Chapter 11Jenifer's POV
Nang marinig ko ang bell ay agad kong tinanggal ang earphone ko at dali daling tumayo. Ayoko malate. Sisigawan ako ng terror naming prof.
Mabilis akong naglalakad sa hallway, naku, sana late siya para naman di ako pagalitan ^o^
May mga iilang estudyante pa ang nasa labas, at lahat ng madadaanan ko ay pinagtatawanan ako. Okay may mali ba sakin??
Sinamaan ko sila ng tingin pero patuloy lang sila sa pagtawa.
Huhu leader wer r u? inaapi nila meeeeeeeeee.Huminto ako sa paglakad dahil di ko na talaga matake!
Ano bang meron? May red stain ba ako?Tumingin ako sa likuran ko at may papel na nakadikit sa butt ko. Kinuha ko ito at binasa.
'Kick my ass please'
Funye*as!!! Sinong g*gong nilalang ang naglagay nito!?
Teka! Nung mga nakaraang araw, narinig ko na pinagtitripan ng DG ang members namin. Halaaaaaaaa.
Ibig sabihin isa sakanila ang may gawa nito???P*tek! Pag nakilala ko siya. Gigilitan ko siya sa leeg.
Wag lang siyan papakita sakin aaaarrrhgghhh >______<Jean's POV
Tumayo ako para ipasa kay ma'am ang project ko. Pinaghirapan ko to ng bonggang bongga kaya kailangan mataas ang grade XD DEMANDING!
"Ma'am here's my project. Pinaghirapan ko po yan" sabay abot ko ng portfolio
"Good job" bumalik na ako sa upuan ko ng may malawak na ngiti
maya maya lang....
"Miss Jean, niloloko mo ba ako?!"
Huh? Ano daw? Niloloko?
"What do you mean ma'am?"
Hinarap niya samin ang portfolio at halos manlaki ang mata ko ng makita ko na ang project ko ay puro picture ng babaeng naka bikini.
Tumayo ako para icheck kung talagang akin nga yun.
Sh*t! Sinong gumawa nito?!
Narinig ko namang tumawa ng malakas ang deathroit gang.
"Haha nice one dude" sabi nung Zico kay Earl
G*go! Ikaw pala ang gumawa nito ha? Humanda ka bwisit kaaaaaaaaaaaa!!
Ariane's POV
Whatta nice day!,
Nandito ako sa rooftop ngayon.
Wala trip ko lang XD
Nakakaimbyerna mga kasama ko eh, emote ng emote.Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.
From: Jenifer
Yanyan! Nasaan ka? Hinahanap ka ni leader.
Binalik ko na ang phone ko sa bag at tumayo.
Paglabas ko ay dire-diretso akong naglakad. Kaya naman hindi ko napansin yung batong nasa daanan kaya ayun. Natapilok ako shete!
At saktong pagkabagsak ko sa sahig ay may nagbuhos sakin ng.... err
Dinurog na chalk!???
Tinignan ko yung kupal na bumuhos sakin ng chalk. Tumatakbo siya, hindi ko din makita ang itsura niya dahil naka hood at mask siya.
Bigla naman siyang nadapa kaya tumayo ako at tumakbo palapit sakanya. Bago pa man siya tumayo at tumakbo ay hinawakan ko na ang damit niya.
"G*go ka ako pa pinagtripan mo ha" inalis ko yung hood at mask niya.
Sabi ko na eh..
Isa sa members ng DG. Hay*p talaga mga impaktong yun.
Hinila ko siya patayo at binigyan ng isang malakas na sapak sa mukha. Saka ako paika-ikanh naglakad paalis.
Bel's POV
Pumunta ako sa AVR(Audio visual room) at kinuha ang gitara na nandun.
Hindi ako sumabay sakanila mag lunch. Ang awkward nga eh yung iba umiiyak, nakapangalumbaba, nag e-emote, sumisigaw
Naiimbyerna lang ako -.-
Tsssss.Sinimulan kong mag strum ng gitara, nasa mood akong kumanta pakealam niyo ba?-.-
Napahinto naman ako nang may marinig akong kaluskos.
Pfft. Ang creepy ha! November 1 ba ngayon??Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pag strum.
Pero nakarinig nanaman ako ng kaluskos kaya naman tatayo na sana ako pero....Arrgh. F*ck!
Hindi ako makatayo dahil nadikit yung pants ko sa upuan.
P*nyemas! Pati ba naman akong walang ginawa sakanila?!!Anak ng---- T*rant*do yung mga yun ah. Damay damay ganun?!
Aargghhh!!!!
"You need help?"
tumingin ako sa pintuan.
Andun yunh leader ng DG. G*go!"I don't need your f*ckin help! Get lost!"
Nag-crossed arms siya "Okay fine, sabi mo eh"
Damm*t! Those stupid guys!
Pati ako dinamay!!!!?
Let see then..****End of chapter 11