[Drina's POV]
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Napatingin ako sa paligid ko. Puro puti. Ospital. Nasa ospital ako.
"Anak? Anak!!" Narinig ko ang sigaw ni mama.
"Dok!!! Dok! Nurse, ang anak ko!!" Agad naman dumating ang mga nurse at doctor at tinignan ang mga mata ko.
"Dok, ano po? Is she okay? Is my daughter okay?" Nag-aalalang tanong ni mama sa doctor na tumitingin saakin.
"Yes, ma'am. Maayos na naman ang kanyang lagay." Sabi ng doctor.
"Anak? Anak?" Yugyog ni mama. Aray ulo ko.
"Dok? Bakit hindi siya sumasagot?"
"Ma'am, maaaring natrauma ang iyong anak dahil sa nangyari sakanya." Nangyari? Kanino? Saakin? Bakit nga ba ako nandito?
"Ma, what happened to me?" Napatigil si mama at tsaka umiyak sa harap ko.
"Anak." tsaka yumakap saakin si mama habang umiiyak.
"Ma'am, we better leave you now." Tsaka tumango si mama at nagpasalamat sa doctor at nurses.
"Wala ka bang naaalala anak?" Hinawakan niya ang aking kamay and she squeeze it.
"Ma, I'm sleepy." ewan ko ba, at lalong umiyak si mama. Seriously, wala akong naaalala. Kung paano ako naadmit dito sa ospital. Ewan ko. Gusto kong matulog. Gusto kong maalala ang nangyari saakin. I want to know. At ng antukin ako, I take the chance.
"Okay. Just rest, okay? Wag mo ng piliting alalahanin kung ano man ang nangyari saiyo. Mas mabuti ng hindi mo maalala." She said bago ako makatulog.
***
Anong ginagawa namin dito sa lugar na 'to? Parte pa ba 'to ng school? Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako nina mommy.
"N-na-nasa-an a-ako?" I manage to say eventhough I still feel the pain in my stomach. Ang sakit talaga kaya napahawak ako sa tiyan ko.
"Hahaha! Ohmygosh talaga. Halata ngang nerd ka at hindi mahilig mag-gala. But don't worry, we're still at school." Sabi niya ng nakangiti.
Babangon na sana ako sa pagkakahiga sa malaking puno na 'to para sana umuwi na nang suminyas si Samantha kina Clyde, Dylan and Drake.
Tutulungan siguro nila akong makatayo
Pero, hindi. Dahil paglapit nila saakin, imbes na tulungan akong makatayo, itinali nila ang aking kamay at paa sa may ugat na puno.
