ISWAR

2K 65 30
                                    

Yeeeh! Ito na Ky! :*
@Heyitskylaxcx

First one shot story na sinulat ko dito sa account ko na to. Pero honestly marami na akong nagawa sa iba kong acc. Kaya try ko ulit ngayon.

Enjoy reading. :*

✏---------------------------------------------------------------------

*Her POV*

"Please! Sige na daughter in law! Samahan mo na si Law sa Mall please!" Tita said in pleading tone. Ghad! Ano na naman tong naisip ng nanay ng kuluggong yon? At wait.... teka... Daughter in law daw?

No way in my dead gorgeous body na papatol ako sa lalaking yon noh!

"Ah Tita eh kasi po--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumitaw ang nanay ko galing sa kasuloksulokan ng Pluto.

"Segi na Kyla. Samahan mo na ang kinakapatid mo." Seryosong Sabi ni mom.

"Kyaaaaah!! Hahaha mare! Sige pa! Tulungan mo ako dito kay Daughter in law. Masyado kasing pakipot!" Bulong ni Tita kay mommy at sabay pa ang mga itong humagikhik.

"Oo nga mare! ewan ko ba dito sa anak ko! Bulag ba O sadyang pakipot lang! Naku! Ki-gwapo gwapo ng ina-anak kong yon at tinatanggihan niya ang grasya?" OA na sabi ni Mom sabay hawak nito sa noo na parang nastre-stressed. Ano namang tinira ng nanay kong Ito?

"Syempre namin mare! May pinag-manahan eh. Ito ngang so Kyla ang ganda gandang dalaga! Sadyang mabagal lang talaga ang anak ko." Sabi ni Tita.

Like hello? Sige mag-purihan kayo diyan! As if na wala ako dito.

"Oh siya Kyla mag-bihis ka na at Samahan mo na si Lawrence mamasyal sa Mall magpre-prepare pa kami para sa birth day niyong dalawa." Pag-tataboy ng mommy ko sa akin. Sa ganda Kong to ay tinataboy pa ako ng ng nanay ko?

Napalingon kami ng biglang pumasok sila dad at Tito. Nandito kami sa bahay namin. Nagdecide kasi sila mom na gawing isa ang party ng birth day namin total daw at mag-kapit bahay lang kami at mag-bestfriend pa ang both parents namin.

Naka-pout na lumapit ako kay dad. "Dad si mom oh! Binubugaw ako sa tipaklong na Lawrence na yon." Pag-susumbong ko Kay dad. Ngunit imbis na kampihan ako nito ay ngumiti Lang Ito ng nakakaloko at walang kataposang panunudyo Ang naabot ko dito.

"Naku ang princessa ko dalaga na." Ngisi Ngisi Lang si Tito at nakisali na rin sa panunukso sa akin. Gah! Ano ba naman tong mga taong naka-palibot sa akin?

"Bahala nga kayo diyan. Mag-papalit Lang ako." Paalam ko sa kanila.

"Yeeeih! Excited sa date nila ang princessa namin!" Tukso ni mom na ikina-asar ko at the same time at ikina pula ko.

"Stop it mom." Sabi ko kay mom at umakyat na sa hagdan.

Oo. Nga pala.. My full name nga pala is Kyla Rein Anderson. Magse-seventeen na ako ngayong gabi. Sixteen pa ako ngayon dahil 7:32 pm ako lumabas mula sa sinapupunan ni Mom. Oh ansabe niyo? alam ko no?.

At Yong tinutukso nila sa akin ay si Lawrence childhood Frenemy ko. Simula ipinanganak ata este Simula ata nong fetus niya pa yon ay trip niya na talaga akong asarin. Kung makatawag sa akin ng pangit wagas! Abat tong mukhang diyosang to pangit? Sinong niloloko niya? Si Santa Clause!?

Nag-suot Lang ako ng dress na pink na may black na rebbon sa gilid nito at pink na doll shoes. Bumaba na ako at ng pumunta ako sa sala ay agad Kong napansin ang isang lalaking likod palang ay siguradong may istura na, may ganun? Kung Hindi ako nag-kakamali.... Hindi nga ako nag-kamali ay ng lumingon Ito at ngumiti sa kanya ng mapang-asar na inkinasimangot ko naman. Tch!

It Started With A Revenge (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon