3

4 0 0
                                    


"Alis ka na? Yosi muna tayo!," sabi ni Marius bago pa man ako makapagpaalam.

Mula sa gitna ng aking mga ngipin ay ibinuga ko sa ere ang usok na tulad ng oras ay madali ring nawala. Magagalit nanaman si Angelique nito, sabi ng utak ko pero patuloy pa rin ang aking pag langhap ng usok mula sa puting stick sa pagitan ng aking mga daliri.

Napakalalim na ng gabi ng magsimula akong maglakad pauwi, sa di kalayuan ay tanaw ko ang madilim na eskinita patungo sa public cemetery. Madilim na ang daan patungo nito ngunit tanaw ko ang isang babaeng naka itim na jacket na pamilyar sa aking mga mata.

Nababakla man ay sinundan ko ito hanggang sa umabot ako sa mismong cementeryo. Napahinto ako ng makita ang babaeng aking sinusundan na kinakausap ang isa sa mga puntod na tila bay naiiyak habang iniilawan ang mga kandilang iaalay sa kung sino man ang nakahimlay.

Ala-ala
Ang puso'y napuno ng pagkabalisa habang inaalala ang iyong mapupungay na mata. Dinaramdam ang bawat pag pihit sa pangakong ika'y aking muling makikita. Sinta, sana'y iyong marinig ang bawat liriko ng kantang lalandas sa aking mga labi. Kasabay ang ritmo ng puso kong patuloy na nananabik.

"Anong ginagawa mo dito?," tanong ng babae nang mahagilap ako sa gilid ng kanto.

"Totoo ba? Halimaw ka nga ba talaga?," sagot ko sabay tawa. Nilagpasan lamang ako nito at nagpatuloy nang tahakin ang daan palabas. Pilit kong nilapitan ang puntod sabay basa ng pangalan na nakasulat rito.

Augustus Arthur N. Garcia

Natawa nalang akong isipin na baka'y may love life nga ang mga halimaw. Natatawa akong lumabas ng cemetery ng madaanan ko ang bahay na minsan ay tinawag naming haunted house. Alalang-alala ko ang mukha ni Marius na tila ay natatae sa sobrang takot habang iniikot ikot sa Ouija board ang shot glass na tinakas ko pa sa bar ng luma naming bahay.

Malaya akong dinala ng aking mga paa sa entrada ng abandonadong bahay na ito. Kitang-kita ang makalumang istilo nito dahil sa mga naglalakihang bintana na naka hilera. Naririto pa rin naman ang mga naglalakihang frame na litrato ng may-ari ng bahay. Ang gilid ng frame ay napupuno ng mga makalumang detalye na tila ay pang gotiko. 

May limang tao sa loob ng litrato, ang tila Ama ng tahanan dahil sa kanyang mga bigote ay nakaupo sa sentrong upuan habang hawak ang kamay ng katabi niyang babae na sa aking palagay ay ang ilaw ng tahanan, nakapalibot sa kanila ang tatlong babae na may matatangos na ilong at mapungay na mga mata. Kung sana lang ay  nabuhay ako sa panahon nila ay naligawan ko na ang isa sa kanila.  

Napaisip akong maglakad lakad muna sa loob ng bahay, mabuti nalang ay hindi ito masyadong nagalaw kahit na ilang taon na ang lumipas. Ang litrato nila ay nanatiling nakadikit pa rin sa mataas na parte ng pader kung kaya't walang sinumang naglakas loob upang pagtripan ang mga mukha nila. 

Nagpatuloy ako sa paglakad lakad hanggang sa makita ko ang engrandeng hagdanan ng buong mansyon sa mismong gitna nito. Naalala kong patungo ito sa mga silid tulogan at balkonahe kaharap ang dagat sa likod ng buong tahanan. 

I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one

Sa unti-unting pag akyat sa hagdan ay may narining akong boses ng babae habang kumakanta. Lumakas ang pintig ng puso ko at nagdalawang isip kung pagpapatuloy sa pagtahak ng hagdanan pataas. 

I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone

Malamig ang tinig nito na tila ay makakatulog ka habang nakikinig. Buong tapang kong pinagpatuloy ang pagtahak ng hagdanan sa kalagitnaan ng basang kili-kili at kamay dahil sa sobrang pagkatakot. Ng makarating ay agad kong nasilayan ang babaeng nakaharap sa karagatan na tila ay sinasamsam ang malamig na hangin mula rito. 

Sa di kalayuan nito ay may isang telang nakalatag sa sahig na may nakapatong na mga libro at lampara. 

And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can--

Pumiyok ang tinig nito habang kumakanta dahil sa pagiyak. Jusko po! Ito ba yong white lady na umiiyak? Tulungan niyo po ako. Meron bang white lady na nag jajacket? Sa kalagitnaan ng pagdarasal at paghingi ng tulong sa Poong Maykapal ay napagtanto kong si Borromeo pala ito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon