2: Cross Academy Association of Students (CAAS)
*****
Punong puno ng mga maiingay na estudyante ang hallways ngayon. Pati ang mga kubong nagsisilbing tambayan ng mga estudyante ay punong puno din. Lunch break na kasi kaya't karamihan sa mga estudyante ang patungo sa canteen. Yung iba naman na hindi na nagkasya sa loob ng kantina ay naghanap na lamang ng lugar kung saan maaaring makakain ng tahimik.
Ikalawang linggo ko na sa lugar na ito pero parang wala pa ring nagbabago. Nando'n pa rin ang mga kakaibang tingin na ibinibigay saakin ng mga estudyante. Wala rin akong masyadong makasama dahil nga baguhan pa lamang ako dito. Bukod sa maingay na si Chean ay wala pa akong ibang nakikilala. Nakakapanibago nga't parang iniiwasan ako ng mga estudyante rito. Doon sa dati kong school ay agad nila akong nilapitan unang araw pa lamang ng paglipat ko.
Marahan akong napatingin sa paligid. Hindi naman pala gano'n kasama ang hitsura ng school na 'to. Sure, luma na ang lugar pero may mga bagay pa rin na nagpapaganda rito. Katulad ng mga puno at mahahalimuyak na bulaklak at ang fresh na hangin. Kinagat ko ang sandwich na nabili ko. Meron pa palang isa. Masasarap ang mga pagkain nila dito. Muli kong nilasap ang simoy ng hangin. Napahawak ako sa railings nang makita ko kung gaano kataas ang kinalalagyan ko ngayon. Nasa rooftop kasi ako.
"Nakabalik na pala siya?" Narinig kong sabi ng isang babae na nakaupo sa may kabilang bakod.
"Sabi nila." Sagot naman ng kasama niya.
"I wonder kung kailan siya nakalabas. Grabe yung nangyari sa kanya 'di ba?"
Napaisip ako dahil sa pinag-uusapan nila. Sino kaya ang sinasabi nilang nakabalik na?
"So can we safely assume that the school is gonna be troublesome again?" Pagsisimula ulit nila.
"Yeah. And this time, we can expect twice the trouble. Narinig ko kasi na may bagong student. Some say she's pretty and a lot says she's a bitch." Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang sagot niya. Gusto ko sanang ikuyom ang kamao ko kaso, sayang nung sandwich.
"Excuse me lang ha?" Sabi ko nang makalapit sa kanila. "Are you talking about me?"
Agad silang napailing bilqng sagot sa tanong ko. Kitang-kita rin ang pagtagaktak ng pawis sa mga noo nila. Natakot siguro.
"Good. Cause girl, I can't stand anyone who calls me a bitch. Me? A bitch? Please. The word doesn't even come close to describing me." Tumalikod na ako sa kanila saka naglamad palayo. "Enjoy your snacks bitches!"
Maski ako ay naninibago paminsan minsan sa mga ikinikilos ko. Hindi naman ako ganito dati eh. Marunong naman akong rumespeto. Well, I guess people do change.
*****
Napatingin ako sa babaeng naglahad ng kamay niya sa harapan ko. Nakangiti ito at kitang kita ko ang dimple sa magkabila niyang pisngi. Her smile is so charming. Napaka-puti din niya at wala man lamang kahit anong flaws sa kanyang mukha. She's so, perfect.
"Hello. My name is Jenny Eurold. Nice to meet you." Masiglang pagpapakilala niya sa'kin. I hesitantly shook her hand and smiled. Napakalambot ng kamay niya.
Matapos niyang makipag-kamay ay umupo siya sa tabi ko. Wala kasi si Chean ngayong hapon. Basketball practice daw sabi niya kanina. Ayos na din yun at walang makulit.
"Hindi ko inaasahan na pagbalik ko ay may bago na akong classmate. Na-hospitalize kasi ako ilang weeks na ang nakararaan." Nakangiti niyang saad. Bigla namang bumalik sa alaala ko ang pag-uusap nung mga babae kanina sa rooftop. Siya kaya yung pinag-uusapan nila? I suddenly had the urge to ask her what happened pero meddling with somebody else's business is so not me.
BINABASA MO ANG
That's how the Story Goes
Misteri / ThrillerIt becomes something else when Death is the only escape. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Eleahnor Csandra Welsch has been followed by badluck ever since she can remember. Her seemingly troublesome life takes a turn for the worst when she transf...