Chapter 25: In Davao

7.3K 139 2
                                    

Scene: Davao, in between kalyeserye.

"So ano feeling mo na magkasama tayo ngayon sa Davao after 5 months." sabi ni R.

"Masaya. Siyempre mas masaya kasi kasama kita." sabi ni M.

Magkasama sila sa isang room sa hotel while waiting for the cue na tatawagan sila ni Lola Nidora.

"May gift ako sayo" sabi ni M.

Inabot niya yung isang Davao shirt kay R.

"Kasi nga diba I love Tisoy." sabi ni M.

Natuwa si R at ang reply "I love you Maine".

Sabay pinaharap ni R yung mukha ni M sa kanya tsaka hinalikan. Napakapit si M sa balikat ni R kasi intense ito.

Nasa gitna sila ng intense na halikan ng biglang pumasok si DP. Di na siya nagulat sa nakita niya.

"Huy ayos na malapit na tumawag si Lola" sabi ni DP.

Natawa lang yung dalawa. Sanay na silang naaabutan sa ganung posisyon kahit may privacy pa.

"Ayan na. Sagutin mo na Menggay!" sabi ni DP.

Kinausap ni M si Lola Nidora sa phone tapos ipinasa kay R. Nagulat talaga si R nung tinanong siya ni LN kung san sila natulog.

"Sa kama po" yung pinakamabilis niyang naisip. Di niya alam isasagot niya. Kaya yung tanong kung hiwalay na kwarto, di siya agad nakasagot.

Sa gilid si M nagsabi "sabihin mo hiwalay, si Yaya Dub yan at si Alden, hindi tayo." tawa ng tawa si M. So sumagot si R. Pulang pula siya.

After maibaba yung phone for the meantime, tumawa talaga ng malakas si M

"Umamin ka, nagpanic ka sa question." sabi ni M

"Oo no. San nanggaling yun?" tanong ni R.

"May dapat ba akong malaman?" sabi ni DP. Nagulat yung dalawa.

"Wala naman ate Pat." sabi ni M.

"Nataranta lang ako. Di ako naorient." sabi ni R.

"Eh bakit.... " inisip muna ni DP kung itatanong niya. "Wag na nga. Bahala kayo diyan. hintayin natin, may isa pang tawag." sabi ni DP

After ng KS at nung second call, nagulat si R na tumatawag sa kanya si Wally.

"Kuya Wal bakit?" sabi ni R.

"Sorry ha" tawa si W

"Saan?" tanong ni R.

"Nadulas ako kanina. Natanong kita kung san kayo natulog. Di ko kasi napigilan." sabi ni W.

"Eh ok lang po. Nasa script naman ata." sabi ni R.

"Wala siya sa script. kaninang umaga kasi bago kayo magprep, nakita kita." sabi ni W.

"Saan po?" sabi ni R.

"Sa paglabas mo ng kwarto ni Meng" sabi ni W. Sabay tawa.

"Ah.. " natawa si R na may halong kaba at namumula siya at pinagpapawisan.

Napansin ni M. "Uy bakit?" sabi ni M.

"Si Meng ba yun?" sabi ni W sa phone. "ipasa mo sa kanya dali" sabi ni W.

"Kuya wal" sabi ni R at inabot kay M yung phone.

"Kuya Wal." sabi ni M.

"Kayo ha! Nakita ko si R kanina." sabi ni W.

"Saan?" sabi ni M

"Palabas ng room mo." sabay tawa ni W.

Namutla si M. First time nilang di natawa ng bongga na nahuli.

"ah eh... " di makasagot si M.

"I trust you guys don't worry." sabi ni W.

"Nadulas lang talaga ako kanina. Di scripted yun eh." natawa si W. Natawa din si M pero kabado talaga siya.

"Kuya Wal nakakahiya!" sabi ni M. pulang pula na sila pareho.

"Walk of shame ba?" sabay tawa ni W.

Narinig ni R "kuya Wal hindi!!" sabi ni R. "Hindi no kuya Wal" sabi ni M.

Tawa ng tawa si W sa other line. "o sha, babye na. Ingat kayo" sabi ni W.

"Bye kuya Wal." sabay sila pareho nagsabi. After maibaba yung phone biglang tumawa yung dalawa.

"Akalain mo dalwang beses tayo nagcheck kung clear na, may nakakita pa din sakin na lumabas." sabi ni R.

Tawang tawa si M. "kasi naman. Sabi ko bumalik ka na. Eh ano... "

"Hinalikan kita? Di kita matiis eh." sabi ni R.

"Eh di rin kita matiis! Wag kang ano!" hinampas siya ni M tawa sila ng tawa.

"luh luh" si DP napansin sila. "paki explain kung ano nangyayari ngayon?" sabay tawa ni DP.

"Wala ate Pat." sagot nung 2.

"Game na aayusan na kayo for presscon. Go!" sabi ni DP.

At sabay sila bumaba sa elevator. Kasabay si DP. So walang nangyari sa mahiwagang elevator. Pero magka-HHWIF yung dalawa.

#imaginepamore (COMPLETED ALDUB | MAICHARD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon