Anonymously 2

21 1 1
                                    



Be nice but never be too soft.. Straight tress are cut first. -Krishan Pandley

---

「Eira」

Huminto ang sinasakyan naming limo sa tapat ng isang mukhang pang-sosyal na coffee shop.

Uhhg, not again. Enough with the pa-sosyal please.

Habang pumapasok kami sa loob ng shop ay hindi ko mapigilang hindi samaan ng tingin si Torie. Tinaasan naman niya ako ng kilay nang mapansin niya ito.

"Enough of the glaring, dear. You know me. Isa pa, I will be the one to pay kaya be a good girl, kay?" at pi-nat niya pa ang ulo ko na parang aso

Dahil sa ginawa niya ay mas tumalim lang ang tingin ko. I really want to karate chop her. Like seriously. Pero mas pinili ko na lamang ang itikom ang bibig at matiwasay na sumunod sa kanyang likuran.

Umupo kami sa isang vacant table na nasa gitna and obviously, si Torie ang may kagagawan nito and obviously, masyado kaming nakaka-agaw ng atensyon!

Madami ang napapatingin at napapasulyap sa direksyon namin ni Torie. I even caught a bunch of male monkeys staring/checking me out. Sinamaan ko sila tingin, to be precise, it was a deathly glare. Kaya ayun, wala silang ibang choice kundi ang umiwas ng tingin.

Hah! They should be or else patay sila sa akin.

"You're scaring away men, Eira. Don't be too mean on them." Torie commented while giving out a hearty chuckle

I snorted. "The fuck? Aww---!" asik ko nang sinipa niya ako sa ilalim ng mesa

"What was that for?!" pagpapatuloy ko habang pinanlalakihan siya ng mata

"NEVER EVER SAY THAT IMMORAL WORD IN PUBLIC AGAIN. NEVER. EVER."

Tsk. Talk about over dramatic.

I rolled my eyes heavenwards. Di ko na siya sinagot at tinawag na lang ang waiter. Para naman itong tuta na lumapit sa kinaroroonan namin.

"Good day, madams. What would be your orders?" magalang na tanong nito pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang kamay

Pffft--- Call me mean or whatever it is, pero gusto ko talagang matawa. Halata naman kasing hindi mapakali ang waiter na 'to samin ni Torie. In-short, he's damn nervous.

Palihim na naman akong sinipa ni Torie sa ilalim ng mesa kaya awtomatik akong napatingin sa kanya. She was giving me that dont-you-dare-make-fun-of-this-dude look.

Yeah, yeah. Whatever.

Torie smiled seductively towards the waiter and this made him blush. Like eww. Naloloka ako rito ano! I want to laugh hard while rolling on the floor because of the scene that's playing before my eyes.

"I'll have this Caesar's cheese cake and a hot coffee, please." Torie said

Dali-dali naman itong inilista nung waiter. Pagkatapos ay, liningon niya ako na kanina pa tahimik at naka-poker face ang mukha.

Mukhang nalunok niya 'ata ang dila niya dahil pansin kong para siyang nateteme sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. Mukhang nagtagumpay 'ata akong i-awkward siya.

Hehe, paano ba naman, sobrang seryoso ng mukha ko habang tinititigan siya. Yung walang ngiti-ngiti at expressionless pa ang mga mata.

"A-aahhmm.. Ho-how about you ma'am? What would you like to order?" sa wakas ay tanong niya

Anonymous PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon