Chapter 1"#BIWASMeetNewSlaveAndMeetBTS"

1.8K 38 0
                                    

"Dalian mo naman ayusin yang damit mo ayu! Malelate na tayo nito sa pupuntahan natin."

Haist! puro dada na naman ito si manager kwon parang babae. kakadating nga lang namin sa korea kahapon tapos wala ng pahinga, alis agad kinabukasan ayan tuloy nakalat ko pa yung mga bagahe ko akala ko kasi stay muna kami dito. kainis naman!

Agad ko nang binilisan ang pagliligpit mahirap na baka mabungangaan na naman ako. Eh kung may pera lang talaga ako, di ko na papasukin tong trabaho na ito kung saan magiging SLAVE ng mga alaga niya daw. Aba! malay ko kung sinong alaga di ko pa nakikita, kahit sa picture para surprise daw. Surprise surprise pa, baka mamaya niyan ikasira lang ng araw at gabi o baka naman habang buhay na.

Nang matapos na ako agad na kong sumunod sa van ni Manager Kwon at pinaandar na niya, upang tumungo na sa pupuntahan namin na hindi ko naman eksaktong alam.

Kaloka tong van na to ang laki ng loob may mga damit na naka hanger. Yung totoo Van pa ba ito? Pasensya na ngayon lang din kasi ako nakakita ng ganito.

"Matulog ka muna diyan Ayu malayo pa ang byahe."

Ay oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala. I'm Ayu Ramfrost, 18 years old. Graduated of Culinary art kaso iniwan ko yung work ko dahil kay Manager Kwon. Nagmakaawa kasi siya pansamantala lang naman daw akong magiging slave kaya pinagbigyan ko na rin siya. Dahil kung hindi dahil sa kanya, di ako makakapagtapos ng pagaaral.

Wala na kasi ang mga magulang ko namatay sa car accident nung grade 6 ako at napunta ako sa ampunan at doon inampon ako ni Manager Kwon. Inakala ko pa nga nun siya yung Papa ko, kamukha niya kasi.

Sige bye tulog muna ako ah.

..................

*blag*

Napabangon ako sa ingay na aking narinig at lumapit ako sa bintana ng van. Kaya naman tumayo ako upang lumapit sa nakabukas na pintuan ng van. May Nakatayong lalaki na napaka puti at emotionless. Nagkatitigan kaming dalawa at dun ko napansin na may itim pala siyang hikaw na nakakadagdag sa kanyang angking ka gwapuhan, well di ko naman maitatanggi na gwapo nga talaga siya.

"Who are you?"

Ay!nakakatakot naman tong magsalita ang cold niya ah infairnes nagtayuan yung nga balahibo ko.

"I'm ayu "

"I dont care !get out !"

Ay!tinatanong mo kung ano ang pangalan ko tapos nung nalaman mo wala ka nang pakialam kala mo ikaw lang ah ako ri---

*blag*

Aray ko po ang sakit naman bigla ba naman ako hilain palabas ng kotse.

Umupo ako ng dahan dahan dahil masakit ang tuhod ko dahil naka miniskirt lang ako eh nagkaroon ng gasgas ang tuhod ko.

"Jungkook!! Look what you've done!?" sigaw ni manager kwon

Agad naman akong tumayo kaso bigo ako dahil narin sa malaking gasgas sa aking tuhod.

May kamay akong nakita sa aking harapan iniangat ko naman ang ulo ko para makita kung sino siya.

o∩_∩o ang pogi niya sobrang tangos ng ilong niya grabe!

"Stand up." nakakaakit ang kanyang boses.

Agad ko naman iyon inabot at inalalayan niya akong tumayo.

"Thanks" wika ko habang nakatitig sa kanyang mata.

"Hi! are you okay?" tanong naman ng lalaki ang pungay ng kanyang mata akala mo eh hindi nakatulog, pero ang gwapo gwapo parin.

Tumango naman ako bilang sagot na okay lang ako. Syempre alangan naman feeling maldita ako dito, hindi naman ako ganun kaganda.

"See!"sigaw ni manager kwon kay jungcook ba yun? ah ewan basta may cook sa dulo yun yung pagkakarinig ko. O baka naman mukhang luto na lang inaalala ng utak ko kaya pati pangalan ng tao naihahalintulad ko na din.

"She's not listening to me, I said get out! But she didn't  move. She's just staring at me!aghh..."

Naloka naman ako sa taas ng boses niya di kinaya ng eardrums ko. Ano ba nangyayari sa kanya at ganito na lang kainit ang ulo niya?

"But why did you do that!?" Namumula na si Manager Kwon.

"Eh sa nakakainis siya." walang kwenta niyang sagot

Ay FOTA!! marunong naman palang magtagalog naloka ako dun ah. Dugong dugo na nga ilong ko sa cruise dahil sa english nila tapos dito inienglish din ako. Tapos malalaman ko marunong naman pala magtagalog.

"Chill ! Manager Kwon." singit naman ng isa na mukhang masayahin. 

"Pumasok na nga kayo sa loob!"

Agad naman silang nagsisunuran pati si Manager kwon at habang ako nakasandal sa kotse. Ayoko makisabayan pumasok sa kanila mamaya magtulakan pa yan.

"Ano?dito ka lang?"sarcastic na sabi ni jungcook

"Papasok ako wag kang excited." nauna na akong lumakad kahit paika ika.

"Tss..clumsy." sabay bangga niya sa balika ko at nauna na maglakad.

Syempre di ako magpapatalo kaya naman hinila ko yung damit niya at tinapat siya sakin.

"Di naman ako magkakaganto kung hindi dahil sayo. Wag kang pa victim dito huh." I roll my eyes on him and tsaka siya nilagpasan. Aba! Ginaganto ganto niya lang ako, sa cruise ang daming mga maldita dun at hindi ako papatalo. Nakakapanginit toh ng dugo.

_______________________________________

First chapter pa lang po

#BIWASMeetNewSlaveAndMeetBTS

BOYS IN LOVE WITH A SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon