpaliwanag sa kanila.

Sana maibalik ko ang panahon na masaya kaming tatlo.
Masayang nagbabahagian ng masasayang nagaganap sa amin sa araw araw.

Ang mga panahong Hindi Sana na tapos, hindi Sana ko Sana tinapos.
~~~~~~

Elai's POV

Masaya akong nakikipag usap sa mga kaibigan ko, beacause after one year nakita ko na sila in person.

Who knows na yung mga online friend ko ay makikita ko ng personal?

Kanina para kaming ewan dahil medyo nagkakahiyaan pa.

Mabuti na lang talaga at Napaka jolly nitong si Sheyie kaya na dala niya Kami.

"Ang sarap palang kumain kasama yung mga kaibigan mo no!" Sabi ni Anafel habang nakain siya.

"Oo nga eh! Hindi pa ako nakakapunta rito actually, ngayon palang at napabilib na ko sa mga pagkain nila dito!" masaya Kong pagsaad.
"Parang gusto ko tuloy na pumunta rito araw araw!" natatawa kong saad.

Nagkatinginan si Sheyie at Anafel saka sabay na natawa.

Nagtataka tuloy ako kung anong nakakatawa sa sinabi ko.

"what's wrong? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Muli lang silang tumawa at ng matapos sila sa pagtawa saka lang sumagot si Sheyie.

"Eh Kasi naman lai yung sinabi mo Kasi nakakatawa eh!" at tumawa nanaman siya.

"Eh ano namang nakakatawa 'dun? Eh talaga naman parang gusto ko ng araw-arawin ang pagpunta rito."

"That's it!" magkapanabayan nilang Sabi.

"Napaka kuripot mo kaya!"

Napa face palmed na lang ako sa fact na kuripot nga pala ako at hindi ako basta-basta gagastos para lang sa pagkain dito.

"Kahit na basta pag may extra akong pera na malaki pupunta ako rito at magbobonding ulit tayo." Sabi ko na lang.

"Sure! Walking distance lang naman to samin eh!" Sabi ni Anafel.

"Yeah right! Ilang sakay lang naman sakin! Kaya kiber na yan ate ko!" Sigaw ni Sheyie kaya naman napatingin samin yung mga tao sa paligid namin.

Nagtinginan kaming tatlo, at ewan ko ba kung paano pero iisa lang ang naisip namin gawin.

Sabay-sabay kaming tumayo at tumakbo.

"Hahahaha! That was awesome!" Saad ko ng huminto kami sa isang park.

"You're right! That was the first time i run that fast!"

"Haaaaaa! Bakit ba tayo tumakbo!"

Tanong ni Anafel.

"Hindi ko alam hahaha!" Natatawang sagot ni Sheyie kaya tinignan ako ni Anafel.

"Hindi ko rin alam! Basta naisip ko lang na tumayo at tumakbo nagulat nga ko at pare-pareho tayo ng iniisip eh."

Naupo kami sa damuhan habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"Pagabi na pala. Maya-maya uuwi na ko at baka hanapin ako samin."

Forever Do Exist(One shot compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon