Chapter 16

72 3 2
                                    

Chapter 16

Nicole's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung pagbayarin namin sila sa Mcdo.
Haha ang epic talaga nun eh, paglabas kasi namin, nagtago kami sa labas para tignan sila.

Laughtrip yung mukha nila  nung lumabas yung manager 'kuno' haha mga duwag naman pala XD

"Haaaayy! Ang boring ng school days natin no?"

"Oo nga eh, bakit kasi di na bumabawi yung mga kumags na yun??"

"Baka nagsawa na?O baka natakot?Haha mga duwag naman pala"

Nandito kaming apat ngayon nila Jean, Alex, at Daizy sa comfort room. Nagreretouch, may program daw kasi mamaya. At ang lahat ay kailangan manood, hindi din pwedeng umuwi. Kahit si Alex hindi din

"Ano nga palang program mamaya?" tanong ko

"Ewan?Di naman ako dumadaan sa bulletin board para tignan yun. Ikaw Alex alam mo??"

"Ahhhm. Hindi ako sure eh, pero yun ata yung iaannounce yung official members ng basketball team, balita ko din, may special number sila haha"

"Yun lang yun?Ganun ba kaspecial ang team na yun, para magpaprogram pa?"

"Ano ka ba Jean, siyempre naman no. Irerepresent nila ang school natin kung sakaling makapasok sila" Sagot ni Alex

"Labas na tayo girls, nagtext si Jhie eh, nandun na daw sila" sabi naman ni Daizy

Inayos na namin ang gamit namin at naglakad na palabas.
At habang naglalakad kami ay nakasalubong namin yung Kyle ng Deathroit gang. Hindi niya kami napansin dahil nagmamadali siya.

"Nakakapanibago talaga sila. Hindi na nga ako sanay ng hindi sila nantitrip"

Tumango kaming tatlo sa sinabi ni Jean. Nakakamiss lang yung epic nilang mukha haha.

Nang makarating na kami sa... ano nga ulit tawag dito? Ah basta yun! -.-

Naupo naman na kami sa vacant seat na malapit sa ibang members. Nasa harapan kami, malapit sa stage, special kami dito eh haha thanks to Alex. Lol

May umakyat na lalaki.. errr should i say.. Gay?? Kumekendeng kasi siya maglakad eh haha saka naka red lipstick pa, oh yeah. Teacher din siya sa P.E. at ang sabi naman ng teacher namin sa P.E ngayon ay hindi na niya kami kayang i-handle. Maswerte na nga siya dahil section namin ang hawak niya eh. At sana naman wag tong baklang to ang pumalit sa teacher namin ngayon T____T

"OMG ayan na!!! lalabas na ang mga fafa!!"

Ayan nanaman si Kathryn.
Pustahan oh, mauuna tong tumili mamaya -.-

Hayyyy. Ang boring eh.
Dapat umuwi nalang kami, or nag mall nalang. Aish.

Kathryn's POV

OH MY GOSH OH MY GOSH!
Y IZ DAT?? Hahaha.
Makikilala ko na ang members ng basketball team, yey.
Hihingiin ko ang number nila isa -isa haha^_______^

"Aray ko naman Kathryn, kung makahampas naman" reklamo ni Nicole.

Ayy sorry. Natetense lang me hahaha pag may member na pangit diyan, papatayin ko yung coach huahahaha.

I'm so excited na talaga*O*
Ang dami pa kasing sinasabi ng baklang to eh.

"And now..."

OH MY GAT! AYAN NA AYAN NA AYAN NAAAAAAA. F*CK SH*T D*MMIT KINIKILIG AKOOOOOO HAHA SANA PAG LABAS NILA ISA ISA SILANG MAGHUHIBAD NG JERSEY!! WAAAAH. SIX PACKS WER R U??

The Fearless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon