4

204 11 1
                                    

~~~~4~~~~

Genesis POV

Pagkatapos namin kumain ng lunch, Chrizza, the kids and I went on a little road trip.

Ginamit namin yung kotse ko.

Una kaming pumunta sa bahay nina Chrizza kaya pinapasok muna niya kami para makapagempake siya.

Nagtatakbuhan yung magpinsan sa may sala, hinayaan ko lang sila but still I’m keeping a watch on them, baka makabasag eh.

My eyes wander around Chrizza’s living room. May mga nakita akong photo albums sa glass table doon. I suddenly got interested, kaya kumuha ako ng isang photo album at sinimulang buklatin yun.

Mostly lang naman na nakita ko doon yung mga pictures niya sa mga tourist spots sa iba’t ibang bansa. Mahilig nga talagang magtravel tong babaeng to.

Hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako nakangiti dun sa mga pinapanood ko. Chrizza’s just so carefree, happy, playful and beautiful.

Then I reached the last page na merong picture. May mga space pa for new pictures, compilation siguro niya ng mga travels niya to.

Sinuri ko na ulit yung mga litrato, and they gradually looked familiar...

Napangiti ulit ako sa mga nakita ko. Paanong hindi magiging pamilyar yung mga litrato eh ako yung kumuha nun sa Tennessee. So I think that was her last out of the country travel. Saan kaya yung binabalak niyang susunod na pupuntahan? Yayain ko kaya siya sa France? Or sa Italy?

Teka? May karapatan ba ako? I waved off the idea.

Nabalik ulit ang pagtingin ko sa huling page nung album. Napako yung tingin ko dun sa ibabang part.

Ilang beses na ba akong napapangiti nitong photo album na to?

Paanong hindi ulit ako mapapangiti? Yung picture namin ni Chrizza yun nandun, yung picture namin dati sa may lake dun sa Centennial Park.

At isa pang ikinatutuwa ko, etong picture lang ang nakita kong may kasama siya sa album na to, tapos ako pa?

Hay! Bagay pala talaga kami. Ang sarap lang ipakita sa kuya ko. T-Teka? Para ano?

Nilingon ko yung magpinsan at nandun lang pala sila sa kabilang couch across me. Nanonood din ng mga photo album. Kelan pa sila nakabalik dito? Nagtatakbuhan lang kanina ah.

“Is thisssh Ninang Gowgeoush kuya?”-tanong ni Sophie kay Todd

Napalipat naman ng tingin si Todd mula sa album na bina-browse niya dun sa tinatanong ni Sophie

“Yeah, when she’s still a little kid like us”-sagot naman ni Todd

Ah baka yung pictures ni Chrizza nung baby siya. Hindi pwedeng hindi ko makita yun. Isusunod ko yun mamaya

“Kuya, who issh thissh boy beshhayd ninang?”-tanong ulit ni Sophie

Boy? Sinong boy?

Tinignan ni Todd and he just shrugged showing no idea who might that be.

“Sophie, can I see it?”-pagsingit ko sa panonood ni Sophie.

Nacurious ako sa boy daw na katabi ni Chrizza.

Pinakita naman niya sakin... and I thought namamalikmata lang ako pero hindi.

“T-that’s me”-gulat at nagtataka kong sabi

Bakit kami may picture ni Chrizza nung bata kami? Bakit hindi ko matandaan. Based on our looks in the picture mga 4-5 years old kami. Were we playmates before? Close ba kami? Pero bakit wala talaga akong matandaan? Does she know this?

I Dare To Play (GeneChriz' Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon