"Gising na"
Ang mga salitang aking naririnig habang dumadampi ang sikat ng araw sa aking pisnge na tila ba'y isang nakawalang kaluluwa na lumusot mula sa babasaging bintana. Isa sa mga bagay na napakahirap hanapin maliban sa pares ng aking medyas ay ang rason kung bakit ako babangon. Napapikit ako ng aking mata habang hinaharap ang tirik na sinag ng araw mula sa bintana sabay ngiti ako'y sumagot.
"Oo na, babangon na"
Tanaw ang kalendaryo mula sa study table nitong napakaliit kong kwarto ako'y napahinto. Inaalala ang nagdaang dalawang taon na tila ay isang impyerno.
Impyerno
Ang apoy ng galit ay muling naghihimagsik sa puso kong nananabik. Sa mga matang kumiskislap kasabay ng pag sayaw ng mg bituin sa langit at ang kadiliman na naging dahilan kung bakit ito'y aking inibig. Gusto kong magalit. Gusto kong kumawala dito sa impyernong iyong hatid habang inaalala ang iyong mga mata.Halimaw ang tawag sa mga nakakatakot na nilalang rito sa mundo na may kakayahang pumatay at maghatid ng dilubyo pero tila ba'y ang halimaw sa aking mundo ay ang babaeng nagtatago ng limang kandila sa kanyang bag tuwing ika-labing dalawa ng Hulyo. Maria Isabella Borromeo ang tinaguriang halimaw ng buong paaralan ng Santiago.
Sa ikaapat na palapag ng school building ako'y humiga sa sahig habang sinasamsam ang malamig na simoy ng hangin sabay pikit ng mga mata. Ang kawalan mula sa nakakabinginging litanya ni Maam Valdeo tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, pamilya, anak, eskwela, trabaho at ang mga kwento sa buhay ng kanilang mga kapitbahay na hindi naman namin kilala. Katahimikan ang bumalot sa buong lugar hanggang sa makarinig ako ng mga yapak papalit sa kung saan ako nakahiga
"Ang saya ng taong ito noong nabubuhay pa siya," rinig kong sambit ng kaibigan kong si Marius na tila ay nagdadalamhati kasama ng iba pa naming kabarkada.
"Sumalangit na wa-," tumayo na ako at pinagpupokpok ang kanilang mga ulo habang humahagalpak sa tawa.
"Maria Isabella Borromeo," biglang sabi ni Marius habang nakatanaw mula sa baba ng building. Napahinto kami at napatingin na rin sa babaeng naka itim na jacket at nakayuko habang nilalakbay ang tila walang hanggang kalsada patungo sa classroom namin.
"Ikalabing dalawa nanaman ng Hulyo," sambit ni Franklin.
"Magoorasyon nanaman si Isabella!," sigaw ni Marius sabay baba naming lahat mula sa building at tawa.
BINABASA MO ANG
Leaves
Teen FictionThis would be a short story on my interpretation of the song Leaves by Ben&Ben. Just like Phineas and Ferb, I am finding this as a good way to spend my summer vacation. Lol xoxo