Chapter 4: Crow

24 0 0
                                    

[Drina's POV]

"Ma" tawag ko kay mama. Ngayong araw kasi ako madidischarge.

"Sigurado ka bang, wala ng masakit sayo, Drina?" Tumango ako at ngumiti kay mama na bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Ma, wag na po kayong umiyak." I said tsaka ako lumapit then I hugged her. Humagulgul naman si mama, kaya hinagod ko ang kanyang likod para tumahan siya. Seeing her crying makes me sad. Ayokong makita siyang malungkot o umiiyak man.

"I don't know what really happened, Sweety. Saan ba ako nagkulang? Bakit nila ginawa sa iyo ang bagay na yun? I raise you to protect you, anak. Pero wala akong nagawa." She said at humagulgul ulit siya.

"Sweety, we're going to abroad, okay?" Napatigil ako sa sinabi ni mama. No, hindi pwede. Hindi pa ako nakakaganti sa mga taong bumaboy saakin. Kailangan nila iyon pagbayaran.

Sa mundong ito, wala ng libre. Lahat may kapalit. At ang ginawa nila saakin, ay pagbabayaran ng buhay nila.

"No ma. I don't want to go to Abroad." Napanganga si mama sa aking sinabi.

"What do you mean, Drina? All they've done to you? Okay lang sayo yun?"

"No, ma. Hindi okay saakin yun. Just..." napapikit ako sa sobrang inis at galit ang nararamdaman ko. Hindi ko pwedeng ibunton ang galit at inis kay mama. She's my mother. Hindi ko kayang magsalita ng ikakalungkot niya.

"May plano po ako. Please ma. Support me for this. It will be the last. Then once I've done with my businesses here, we'll go together to abroad for good." I said. Nagbuntong hininga na lamang si mama tsaka ako nilapitan.

"Okay, sweety. If that's what you want. I will wait for that time. Let's go home."

***

Nilapag ko ang mga gamit ko sa kama ko. Nandito na ako kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago ako nagpalit ng pambahay.

Bumuntong hininga ako. "This is not me." Sabi ko sa sarili ko. How can that idea came up to me? Bakit ko naisipang maghiganti? Hindi ko ugaling maghiganti sa mga taong may nagawang mali saaki. But, sobra sobra na kasi eh.

Naramdaman ko naman ang mainit na likidong lumabas galing sa aking mga mata. Pinahid ko ito tsaka tumagilid at ipinikit ang aking mga mata ng mariin. Pagmulat ko, nakita ko ang itim na libro.

Umupo ako galing sa pagkakahiga ko at kinuha ang itim na librong nakapatong sa study table ko. Tinitigan ko itong mabuti.


"Ano bang meron sayo? Bakit ba nakakacurious ka?" Mukha na siguro akong baliw kasi pati ang libro, kinakausap ko na. Ibabalik ko na sana ang libro sa study table upang matulog at bukas nalang sana babasahin ng biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko.

At dahil sa gabi na, mahangin sa labas. Kaya pumapasok ang malamig na hangin galing sa bintana. Inilapag ko sa kama ang libro tsaka tumayo upang isara ang bintana. Nakakapagtaka lang kasi, nakalock naman yun kanina. O baka naman hindi ko nalock? Ay ewan ko.

Babalik na sana ako sa kama ko upang matulog. "Shit." Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat ako dahil nakabukas ang libro. Tatakbo na sana ako palabas ng may marinig akong kumakatok sa bintana. Unti unti akong lumingon dahilan ng pagkabigla ko.


"Kyaaaah!" Napanganga ako dahil sa itim na uwak na tila nakikipagtitigan saakin. Shit, hindi dapat ako matakot kasi isa lamang itong itim na uwak. Pero kakaiba ang titig niya sa akin. Tila may gusto siyang iparating. I don't know. I don't know what to do! It's driving me crazy!

Pumikit ako ng mariin. At tsaka bumulong. "This is not true! Drina, wake up! Your dreaming!" Dumilat ako ngunit walang nangyari.

Lalo pa akong natakot ng katukin ng itim na uwak ang bintana gamit ang kanyang bibig. Wtf! Am I dreaming!? Can someone wake me up!? Argh, I this feeling.

"Ano bang kailangan mo!?" Sigaw ko sa uwak. Alam kong nagmumukha na akong baliw ngayon. Una kong kinausap ay ang itim na libro, ngayon naman ay isang itim na uwak! Ano bang nangyayari saakin? Epekto ba ito ng mga gamot na ininum ko kanina? Is this hallucination? Argh!

Nabunutan ako ng tinik ng ito ay lumipad paalis. Hayy, nababaliw na nga ako.

"Kyaaaah!!!" Wtf!? B-bakit nandito sa loob ng kwarto ko ang isang itim uwak na nasa labas ng bintana ko kani-kanina lang!!?

"Paano ka nakapasok dito!?" Nagpalinga linga ako, ngunit sarado lahat ng bintana at pinto na maaari nitong pasukan.

Lumipad ito patungo sa kama ko. Sa tapat mismo ng itim na libro. Ewan ko pero there's this feeling na nagsasabing huwag akong matakot sa itim na uwak.

*kakaaaah* (yung tili ng uwak.)

Tinuka niya ang libro tsaka tumitig saakin. Is he want me to flip the book? Kaya lumapit ako sa kama ko. Eh sa hindi nga ako natatakot. Kinakabahan lang. Magkaiba yun.

Kinuha ko ang libro at dahan dahang binuklat. Tumambad saakin ang first page na may nakasulat na Death List. Ewan ko ba pero, mukhang dugo pa ang pinansulat dito.


Inilipat ko ulit sa kabilang pahina. Mga pangalan. Bawat pangalan ay may guhit. "Anong ibig sabihin nito?" Nakarating ako sa pinakadulo.


"2015." Basa ko. Hindi ko alam kung paano ito lumitaw dahil kanina, wala naman ito doon.

"Mayroon pala nito?" Nacurious ako kaya kumuha ako ng ballpen sa drawer ng study table ko at nagsimulang magsulat ng mga pangalang lumapastangan sa aking pagkatao.

Nang matapos na ako, humuntong hininga ako. Mali. Mali ito. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Pinunit ko ang pahinang pinagsulatan ko ngunit hindi ko ito mapunit. What kind of paper is this? Bakit ganito? Binura ko nalang ang mga pangalan ngunit tila naubusan na ng tinta ang ballpen ko.

"Ano ba naman 'to?" Napatingin ako sa orasan. What the!? 3:04am na? Umiling ako at tsaka pumikit. Sinarado ko ang itim na libro tsaka pinatong sa study table ko. Bumuntong hininga ako tsaka humiga.

"Bahala na."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon