9: One Less (part 2)

28 7 4
                                    

9: One Less (part 2)

*****

Siegfred's PoV

"S-Sieg, may tao dun sa roof top." Narinig kong sabi ng nakatingalang si Leah.

Sa sobrang galit at pagkagulat ko sa nangyayari ngayon, hindi ako nagdalawang isip at agad na kumaripas papasok ng building. I knew it. Alfred wouldn't have jumped down on his own. Kung sino man yung nasa taas, sigurado akong may ginawa siya kaya nahulog si Alfred mula sa roof top. Sh*t. Mapapatay ko ang taong may gawa nito! Mabilis ang pag-takbo ko pataas ng mga hagdan. Kailangan ko siyang maabutan.

Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas sa open space which is commonly called the roof top. Inikot ko ang mata ko sa buong lugar hanggang sa dumako ito sa isang lalaki. Kitang-kita ko ang gulat mula sa mukha niya. Sh*t. Hindi ko inakalang siya. You've got to be kidding me!

Galit ko siyang sinugod habang nakakuyom ang kamao. "Cheaaan!!"

"Sieg, this is a misunderstanding. I--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla nang dumikit ang kamao ko sa pisngi niya. "What the f*ck!?!" Hinawak-hawakan niya pa ang pisngi niyang sinuntok ko. Pumutok yung labi niha dahil sa lakas ng impact

Hinawakan ko agad ang kuwelyo niya at pilit siyang iniharap sa akin. "What have you done?! WHAT HAVE YOU DONE!!"

"I didn't do anything!"

"Don't give me that bullsh*t Chean. I know Alfred wouldn't jump on his own. What did you tell him huh? What!?! Or better yet, bakit mo siya tinulak!?!"

Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at saka ako tinuhod sa may bandang tiyan. Dahil sa pagkabigla at impact, nabitawan ko siya. Tch. Sinundan niya pa ito ng sipa sa pisngi ko. Tuluyan na akong napaupo sa sahig ng rooftop.

"P*tang*na naman Siegfred!" Nanlilisik ang mga mata niya. "Wala kang ebidensiya na may ginawa nga ako kay Alfred. Don't go pinning the blame on others dahil nanyari ang ginawa ng kapatid mo nang dahil na rin sa kapabayaan mo!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Sh*t. Hit a sore spot.

"Kung sana mas nakausap mo siya! Kung sana mas inintindi mo siya! If only you've reached out to him enough!" Hinihingal na siya dahil sa galit. "Siegfred, hinding-hindi ko magagawa ang inaakusa mo sa akin. Because there is nothing more fearful than losing an important friend."

"Anong nangyayari dito?" Napatingin kaming pareho papunta sa entrance ng roof top kung saan nanggaling ang sigaw. "Siegfred Florendo, Chean Rebentura. Come with me to the office now!"

Tumalikod na siya at naglakad pababa. I stood up and quietly followed. Nakayuko ako at ni-hindi man lang tumitingin kay Chean. What have I done?

Hindi ko pinag-isipan masyado kung ano yung mga gagawin ko. Nandilim din ang paningin ko kaya nakasakit ako ng tao na wala naman pala talagang kinalaman. Sila kasi ang kahinaan ko eh. Ang mga kapatid ko.

Mabuti na lang at dumating si sir del Valdez. Kung hindi, who knows what else I could've done.

*****

"Chean, Sieg, napa'no kayo?" Nag-aalalang tanong ni Leah nang makita niya kaming palabas ng building. Putok kasi ang labi ni Chean habang napakarumi naman ng damit ko.

"Ask him." Turo ni Chean sa'kin.

"Ano bang nangyari?" Baling ni Leah sa'kin.

"It was a misunderstanding."

"Psh. Misunderstanding my ass." Pagsingit ni Chean.

"Nagbugbugan sila sa may rooftop." Sir del Vadez spoke up. "Ano bang nangyayari dito?"

"A-Alfred fell from the roof sir." Nag-aalangang sagot ni Leah.

"What?!" Sir was shocked. "Ayos lang ba siya?"

Miski ako ay napatingin kay Leah nang tanungin siya ni sir. Please Leah, sabihin mong ayos lang siya.

Ngunit taliwas sa inaaasahan ko, dahan-dahan siyang napayuko at umiling. Sh*t. "He passed away, just a few minutes ago."

Napasabunot ako sa sarili ko. Ba't ang tanga-tanga ko? I was so blinded with revenge and anger and pent up frustrations that I forgot my own brother. Sana.... Sana man lang nando'n ako sa mga huling sandali ng buhay niya.

"Nando'n na si Mrs. Florendo. Hinihintay ka." Leah said.

Next thing I knew was I was running like hell with tears streaming down my face.

*****

Hindi ko mapigilang mapaluha habang tinitingnan ang walang buhay na katawan ng kapatid ko habang buhat-buhat siya ng ilang lalaki papasok sa isang ambulansya. Tumawag na kami ng mga tao na magdadala sa kanya sa morgue. We've also called in the forensics team, just in case. We have to look at every possible angle dahil baka ang nangyari kay Sania, and this, is somehow connected. Mom skipped work. Nagtaka raw kasi siya sa inasal ni Alfred nang nakausap niya ito sa telepono. She knew something was wrong. But she never expected to find her son lifeless when she arrives.

"It is clearly suicide." Maya-maya'y narinig kong sambit ng isang pulis na kausap ni mama. Mas lalo namang humagulhol si mama.

I can't believe it. Alfred's strong willed. He's determined and probably the most persevering sa aming tatlo. He wouldn't lose to any problem. Sure, he always looked bothered these past few days, pero alam ko na hindi siya magpapatalo sa depression. There must be something. Something to prove that he didn't commit suicide. They must be missing something!

"Kuya." Lumapit sa akin si Wilfred. Dugo-duguan siya dahil sa pagkalong kay Alfred. Siguro tulad ko, hindi rin siya makapaniwala sa nangyayari.

"Kuya, Alfred wants us to stop someone." He spoke up. "Bago siya malagutan ng hininga. He said, pigilan niyo siya. Kuya do you think, do you think alam niya kung sino ang pumatay kay Sania? And he was killed because of it? At-- at mukhang hindi pa titigil ang may kagagawan nito kuya. What's gonna happen to us?"

"Wil, hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo pero, let's just accept that your brother has died. Please don't make this complicated. I just want my son to rest now." Biglang singit naman ni mama.

"But mom!" sigaw ko. "Hindi ko 'to mapapalampas. Alfred he's, he's....." Napayuko na lang ako. I wanted to say kung gaano siya kaimportante at kung gaano ko siya kamahal but words won't come out.

"Please? For me?" Walang ibang nagawa si Wilfred kundi ang tumango. Pero ako, hindi. Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayan na hindi siya nag-suicide. Somebody did this to him. I'm sure of it.

That's how the Story GoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon