[Kinabukasan]
"Okay, class dismissed. Good bye class, see ya'll." Tumayo na kami at nagpaalam. Hayy, salamat, natapos na! Hindi ko kinakaya ang calculus! Tae! Makauwi na nga.
Palabas na ako. Ng mag-isa. Hehe, wala kasing gusto makipag-kaibigan saakin kasi isang hamak lang akong nerd. Like wtf. Ano namang connect kung nerd ako at sila hindi? Nangangain ba ako? Hayy!
Naglalakad na ako sa bandang hallway kung saan punong puno ng mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa.
Loner na naman ako. Kailan ba ako makakahanap ng kaibigan? Yung totoo. Hayy.
"Hoy nerd." Sigaw ni Samantha. Alam kong ako yung tinatawag niya. Sino pa ba? Ako lang naman ang lagi niyang binubully.
Hindi ko nalang pinansin, tsaka nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.
"Hoy, nerd na nagngangalang Drina!" Nakaramdam ako ng sakit at basa sa likuran ko. Nagiging hobby na niya yata akong batuhin. Last year, spaghetti ang tinapon niya sa pagmumukha ko. Ngayon naman bottle with water ang binato niya sa likod ko. Ano naman ang susunod!?
Lalakad na sana ako ulit para umiwas nalang sakanya. Lagi nalang kasi. Wala na ba siyang ibang makita na pwede niyang pagdiskitahan? Parang ako yata ang paborito niyang pagtripan! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw din na hindi ako napapagtripan ng babaeng 'to!
Nakaramdam ako na lumalapit siya saakin. Lalakad na talaga sana ako ng bigla niyang higitin ang buhok ko. Kaya napa 'aww' ako.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ako nabibwisit sa pagmumukha mo, Drina. Pero nag-eenjoy akong pagtripan ka." Sabi niya tsaka niya ako sinampal. Grabe na talaga. Hindi ko na kaya. >_< argh!
"Tama na, please." Pagmamaka-awa ko sakanya. Yung mga tao naman, tumigil pa sa kani-kanilang mga gawain para maki-tsismis sa ginagawa nitong Samantha na 'to saakin. Mukha ngang nag-eenjoy pa sila.
"Samantha, tama na. Masakit na eh!" Pagmamakaawa ko sakanya.
Nginitian niya lang ako na parang tanga. Akala ko titigilan na niya ako dahil bigla niyang binitawan yung buhok ko. Aalis na sana ako ng bigla niya akong tinulak kaya napaluhod ako.
"Aray!" Bigla niya ako piniringan tsaka tinali ang dalawa kong kamay.
Holy sh*t! Ano naman kayang trip 'to! Hindi na maganda ang kutob ko rito! Iba na 'to! May nalalaman na sila na ganito!!
"Dalian nyo." Sabi niya. Magwawala na sana ako ng may bigla akong maramdaman na sakit sa tiyan ko and evrything went black.
--
*Splash*
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng basa.
"Ayan, gising ka na, Drina." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Medyo blur pa ang nakikita ko kaya pumikit ako ulit tsaka dumilat. Nakita ko si Samantha na, nakatayo sa harap ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Anong ginagawa namin dito sa lugar na 'to? Parte pa ba 'to ng school? Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako nina mommy.
"N-na-nasa-an a-ako?" I manage to say eventhough I still feel the pain in my stomach. Ang sakit talaga kaya napahawak ako sa tiyan ko.
