Jc's POV
"Elezalde's daughter.Brianah Crystal Elezalde"
Pakiramdam ko lumundag ang puso ko ng marinig yung sinabi ni daddy.Ewan siguro hindi naman.Guni-guni ko lang
"What are you talking about?"
"Arrange marriage kayo" weh di nga?
"How come? Dad naman"
"Wala na tayong magagawa.Kinausap kami ng mommy mo ng mga Elezalde.They said na kung magpapakasal kayo ng anak nila,kayang-kaya nilang ibalik ang mga nawalang investors natin at tataas at sisikat ulit ang kompanya natin kasabay ng kompanya nila.Pero hindi magkalaban kundi magkasamang kompanya.In short,magme-merge ang kompanya natin.Anak,ito na lang ang choice natin.Ayokong tuluyang masira ang kompanyang pinaghirapang ipundar ng Lolo at Lola mo.Kaya mga inutusan kitang makipag-break kay Brenda.Kasi alam kong one of these days,mangyayari toh.Sana maintindihan mo kami anak.Anyway,inaayos na ng mommy nyo yung engagement party nyo"
"Kung yan ang ikabubuti ng kompanya,sige.Pumapayag na po ako" ngumiti naman si dad
Pumunta ako sa kuwarto ko dito sa mansion at humiga sa black and white na kama ko.Habang nakahiga,nakatingin lang ako sa kisame nang mag-beep ang phone ko
From: Brenda (Ex-girlfriend)
Meet me at Sweet Blue Chiks coffee shop.Pag nakabalik ka na dito sa Manila.That's all Jc .I love you.I still do and I will always do
Pagkabasa ko ng text.Nakaramdam ako ng awa para kay Brenda.Guys,may sasabihin ako sainyo.Alam nyo ba na atracted ako kay Brianah? At alam nyo rin ba na di ko na mahal si Brenda? Yeah.Hindi ko alam kung papano.Basta nagising nalang ako na wala na akong nararamdaman para sakanya
*tok tok*
"Pasok.O dad? What are you doing here?"
"Magbabakasyon dito ang mga Elezalde for 1 week.I mean,sina Jeniva at Henry 1 day lang daw dahil madami silang ginagawa sa Ibang bansa kaya nga kahit ang unica ija nila minsan lang nila makasama sa bahay eh.At maya-maya,andito narin ang mga yun kaya I want you to treat their daughter specially "
"Ok dad"
Pagkasabi nya nun,umalis na sya at bumalik sa office room nya
Kung mapapansin nyo,hindi kilala ni dad si Brianah samantalang dapat kilala nya dahil Ex ko si Brianah 4 years ago.Right? Hindi ko kasi nagawang ipakilala si Brianah sa parents ko before dahil lagi silang busy sa business namin.Kaya hanggang sa mag-break kami.Si Brenda lang yung naipakilala ko
"Sir andito na po ang mga Elezalde.Bumaba na raw po kayo sabi ni Sir Arthur" sabi ng isang katulong namin.Kinabahan ako sa narinig ko
"S-sige.Pakisabi susunod na ako"
Habang pababa ng pababa ang paghakbang ko,pakaba rin ng pakaba ang kabog ng dibdib ko
Pagbaba ko nakita ko si Mom,Dad at sina tita--maam Jeniva at sir Henry.Oo guys kilala ko sila at kilala nila ako.Kasi nung naging kami ni Brianah,pinakilala nya ako sa parents nya
Dumiretso ako sa inuupuan nina dad at mom tsaka umupo sa tabi nila.Wala pa naman si Brianah
"Brianah,will be back in a minute.Nasa labas lang sya"sabi naman ni Ti--Maam Jeniva
"Yeah.But its also okay kung susunduin mo sya at magkasama kayong pupunta dito" suggestion naman ni Sir Henry
"Oo nga.Jc,follow her" utos naman ng mom ko
Tumingin ako kay dad.Tumango lang ito.Kaya sumunod ako.Hinanap ko sya at napadpad ako sa garden at dun ko nakita si Brianah na na may kausap sa cellphone.Umupo ako sa bench na nasa likod nya at inantay syang matapos
BINABASA MO ANG
Better Than Revenge Of Ms.Simple (On-going) #wattys2016
FanficLong time, i waited for the right one. But when he arrive, i thought that he's the one sent from above. But I was wrong. Its not destiny, but it's just only a false alarm. The man I thought who will love me till the last day, was the man who broke m...