Niakalabas na si Maam Valdeo ng makarating kami sa tila palengke naming silid. Sabay-sabay kaming pumasok at naupo sa paborito naming pwesto— sa likuran, malapit sa broom box na nakadikit sa pader habang sa taas nito ay nakadikit din ang ceiling fan na tila ay gusto ng rumitiro sa pagiging ceiling fan.
Isa sa mga nagiingay ay ang grupo ng mga babaeng tila mga payaso sa dami ng colorete sa mukha habang nakikipaglandian sa mga barkada kong sina Marius, ang ibang kalalakihan naman ay nasa labas na tila ay magiging varsity na sa paglalaro ng sipa. Walang humpay ang pagtaas baba ng shuttle cock na gawa sa straw at 5 centimo ang natatanaw ko mula sa aking upuan ng lumapit si Angelique. Ang tila anghel kong nobya.
"Ba't ngayon ka pa? Kanina pa kita hinihintay," sambit nito sa maamong tono na salungat sa mga perpektong kilay nito na ngayon ay nagtatagpo na dahil sa tampo.
"Nagpahangin lang ako sa labas," sagot ko sabay tingin ulit sa mga naglalaro.
"Joaquin naman, akala ko ba aayusin mo na yang buhay mo? Nasa 4th grading na tayo," sabi nito na tila ay iiyak na.
"Oo nga, halika na. Wag ka nang magalit please," sambit ko sa maamong tono upang pawiin na ang mga nagbabadyang luha mula sa mga mata nito tsaka ko niyakap at pinaupo sa tabi ko.
"Lique, samahan mo ko sa palikuran please!," sigaw ni Demi sa kayakap kong si Angelique.
"Samahan ko lang si Demi. Babalik agad kami," sambit naman nito sabay tayo upang samahan ang kanyang kaibigan.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan. Sinundan ko ng tingin ang babaeng aking iniibig habang nilalandas ang daan patungo sa palikuran ng paaralan. Sumasayaw ang mahabang itim na buhok nito hanggang sa kanyang bewang na naging perpekto sa mala porselana niyang balat. Hindi ko lubos maisip na sa katarantaduhan ko ay nabibiyayaan ako ng babaeng sobrang perpekto. Nakakabakla mang isipin.
Patuloy pa rin ang pagsunod ng aking mga mata kay Angelique nang lumagpas ang aking paningin sa babaeng nakaupo sa bench na napapalibutan ng nagtataasang mga kahoy. Simula nang siya'y mapunta rito ay hindi na magkamayaw ang usap-usapan sa buong paaralan tungkol sa pagiging halimaw niya.
"Ginagawa mo?," sambit ng bagong dating na si Marius sabay tawa na naging rason ng pag putol ng aking pagtanaw kay Isabella.
"Party?," dagdag ng kararating lang na si Franklin.
"Wag mong sasabihing pass ka nanaman!," sabi ni Marius.
"Di na. Paalam lang ako kay Angelique mamaya," sagot ko.
Natapos ang araw at natuloy nga kami. Nakailaw na halos lahat ng poste sa gilid ng kalsada na nagsisilbing matalik na kaibigan ng napakabilog na buwan sa kalangitan kasama ang nagkikislapang mga bituin ng maaninag ko muli ang labasan ng computer shop.
BINABASA MO ANG
Leaves
Teen FictionThis would be a short story on my interpretation of the song Leaves by Ben&Ben. Just like Phineas and Ferb, I am finding this as a good way to spend my summer vacation. Lol xoxo