'We all want everything to be okay. We don't even wish so much for fantastic or marvelous or outstanding ending'
--
"Chanwoo-yah!" sigaw ng tinig ng isang babae. Napalingon doon si Chanwoo at nanlaki nalang ang mata niya nang makita niya si Ria na papalapit sa kanya. Nakangiti ito habang kumakaway. Kinusot-kusot niya ang mata dahil baka may third eye na siya pero hindi. Totoo talagang si Ria ang tumawag sa kanya.
Laking gulat na lamang niya nang makalapit ito sa harap niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Yah! Gwaenchana?" natauhan na lamang siya at kaagad itong niyakap. Buhay nga siya dahil nayakap niya ito
"Waeyo? munjegaissda?" tanong ni Ria habang nakayakap si Chanwoo kanina (Why? Is there a problem?)
"A-akala namin.." balisang balisa parin ang mukha ni Chanwoo
"Na kasama ako sa pag crash ng airplane? Hindi ako tumuloy dahil narealize kong mas maganda dito sa Korea mag-aral kesa sa ibang bansa" nakangiting sabi ni Ria. "Bakit ba ganyan ang mukha mo?"
"Dahil akala namin patay ka na! Gusto mo bang patayin kami sa kaba? Alam mo bang nang marinig ko ang balitang nagcrash ang eroplanong sinakyan mo ay nanlumo ako?" umiwas ng tingin si Chanwoo "Mawawalan ako ng isang kaibigang halos ituring ko ng kapatid. Alam mo bang masakit yon?" natulala nalang si Ria sa mga sinabi ni Chanwoo.
Ngayon lang siya napagtaasan ng boses nito. Pero ngayon lang din niya nakita ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Basang basa ito sa ekspresyon ni Chanwoo.
"Mianhae.. Nado molla" paghingi ng tawad ni Ria. (Sorry. I dont know)
"Nag-alala lang kasi ako.. kami" sagot ni Chanwoo
"Kami?" tanong ni Ria
"Si Yunhyeong--Teka? Nalaman niya ang balita! Kanina ko pa siya kinokontak walang sumasagot. Naputol yung pag-uusap namin kanina" kinakabahang sabi ni Chanwoo
"Si Yunhyeong? H-hindi kaya kung anong pumasok sa isip non nang malamang kasama ako sa mga nagcrash na eroplano?" tarantang sabi ni Ria
"Sht! Hanapin na natin siya!" agad silang tumakbo at hinanap si Yunhyeong. Sa kalsada, sa apartment nito, sa park at sa school nila. Buong gabi silang naghanap. Tumawag na sila sa police station at nagtanong tanong.
Bawat minutong lumilipas habang naghahanap sila ay walang patid ang kabang nararamdaman nila lalo na si Ria. Kung anu-ano ng mga bagay ang pumasok sa isip niya. Mayat maya may luha ng tumutulo sa mga mata niya.
Nanginginig siya sa bawat kilos na ginagawa niya. Naisip niya ang lahat ng pwede nitong puntahan. Lahat. Maliban sa isa..
"Sa train station!" sigaw niya kay Chanwoo. Agad silang pumunta sa train station kung saan madalas nilang puntahan.
Nang makarating sila doon ay may mga sasakyan ng ambulansya at mga pulis doon. Sinimulan na silang kabahan. Hindi alam ni Ria pero sobra sobra ang kabang nadarama niya.
Lumapit sila sa riles at isang tren na nakahinto. Hindi nila makita kung ano ang meron doon dahil nakapalibot ang napakaraming tao. Nakipagsiksikan siya para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
Hanggang nakita niya nga kung ano iyon..
Isang lasog lasog na bangkay ang kanyang nakita. Nilapitan niya pa ito nang matisod siya sa isang bagay. Dahan dahan siyang yumuko at pinulot ito .. ang isang bagay na alam niya kung kanino.
Napatakip siya agad ng bibig nang makita niya pa ang initials ng pangalan sa gilid nito. Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. Lumapit siya si Chanwoo sa kanya na halatang nanlulumo ang mukha..
"Si Yunhyeong .. Wala na siya .." at ang mga salitang yon ni Chanwoo ang sibrang nagpadurog sa puso ni Ria. Ang pinakamamahal niyang lalaki ay ..
Wala na.
--